oo3

34 6 0
                                    


tinanong nila ako
kung okay lang daw ba ako

sabi ko pagod lang


ang dami kasi nating projects

dumating si Sairem
tapos yung bungad niya

trending yung relationship status nila a

relationship status nino ?
yan yung pumasok kaagad sa utak ko


tinanong ulit nila ako

nakita mo na ba ?
sa tingin mo, totoo kayang sila na ?


kumunot yung noo ko
wala kasi talaga akong alam sa sinasabi nila



tapos maya maya dumating ka
dumating din yung iba

nice one !
tapos nag-apir kayo

nakatingin lang ako sayo
masaya ka
sobrang saya

so totoo ba ?
tanong ulit nila

nagtatanong pa
ipopost ko ba kung hindi ?
nakangiting sagot mo

nakakatangang ako lang ang walang alam
samantalang dati ako lagi
yung unang pinagsasabihan mo
ng halos kahit ano



umalis ako
nag cr kunwari
pero tinignan ko yung profile mo

In A Relationship

In A Relationship

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


32 minutes ago

kailan mo lang ba siya nakilala ?

di ba tayo taon ng magkasama ?

ni hindi ko nga kayo nakikitang
nag-uusap ng kayong lang

kasi ako yung laging kasama mo

pero bakit ganun ?

nag short cut ba kayo ?

o sadyang naligaw lang ako
at akala ko papunta ako sayo ?

Pan - StoppedWhere stories live. Discover now