N

4.1K 298 96
                                    

MAGULO KA.

Magulo ka seryoso. Ilang linggo pagtapos mong magalit sa'kin nagulat nalang ako dahil bigla kang nag-pm sa fb. You started the conversation with a smiley face. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko nun, I was about to reply pero naunahan mo ako.

Ikaw: Hoy! Ang arte mo!

Ako: Oh. Yo! Musta?

Patay malisya nalang ako sa mga sinabi mo sa'kin nung nakaraan para hindi tayo mailang sa isa't isa.

Ikaw: Miss mo lang ako e. t(-_-)

Ako: Bawal ba?

Totoo naman kasi na namiss kita.

Ikaw: Hindi. Hihi. Heart heart.

Kung ano ano lang ulit pinag-usapan natin hanggang sa nawala ka. Nag-reply ka nalang kinabukasan.

Ikaw: Sus. Tae ka.

Ako: Ha? Ba't ako tae?

Ikaw: Kasi hindi kita kayang paglaruan.

Ako: Ang bago naman ng banat mo.

Ikaw: Kiss muna. Kiss. Di ako titigil hanggang wala nun.

Ako: HAHAHA. Maarte ako diba?

Ikaw: Dali na.

Ako: Di ako marunong nun.

Ikaw: Pag sa iba marunong ka, pero pag dating sakin hindi? Akala ko ba friends with benefits tayo?

Natatawa nalang ako sa mga pinagsasabi mo. Masayang masaya ako nun dahil bumalik na yung bro ko. Tinanong kita kung may wechat ka pa rin kasi nga blinock mo ako dati. Sabi mo meron. Sabi ko naman, akala ko wala na kasi dati gusto kitang ipm sa wechat. Ang sagot mo naman, "Alam mo nasasanay na nga akong di ka kausap. Muntik na nga kitang makalimutan e." Wow. Hindi ako kaagad nakareply sa'yo nun, I don't know what to feel and say.

Naging okay naman tayo ulit dahil sa pag-uusap na yun. Naalala mo ba nung dinadaan nalang natin sa joke yang feelings mo para sa'kin?

Ikaw: Yung mga panahon na mahal kita, ang tanga ko pala no?

Ako: Medyo pero ganun talaga pag nagmamahal diba?

Ikaw: Hindi, iba yung katangahan ko.

Ako: Todo todo ba?

Ikaw: Oo e. Lahat lahat na sayang. Leche.

Ako: Tignan mo one year din yun, ilan weeks lang pala kailangan mo para makalimutan mo feelings mo para sa'kin.

Ikaw: Di ko din alam kung bakit nainlove ako sayo e. Shunga syempre di pa lahat nawawala pero kontrolado ko na.

Ako: Oo nga. D ko din alam e. Sguro malakas lang tlga appeal ko? Hahaha joke

Ikaw: Bitch please.

Biniro kita na nakakamiss din pala yung mga panahon na patay na patay ka sa'kin. Sabi mo naman, landiin kita ulit. Bro, alam mo naman na hindi kita nilandi masyado ka lang talagang assuming.

___

Note: Click the external link, okay?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dipity | CollaborationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon