Chapter 9: Buwisita

273 71 2
                                    

Happy reading :D

Chapter 9:Buwisita

*******

Cesia's POV

Krinnnngg  krinnngg

Ummm... kinapa ko sa aking side table kung saan nagmumula ang ingay, sa alarm clock at tiningnan ko kung anong oras na

5:33 am

Tumayo na ako sa aking higaan at tumungo sa kusina upang magluto nang aking makakain

Humarap ako sa ref at tiningnan ko kung anong puwedeng lutuin..sinuri ko ang bawat sangkap na puwedeng gamitin

Hmmm.."adobo nalang kaya matagal na akong hindi nakakakain nun ehh." I said to myself

Kinuha ko na ang mga kakailanganing  ingredients and start cooking

*******

After 30 minutes

"Wow ang bango hihihihi" I said it with a happy tone..malapit na waaahh..gutom na ako

Isa sa mga talents ko ang pagluluto..hahaha hindi naman sa pagmamayabang marami rami naman talaga akong talent ehh hahahah

Natuto akong magluto when I was 11 years old...actually my mom taught me how to cook,she was always there to teach me kahit na mahirap hirap akong turuan..isa sa mga dishes at specialties na natutuhan ko sa kaniya ay ang adobo kaya sa tuwing niluluto ko ito bumabalik ang mga masasayang alaala na magkasama kami

Kaya kapag niluluto ko ito nawawala ang mga problema ko..parang paraan ko narin ito upang mabawas bawasan naman ang mga pinoproblema ko

Pagkatapos nitong maluto..kumuha ako nang plato at nilagyan ng kaya kong ubusin

Umupo na ako and then i said "kainan na"

Sisimulan ko na sanang sumubo ng may narinig akong katok..

"Bwisit sino naman kaya ito..hrrrr istorbo"

Knock knock knock

"Sandali!!! kung makakatok wagas hindi makapaghintay.."

Knock knock

"Ito na!!!"

Pagbukas ko nang pinto bumungad sa aking  harapan ang naggagandahan at naggagwapuhang mga Alpha's

"Hi Cesia good morning!!"said by Candy

"Morning Cesia" Oceana said


"Umm hi? Anong ginagawa niyo dito?"

"Puwede bang papasukin mo muna kami!!"

Nagulat naman ako sa sigaw niya

"Aba aba!! ikaw pa ang may ganang sumigaw diyan"balik na sabi ko kay Eros at inirapan siya

Binuksan ko nang kaunti ang pinto to give way para makapasok sila

"Ano yun amoy hmmm.."

"Adobo!!"sabay na sigaw ng dalawang babae at dumiretso sa kusina

"Kumakain ka pa lang pala Cesia sakto gutom na ako heheh"sabi ni Oceana sabay hawak sa tiyan

"Kakain na sana ako ng may mga nang buwisita sa akin"sabay tingin ng masama sa kanilang lahat

"Grabe ka naman sa buwisita Cesia hindi ba puwedeng bisita na lang"sabi ni Nathan na may kasamang papout ng nguso

"Yucck Tan tan!!  mahiya ka naman alam mong may kumakain dito may nalalaman ka pang panguso nguso diyan mukha kang pato!!" Saad ni Oceana

"Wow nahiya naman ako sayo hindi ka pa nga inaaya ni Cesia na kumain nilantakan mo na ang pagkain..patay gutom!!"

""Aba--"

"Tama na nga iyan..so ano nga pala ang ginagawa nang mga Alpha sa dorm ko?"

"Ahh..sinusundo ka namin.. sabi kasi ng headmaster sa House of Alpha at class kana papasok magmula ngayon"saad ni Candy

Tumango tango na lamang ako sa sinabi niya..pinasadahan ko sila ng tingin isa isa hanggang mapadako ang aking tingin sa misteryosong lider ng mga Alpha

"What are you looking at?"nabalik naman ako sa aking sarili pagkatapos ng sinabi niya

"Ano sabi mo!! feelingero ka rin ano hindi ikaw ang tinitingnan ko yung orasan sa likod mo..tinitingnan ko lang kung anong oras na baka ma late pa tayo!"palusot ko sana kumagat..nakakahiyaaa yun

"Tssk"sabay irap sa akin

Aba bakla ata tohh ehh may nalalaman pang pairap irap

Pinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain

"Amm Cesia may itatanong sana ako"

Napatingin naman ako kay Candy nang nagsalita siya

"Ano iyon?" I ask

"Gusto ko lang sana...I mean namin palang malaman kung anong nangyari noong nakaraang araw sa deities levelling..wala na kasi kaming matandaan nung ikaw na ang mag peperformance"

"Nakakapagtaka kasi na hindi namin matandaan iyon..saka ipinagtataka ko rin kung bakit ipinunta ka sa Alpha ng Headmaster..I mean bago ka palang.. baka mapahamak ka kapag nasa isang misyon na tayo"dagdag pa niya

Napaghandaan ko na rin ang tanong na ito ayy kami pala ni headmaster..nag-usap na kami kong anong puwede kong ipalusot sa mga Alpha at sa iba pang studyante na magtatanong

Nakuha naman ng ibang Alpha ang atensyon namin at tumingin sa akin..hinihintay ang aking magiging sagot

Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita

"Ganito kasi iyon..I am deity of time pinahinto ko ang oras noong deities levelling kaya wala talaga kayong malalaman at saka si headmaster lang ang may alam na time deity ako..sabi pa ni headmaster bibihira lang daw ang may ganitong kakayahan kaya siguro pinasok niya ako sa Alpha"

Tumango tango naman sila sa sinabi ko..hayy buti naman naniwala

"Tama na nga iyan at ikaw!!..turo niya sa akin

"Ako? Ano nanaman!!"sigaw na sabi ko kay Eros

"Bilisan mo nang kumain,maliligo ka pa at mag aayos nang gamit mo kaya faster!!"

Inirapan ko lang siya at padabog na tumayo

"Oyy kayo diyan!! kumain lang kayo diyan at pagkatapos hugasan at ligpitin niyo yan maliligo at mag aayos lang ako nang gamit ko!! Nakakahiya naman sa isa diyan!!"sabay tingin ng masama kay Eros

Tinungo ko na ang room ko at nag ayos muna nang gamit bago naligo


******


HEAVEN:The Purple Eyed Deities [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon