E

4.5K 283 38
                                    

“Kachat mo nanaman siya noh?” Tanong sa’kin ng kaibigan ko.

Tumawa nalang ako. “Gawin mo na nga yan project mo sa english.” Dito daw siya gagawa ng project niya sa bahay pero hanggang ngayon wala pang nagagawa.

Inilagay niya yung hawak hawak niyang folder sa kama at nilapitan ako para makiusisa sa ginagawa ko. “Epal ka talaga, inagaw mo na siya sa’kin.” Sabay palo sa braso ko.

“Boring ka daw kasi kausap.” Tinawanan ko ulit ang kaibigan ko.

Simula kasi ng pakiusapan ako nitong kaibigan ko na kausapin ‘tong writer na to sa wattpad hindi na kami huminto sa pag-uusap. Ewan ko ba, para bang ang tagal tagal na namin mag-kakilala. Ni hindi nga ako nakaramdam ng pag-kaawkward sa kanya kahit nung una palang.

Siya: Oy ano na? Kamusta na inlab ka na ba sakin?

Ako: Hahahaha! Adik ka talaga!

Natatawa nalang ako tuwing babanat siya ng ganyan, ewan ko ba dyan. Siguro ganun siya kakomportable sa’kin kaya nasasabi niya yan. Sa araw araw, gabi gabi namin pag-uusap hindi mawawala ang pag-bibiro niya ng ganyan o kaya babanat siya ng mga pick-up lines. Ako naman? Wala, tatawanan ko lang siya. Nakakatawa naman kasi talaga.

Minsan din nag-sasabi ako sa kanya ng ‘labyutu’ pero bilang kaibigan lang yun. Sa mga panahon na ‘to kasi siya lang talaga nakakausap ko ng ganito katagal. Parang ang turing ko na sa kanya bestfriend. Masyado bang mabilis? Tingin ko rin e.

“Uy, uwi na ako.” Sabi ng kaibigan ko.

“Ge, ingat.”

Binato niya sa’kin yung hawak niyang folder. “Grabe, yun lang? Porket kausap mo yan… Mamaya iba na yan ha! Ikaw ah.”

“Ulul! Sige umalis ka na.” Tinawanan lang din ako nito at lumabas na ng kwarto ko.

Alam ko naman naiinggit lang yan dahil kami ang naging close ng crush niya e. Lakas kasi ng appeal ko. Haha, loko lang.

Siya: Hindi ka pa ba matutulog?

Ako: Maaga pa kaya.

Siya: Maaga ba yung 12pm?

Ako: Onaman. Hehe.

Siya: Kaya pati ako napupuyat, nag-pupuyat ka din kasi.

Ako: LOL. Tulog ka na.

Bumanat nanaman siya, sa tuwing babanat siya hindi ko talaga alam ang isasagot.

 Naikwento ko din sa kanya yung kaibigan kong may crush sa kanya, wala naman siya naisagot kundi ‘Ikaw kasi crush ko.’  Alam niyo na syempre ang sinagot ko diyan. Ilang beses na din siyang na hahazoned at adikzoned sa’kin kaya ang pinag-tataka ko e ba’t hindi pa siya napapagod kakaganun sa’kin. Di kaya trip na trip lang talaga niya ako? Sapakin ko ‘to e. 

 NOTE: Click external link to read the other side of the story.

Dipity | CollaborationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon