R

3.8K 319 54
                                    

NOTE: Paki play yung music while reading this. :D Tsaka CLICK THE EXTERNAL LINK, okay? haha.

____________________

“Bro..”

 I could still remember how everything started, everything started with our endearment ‘bro’. Syempre, hindi naman talaga dun talaga nag-simula ang lahat pero dahil sa tawagan na ‘yon mas lalo tayo naging close kahit na ang madalas ko lang sagot sa’yo ay ‘Baliw mo bro! Haha.’ Yan lang lagi ang narereply ko sa’yo dahil masyado kang madaldal, hindi ko masabayan ang kadaldalan mo. Buti nga, hindi ka naboboringan kausap ako e.

We were so close back then. Now? We became strangers. We act strangers, but I could still remember our memories, memories that I treasure. If you only knew how much I miss calling you ‘bro’. If you only knew how much I miss having you as my close friend or maybe bestfriend. Ikaw kasi yung laging nandyan, kahit ano pang mood ko. Ikaw yung nag-tyaga sakin. When everything is falling apart, you’re still there.

Two years ago, may nakilala ako sa wattpad. I liked her, she liked me. Naging mag-mu kami pero kagaya ng ibang storya sa wattpad, hindi kami nabigyan ng magandang ending.  Mabilis din natapos kung anong meron kami. Sobrang nasaktan ako dun and every night ikaw lagi kong kinakausap para dramahan.

Ikaw: Hindi ba kaya ka nga pumasok sa isang relasyon para maging masaya? Hindi para lumuha?

Ako: Baliw, parte naman talaga yun diba? Ang masaktan.

Medyo natagalan ka bago mag-reply kaya nag-taka ako dahil hindi ka naman ganun. Laking gulat ko nalang ng may sinend kang voice message sa wechat.

Nag voice message ka sa’kin ng kanta.

akala mo hindi ko pansin 
kaw lang naman itong hindi umaamin
wag nang mabagabag sa kakahantungan 
naandito lang ako

para sayo 
para sayo

pwede mong sabihin sa akin
mga bagay bagay na alanganin
naandito lang ang balikat ko
naandito lang ako

para sayo 
para sayo
para sayo
para sayo

wag nang malungkot
kalimutan ang galit 
na nadarama
bibigyan kita nang halaga

wag nang umiyak
di kita pababayaan
pangako naandito lang ako

 Hindi ko alam kung pano mag-rereact pero natuwa ako. Panandalian kong nakalimutan na sawi pala ako. Pagtapos nun, sunod sunod ka na mag-send ng voice message puro laman kanta o mga kalokohan mo. At kahit naman hindi mo na ginagawa yun, napapasaya mo pa din ako bro. Iba kasi talaga humor mo, pahingi nga ako! Kaya siguro ngayon, madami na nag-hahabol sa’yo.

 Isa na ako dun. Hinahabol ko ang isang kaibigan na nawala.

Dipity | CollaborationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon