o11

11 3 0
                                    

    • A Girl Who Cuts Her Hair    Is About To Change Her Life  •

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

    • A Girl Who Cuts Her Hair
    Is About To Change Her Life  •

after ng huling entry ko dito
naisipan kong magpagupit

pero di ko naman inaasahang
big deal yung pagpapagupit ko

dati natatawa na lang ako sa
mga babaeng nagpapagupit
kasi broken
kasi gustong magmove-on

kasi anong connect ng buhok
sa broken heart ?

hanggang sa natawa na lang din ako
sa sarili ko

nalaman ko na yung connect

kung gusto mong magmove-on
kailangan mong magbago

kailangan mong baguhin yung
nakasanayan at nakagawian mo

tulad na lang ng nakasanayan mong
kasama siya at kausap siya

at nakagawian mong
isipin siya at alalahanin siya

pero bago mo mabago yun
baguhin mo muna yung sarili mo

baguhin mo yung ikaw
na mahal siya

kahit sa simpleng pagpapagupit
o pagbabago ng hair style
at least hindi na ikaw yung
nakagawian at nakasanayan mong
makita sa salamin na nalulungkot
o umiiyak di ba ?

kaya din tinigil ko yung mga entry ko dito
kasi everytime na nagsusulat ako
naaalala ko siya at yung kaming
walang kami .

binabalikan ko yung nakaraan
na dapat e kinakalimutan ko na lang

at narealize ko na wala naman
ring patutunguhan at
lalo lang akong mahihirapang makalimot

nakaya ko naman
ilang buwan na nga bang nakalipas ?

almost 2 months na

pero heto ako
gumawa na naman ng panibagong entry

bakit ?

kasi nanjan ka na naman

binibigyan mo na naman ako
ng dahilan para mahalin ka ulit

binibigyan mo na naman ako
ng dahilan para umasang
baka meron pa , ulit

at heto na naman si tanga
inaabangang mahulog ka
at nagbabakasakaling

sakin ay
magpapasalo ka na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pan - StoppedWhere stories live. Discover now