Dedicated to DianKelliharChapter 10:House of Alpha
*******
Cesia's POV
After 30 minutes
Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng aking kuwarto na dala dala ang dalawang bag at tinungo ang sala kung saan naabutan ko silang lahat na nagtatawanan...ay hindi pala lahat may isang nakapokerface lang alam niyo naman na kung sino yun
"Amm guys tara na"aya ko sa kanila
Tumayo naman sila pagkatapos ng sinabi ko,sabay sabay naming tinungo ang pintuan at lumabas
Pagkalabas namin agad na may nanghablot sa bag na dala dala ko kaya napasigaw ako
"Wahhh magnanakaw tulong hel-"
"Shut up"
Napahinto naman ako..akala ko magnanakaw na.."bat kaba kasi hila ng hila ng gamit..akin na ngayan"sabay agaw ng aking bag.."hrrr akin na kasi yan!"
"Ako na magdadala!!"saad na pasigaw ni Eros..sabay lakad palayo sa akin
Napatulala na lang ako sa sobrang gulat"may pag ka gentleman rin pala ang isang iyon sa ibang paraan nga lang"napangiti naman ako habang inaalala iyon
"Hooy!! Cesia bilisan mo ngang maglakad diyan mamaya maiwanan ka na namin.. maligaw ka pa diyan"
Tumakbo naman ako papalapit sa kanila at sabay sabay naming nilakad ang mahabang pasilyo
"Bakit niya kasama ang mga Alpha's"
"Malandi rin pala ang nerd nayan"
"Feeling close"
"Huwag mo na lang pansinin Cesia,mga walang magawa sa buhay"
Tinanguan ko na lang si Oceana....after siguro ng 5 minutes narating narin namin ang House of Alpha
Napanganga naman ako sa aking nakiata...isa itong mansyon hindi pala mansyon malaking mansyon...parang american style ang labas ng mansyon
Ito ay napapagitnaan ng building Gamma and Beta parang ito rin ang gitna ng buong academy
"Oyy Cesia pasok na"sabi ni Nathan
"Sige"
Pagkapasok ko halos mahulog sa sahig ang aking panga at lumuwa ang aking mga mata sa aking nakita....malalaking chandelier,mga mamahaling gamit,makikintab na sahig na halos puwede nang gawing salamin nakakaloka ang ganda dito!!
Pagkatapos naming malibot ang buong bahay isa lang ang masasabi ko sa bahay na ito..
"Wooow"as in wow na wow hahah wowowin lang ang pegg
"Cesia laway mo tumutulo na hahahh"tumatawang sabi ni Nathan
Kaya pinunasan ko naman ang aking bibig"wala naman ehh"
Nagsitawanan naman silang lahat kaya napasimangot ako
"Hoyy oh gamit mo.."sabay tapon ng mga gamit sa aking pagmumukha
"Grabe naman tohh!! makatapon sa mukha pa talaga..sasusunod huwag ka nang magpaka gentleman kong ganyan naman.. tseee!!"sigaw ko kay Eros habang siya naman ay dumiretso na paitaas..
"Tama na nga yan..Cesia halika na puntahan na natin yung room mo..bilis!!"masayang sabi ni Candy at hinila ako palayo kila Oceana at Nathan at asusual nag aaway nanaman ang dalawa..haha ang cute nilang tignan bagay sila
Huminto kami sa harap ng isang kulay puting pintuan"ohh Cesia ito ang room mo kung may kailangan ka libreng katukin ang mga pintuan namin..yung kulay rainbow na pintuan ang akin,blue ang kay Oceana,skyblue kay Tan tan and lastly yung nasa dulo yung red na pinto ay kay Sky"
"Ayy okay na ako sa inyong tatlo na lang humingi nang tulong masyadong malayo yung sa lalaking iyon ehh"palusot ko..ayoko ngang magpatulong dun gwapo nga masungit naman
"Hahaha...sabi mo ehh sige punta muna ako sa room ko magbibihis pa ako...may pasok pa tayo ehh....ikaw rin maligo ka na muna dadalhin ko na lang ang new uniform mo mamaya...sige hah"
Nangmakalayo na si Candy pinasok ko naman ang kwarto at sa pangatlong pagkakataon napanganga at namilog ang aking mga mata sa aking nakita
"Wahhh ang ganda!!!"
Magmula sa isang malaking white king size bed,magaganda at mga mamahaling dress mula sa walkin closet,at maaliwalas na cr...masasabi kong buhay prinsesa ang mararanasan mo
Tiningnan ko sa aking wrist watch kung anong oras na
Its already 7:00 am
Kaya binilisan ko nang ilapag ang mga gamit ko sa kama..."mamaya ko na lang aayusin malelate na ako!!"
Nagmadali akong pumunta sa cr tinanggal ko muna ang aking malalaking salamin,mga damit at sinimulan ko ng ibabad ang aking magandang hubog ng katawan,mala porselanang balat at mahahabang blondi na buhok..
Sabon dito sabon doon...kuskos di kuskos doon
After 25 minutes
"Ayy wala pa pala akong damit..ano ba yan!! saan na kaya si Candy huhuhuh"
Kinuha ko muna ang bath robe at eye glasses saka lumabas ng cr..umupo muna ako sa kama upang hintayin siya
"Hrrrr ang tagal naman niya"kaya out of frustration tumayo ako at tutungo na sana ako sa pintuan ng bumukas ito
"Bakit ngayon kal-"
"Wahh bakit ka nandito hahh manyak manyak!!"sigaw ko sa kaniya habang papalayo ng papalayo sa kaniya"huhuhu wahhh rerapin niya na ba ako.."
"Shut up!! I just came here because Candy pled to me to give your uniform stupid.."
Sabay abot niya sa akin ng uniform..papaalis na sana siya ng magsalita ulit siya
"And one more thing...humarap siya sa akin at sinabi ang mga katagang"wala namang mamamanyak sayo ehh..sabay tingin sa parte ng aking katawan"FLATCHESTED"
"Waahh manyak ka talaga umalis ka na nga shoo shoo..bumalik ka na sa pinanggalingan mo!!"pagtaboy ko sa kaniya
Pagkaalis niya mga ilang minuto siguro bumalik na rin ako sa aking sarili"walang hiyang Eros iyon hindi naman ako flatchested ehh!! sa katunayan may ipagmamalaki nga ako"
Sinimulan ko nang isuot ang damit na ibinigay niya,pagkatapos ay lumabas na..hindi ko naman na kailangang mag lagay nang kung ano ano sa aking mukha..nerd nga diba ang role ko dito
********
Please guys comment po kayo kung anong masasabi niya sa istoryang ito
Comments,vote and share are highly appreciated!!
BINABASA MO ANG
HEAVEN:The Purple Eyed Deities [ON-GOING]
FantasyHeaven Cesia Goodwind is a daughter of two powerful deities, Heal Goodwind and Seven Goodwind. A teenage girl that witnessed how her parents tortured after killed by the great powerful evil diety Minerva Blood. When her parent's died she almost...