Tanghali na pero tinatamad pa rin akong bumangon. Kanina pa ako nakikipagtitigan sa kisame habang nakahilata sa kama. Ang tahimik ng buong apartment dahil umuwi ang dalawang kasama ko sa mga kamag-anak nila.
Huwebes Santo pero wala akong magawa. Sandali akong sumilip sa facebook at mukha agad ni Eric ang bumungad sa akin. Kasama niya ang girlfriend niya ngayon kaya hindi ko siya puwedeng i-text.
Naalala ko na naman ang nangyari kagabi at naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko puwedeng sisihin ang espiritu ng alak dahil alam ko naman ang nangyari.
Pumikit ulit ako at balak bumalik sa pagkakatulog nang tumunog ang phone ko.
Si Mikael na naman. Bago kong katrabaho na isang buwan pa lang kaming nagkakakilala ay nagpapahayag na agad ng wagas na pagmamahal.
Pagmamahal my ass!
Bumangon na ako para maligo at magbihis. Wala naman akong ibang gagawin eh. Mas magandang sumama na lang ako sa lakad ng iba kesa magmukmok mag-isa.
Isang oras ang inubos ko sa paghahanda. Matapos ay nakipagkita na ako kay Mikael sa kanto ng lugar namin.
“Akala ko ini-stir mo lang ako nang pumayag kang sumama sa akin, eh.”
Hindi ko napigilang magtaas ng kilay. Nang makita ko ang nakangisi niyang mukha, wala akong ibang gusto kundi punasan iyon para mawala.
“Andito na nga ako ‘di ba.”
Hinablot ko sa kanya ang helmet at ako na ang kusang nagsuot. Medyo mainit na ang sikat ng araw pero sinabihan niya akong mag-jacket para hindi masunog ang balat ko. Balak niyang mag-stroll kasama ako at ang mga barkada niya.
“Sa’n tayo ngayon?” tanong ko matapos umangkas sa motor niya. Sandali akong nag-adjust dahil mas sanay ako sa motor ni Ericson. “Letse...” Naalala ko na naman siya.
“May sinasabi ka?” tanong ni Mikael na bahagyang lumingon.
“Wala! Magmaneho ka na.”
Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Hinampas ko siya sa balikat at sinabihang paandarin na ang motor. Sa tantya ko, nasa dalawang kilometro na ang ipinagmaneho niya. Pagdating namin sa crossing, huminto kami sa isang tindahan na may ilang nakatambay na may mga motor din.
“Pre,” bati niya sa ilang mga kalalakihan roon.
Hindi ako bumaba ng motor, itinukod ko lang sa lupa ang isang paa ko para bumalanse. Sandali silang nag-usap. Ipinakilala ako sa mga kaibigan niya at mga kasama nilang mga babae matapos ay nagmaneho na ulit kami.
Hindi ko alam kung saan ang hilltop na sinasabi nilang pupuntahan namin. Pero napansin ko na habang lumalayo kami ay unti-unting nagiging parang bundok ang binabagtas ng grupo namin.
Nagiging malalayo ang distansya ng mga bahay sa bawat isa. Dumarami rin ang mga naglalakihang puno, at lumalamig ang simoy ng hangin.
May isang stopover kaming hinintuan para bumili ng maiinom.
“Nasaan na tayo?”
“DRT ang tawag nila sa lugar na ‘to. Sa pinakatuktok makikita mo ang Angat Dam,” paliwanag sa akin ni Mikael.
“Dam? Pupunta tayo sa dam?”
“Maganda ang view do’n. Matagal ko nang gustong pumunta roon pero sabi ko pupunta lang ako kapag may kasama na akong babae.”
Kumindat pa siya, kinilabutan lang tuloy ako.
“Picture tayo.”
“Ayoko.”
BINABASA MO ANG
Stolen [COMPLETED]
General FictionWARNING : with explicit and violent scenes / mature content. READ AT YOUR OWN RISK. Matagal ko nang gustong maranasan kung paano makulong sa malalakas na mga braso niya, sa mainit na yakap niya. Kahit ngayon lang, hahayaan ko muna ang sarili ko na m...