oo7

21 6 0
                                    

ang sweet niyo sa pinost mong picture

namiss ko tuloy gumala




kasama ka



naalala mo pa ba ?
nung unang beses tayong
pumunta sa malayo ?

wala akong pasok ng araw na yun
pero ikaw meron

kaya gumawa ka ng dahilan
para sabay yung schedule natin

para makapagtravel tayo

kahit after nun napagalitan tayo
kasi nagsinungaling ka
matuloy lang yung plano

pero tingnan mo ngayon
nakakatawa

kasi ni yayain ako di mo na magawa


ilang gala na ng tropa ang hindi ako kasama ?


bilang mo ba ?

o napansin mo man lang ba ?



o wala ka naman na kasing pakialam



kasi kasama mo na siya.


pero alam mo

siguro salamat sa di mo pagyaya sakin

atleast di ako harap-harapang nasaktan

atleast di ako harap-harapang nagselos

kasi di ba hindi naman dapat
kasi di ba hindi naman pwede

bukod kasi sa wala namang
sapat na dahilan

wala naman din kasi akong karapatan

Pan - StoppedWhere stories live. Discover now