Chapter 1: RIVER

46 22 0
                                    

Rhea's POV
"GOOD MORNING BEST FRIEND!!"

Ugh! Ang aga-aga may nagsisinigaw na agad!

"HOY! RHEA VIELFALT! Bumangon kana dyan! Ikaw talaga, ang tamad mo!"

"Hmm... ang ingay mo! Ang aga-aga!" balik na sigaw ko na kung sinuman na nanggugulo sa akin.

Nabigla ako nang may humila ng kumot ko at kamuntikan na akong mahulog sa aking higaan.

"Hoy! Ang tamad mo talaga! Andumi-dumi ng kwarto mo! Puro basurang nagkalat, may basurahan ka naman dito eh. Ba't hindi mo ginagamit?!" tanong na naman ng pambihira kong best friend.

"Ang aga-aga, sigaw ka ng sigaw." sagot ko sabay bangon mula sa aking pagkakahiga at dumiretso sa CR.

After 30 minutes...
"Antagal mo grabe!" bungad sa akin ng nakahiga kong best friend si Jade nang matapos akong maligo at makapagbihis, napansin kong hindi sya nakasuot ng uniform.

"Sino ba naman kasi nagsabi sayo na magpunta ka dito ng sobrang aga? Tsaka ba't di ka pa naka-uniform? San lakad mo?" nakapamewang na tanong ko naman sa kanya. Napansin ko ang dala nyang paper bag na tila may lamang uniform.

"Duh! Hello! Nagpunta lang naman ako dito ng maaga para gisingin ka dahil kung hindi, tulog ka pa ngayon at late ka na naman! Tsaka sa tamad mong yan, nandito rin ako para tulungan kang maglinis nitong kwarto mo na daig pa ang ilog pasig sa sobrang dumi. Kaya magpalit kana ulit ng damit mo, mamaya kana mag-uniform." mahabang litanya niya.

'Tong babaeng 'to, ewan ko ba kung best friend ko ba talaga o nanay ko eh. Daig pa yung nanay ko kung makapagsermon eh.

"Eh. Nakakatamad. Linis linis pa, magdudumi rin naman." naiinis na sabi ko sa kanya.

"Hindi naman kasi magdudumi rito kung hindi ka nagkakalat, kung ginagamit mo yung basurahan at kung naglilinis ka!" sermon na naman niya sa akin.

"Wag na nga muna eh. Baka malate pa tayo nyan pag naglinis pa." naiiritang wika ko sa kanya.

"Anong malelate? 6:08am palang oh, 7:30am pa yung klase natin. Tsaka hindi ka ba naaalibadbaran o nangangati sa sobrang dumi nitong kwarto mo?" sabi nito at nandidiring tiningnan ang kabuoan ng aking kwarto.

"Sabi mo na nga diba, sobrang dumi. Edi kung maglilinis tayo baka magtagal pa tayo at malate pa!" pagpupumilit ko sa kanya dahil ayaw ko talagang maglinis.

"Nagdadahilan ka lang eh. Sige, wawalisan lang muna natin 'to at itatapon yung mga kalat. Basta sa susunod, mag-ge-general cleaning tayo dito. Naiintindihan mo?" parang nanay na pakikipag-usap niya sa akin.

"Teka nga, ba't parang daig mo ang nanay ko kung manermon sa akin?" nagtatakang tanong ko.

"Kinausap lang naman ako ng nanay mo na tulungan ka dahil pagod na pagod na sya sa kakapaalala sayo. Kababae mong tao, daig mo pa ang lalaki kung magkalat. Maawa ka naman sa mama mo."

Para namang nag-speech 'to sa sobrang haba kung sumagot. Ang kulit talaga nito, ewan ko ba kung ba't best friend ko yang si Jade.

"Oh? Ano pang tinutunganga mo dyan?" tanong niya habang nagpupulot ng mga kalat.

"Eto na nga eh! Diba!" padabog akong kumilos at inilapit sa kanya ang basurahan.

"Kumuha ka doon ng walis at pandakot." utos ng masipag kong best friend na syang sinunod ko na lamang dahil baka magwala ang dragon.

RHEAlity BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon