E

3.1K 276 76
                                    

I've moved on and months after that I met this girl from wattpad. She's a writer too. She captivated my heart and eventually I liked her. At kanino ko pa ba to kinwento? Syempre sayo, bro.

Ikaw: Ano ka ba! Wala kang pag-asa dyan maniwala ka sa'kin. Di ka niya type. -_-

Ako: Talaga? Weh. Pano mo naman nalaman? Nababasa mo ba mga conversations namin?

Ikaw: K. Basta, wala kang pag-asa dyan maniwala ka sa'kin.

Alam ko naman kung ba't mo ko di sinusuportahan when it comes to her. Simple lang, ayaw mo na akong masaktan. Alam na alam mo kasi kung gaano ako kabaliw sa writer na to noon. I really really really liked her. And the other reason kung bakit ka ganun sa'kin dahil...You confessed your true feelings for me. At sinabi mong seryoso ka kahit hanggang ngayon feeling ko joke pa din yun. Napakajoker mo kasi e.

Isang beses, pnm kita.

Ako: Bro, kamiss ka na ah! Tagal na natin di nag-uusap.

Ikaw: Bored ka lang. Hindi mo ba siya kausap?

Nainis ako sa sinabi mo. Seriously, bro? Ang tingin mo lang ba kaya kita kinakausap dahil lang bored ako o hindi ko siya kausap? Hindi ba pwedeng namiss lang talaga kita? Hindi ko na alam gagawin sa'yo para maniwala ka sa'kin na hindi lang yun dahilan kaya kita kainakausap.

Ako: Kausap ko nga siya ngayon e, tapos ganyan sasabihin mo?

Ikaw: Just talk to her. Go. :)

Sa sobrang inis ko sa'yo, nireplyan nalang kita ng okay. After nun, hindi na ako nag-eexpect na mag-reply ka pa pero you did.

Ikaw: Tangina mo talaga noh? Ba't ba hindi mo ko makita? I'm head over heels for you. Ba't kahit ilang beses ko iparamdam sa'yo yun, wala pa rin? Lahat naman ginawa ko. I was there for you when no one else was. Nandito ako lagi para sa'yo kahit ilang beses mo na akong pinagtutulakan dahil feeling mo lagi kitang binibiro tungkol sa nararamdaman ko sa'yo. Kahit anong gawin ko, wala pa rin talaga. Akala ko pwede na nung nawala siya, tapos ngayon may pumalit. Wait, ba't nga ba ako nag-dradrama dito? Sabi mo nga pala, bro. Wow, bro. Salamat sa pagiging paasa mo.

Oh diba? Naalala ko pa lahat ng sinabi mo. Simula nun, nag-iba ka na. Lagi mo na akong tinatawag na paasa. Paasa ako kahit sinabi ko na sa'yo nung una palang na wala talaga. Wala akong gusto sa'yo at tanging hanggang pagiging mag kaibigan lang ang kaya kong ibigay.

___

NOTE: Click the external link, okay? :)

Dipity | CollaborationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon