AUTHOR'S NOTE, PLEASE READ!
HEY GUYS!
Sa chapter na 'to at sa mga dadating pang ibang chapters, ibobold ko na lahat ng conversation. As requested by Bebi Sarah. :**
I would like to thank those who read my story. I am so very thankful. haha. So na, very pa!
Here's chapter five. hope you enjoy!
Forgive the typo's and grammar errors :)
==========================================================================
Haley's POV
Magkatabi kami ngayon ni nathan habang ung mga parents namin ay pinag-uusapan tungkol sa company shares and partnership. BORING. kami ni nathan naman ay parehong tahimik. Hindi ko alam kung paano ko sya kakausapin. Dahil pareho namin itong hindi inexpect. I find this situation very, and I mean very awkward.
I mean I like nathan, pero niminsan hindi pumasok sa isip ko na sa kanya ako ma-eengage at balang araw mapapakasalan. Pero hindi pa naman sigurado ang lahat. malay ko ba kung makahanap sila ng iba pang investors. tsaka paano na si victoria? alam na kaya nya?
Nagulat ako ng biglang tumayo si Nathan. "Dad, punta lang ako sa garden." paalam nya sa kanyang daddy. "Sige nak, isama mo na rin si haley para naman makapag-solo kayo." Nag-smirk lang sya at niyaya nya ako. sumunod naman ako agad sa kanya. Nakakahiya naman ung sinabi ng daddy nya. para pa ngang nairita pa sya.
Papunta na kami sa garden nila, at talaga nga naman.. NAPAKA-GANDA! May nakita akong swing kaya agad akong dumiretso dito at naupo. Sumunod naman sya sa akin at naupo rin. nag-sway ako ng kunti ng biglang mag-salita si natan.
"Haley, anong pananaw mo sa arranged marriage?" this question caught me off guard. ano nga ba? dahil sa sunod-sunuran lang naman ako sa parents ko.. parang alam ko na darating ako sa puntong ito. sinagot ko nalang ang kanyang tanong, "I don't really like the idea. The thought of marrying someone you don't love... parang ang panget. Mas maganda kung pareho nyong mahal ang isa't isa." ngumiti lang sya. Ang sumunod na mga salita na nanggaling sa kanya ay labis kong ikinalungkot.
"Tama ka. Gagawa ako ng paraan para matapos na itong kalokohan na toh." kalokohan? kung sabagay, ako rin naman ang nag-sabi sa kanya na hindi ko gusto ang idea ng arranged marriage. "Hahanap ako ng mga investors. bahala na kung paano. Hindi ako papayag na makasal sa taong hindi ko gusto." OUCH. I think that was cold... bakit? hindi nya ba naisip na pwede naman naming subukan mag-work muna ang relationship namin? dahil siguro kay victoria.
Parang hindi kinaya ng puso ko ung sinabi nya...
"Hindi ako papayag makasal sa taong hindi ko gusto." para akong tinusok ng karayom sa puso ko. ang sakit naman ata? Kailangan ko ng umalis dito. nararamdaman kong patulo na ang aking mga luha. "I-I have to go.. paki sabi nalang kela mommy na nauna na ako." pagkatapos kong sabihin yun ay agad akong tumakbo palabas. bahala na kung saan ako mapunta.
--
Sa aking pag-lalakad ay natagpuan ko ang aking sarili sa park, kung saan una kong nakilala si nathan. Oo, matagal ko na syang nakilala. Hindi ko makakalimutan yun. pero Si nathan? walang bakas sa kanyang mukha na natatandaan nya ako. hays.
*FLASHBACK*
Bago mag-pasukan, first year highschool:
Ako ay nandito ngayon sa park at umiiyak. Bakit? Namatay kasi ang alaga kong aso na si tim. ang namumukodtangi kong bestfriend. Paano na ako ngayon? wala naman akong ibang kaibigan dito sa bagong lugar na ito. gusto ko ng bumalik ng surigao. Although bisaya ang salita doon, sa bahay ay tagalog kami nag-sasalita o di kaya ay ingles.
BINABASA MO ANG
Arranged or not?(REVISING)
Teen FictionA guy named Nathan Lee and a girl Named Haley schick both comes from a rich family. what happened? Arranged marriage. but will it work out between them? Will the ever so handsome Nathan Lee fall for Haley? Find out now!