Rhea's POV
Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang makaramdam ako ng init sa paligid. Nang idilat ko ang aking mata ay laking gulat ko na lamang nang mapagtantong wala ako sa aking kwarto."Nasan ako?" gulat na tanong ko sa aking sarili. Ang huli ko lamang na naaalala ay ang pagtingin ko sa basurahan na tila kinakain ako nito.
Nabigla ako nang makita kong tila nasa isang kagubatan ako kung saan kakaunti na lamang ang mga puno at mga halaman. Wala rin ako masyadong napapansing mga pagala-galang hayop.
Nang ako ay tuluyang makatayo ay saka ko lamang nakita ang kabuoan ng paligid. Ito'y tila dinaanan ng napakalaking bagyo na sumira sa buong lugar.
"Kung iniisip mong bagyo ang sumira rito ay nagkakamali ka." nagpalinga-linga akong tumingin sa paligid. Gulat akong napatingin sa isang lalaking nakatanaw sa akin mula sa malayo na tila binabasa ang nakatala sa aking isipan.
"Kung iniisip mong binabasa ko ang iyo nasa isipan ay nagkakamali ka ulit. Sadyang napakadaling malaman kung anuman ang iniisip mo base sa kung anong reaksyon ang nakapaskil sa iyong mukha." pagpapaliwanag nito na sya namang nakasagot sa tanong ko.
"Sandali. Nasaan ba kasi ako? Bakit ako nasa lugar na ito? At sino ka naman?" sunod-sunod na tanong ko rito.
"Hindi mo alam kung nasaan ka?" takang tanong nito.
"Magtatanong ba ako kung alam ko?" sarkastikong wika ko.
"Nandito ka sa mundong ginagalawan ng mga tao." simpleng sagot nito.
"Mundo? So, earth 'to?" tanong ko muli na ikinatango na lamang niya.
"Nasa future ka." sabi nito.
"Bakit nandito ako sa lugar na 'to? Parang kanina lang nasa school ako ah?" tanong kong muli na ikinakibit-balikat na lamang ng estrangherong nasa harap ko ngayon.
"Malalaman rin yan, hindi man sa ngayon ngunit malapit na." pamisteryosong wika nito.
"Sino ka nga pala?" tanong kong muli.
"Ako si Bios, ang magsisilbing taga-gabay mo sa lugar na ito." simpleng paliwanag nito at saka naglakad. Wala rin naman akong magawa kundi sumunod na lamang sa kanya.
"Bios? Mukhang narinig ko na yan ah? Tsaka ba't ang wirdo ng pangalan mo? Ano namang kahulugan nyan?" takang tanong ko rito.
"Bios. Alam kong narinig mo na ito. Ang pangalan ko ay mula sa salitang Latin na nangangahulugang "buhay". Natitiyak kong narinig mo ito sa teacher mo, maaaring mababasa mo rin ito sa iyong libro sa science."
"Ahhh okay." pagsang-ayon ko na lamang kahit na hindi ko naman talaga naintindihan lahat ng kanyang sinabi.
"So, saan tayo pupunta?" tanong kong muli rito.
"Basta. Sumunod ka nalang, ba't ba kasi andami mong tanong?" naiinis na wika nito.
"Sorry ha? Hindi ko lang naman kasi alam kung bakit ba talaga ako nandito sa lugar na ito." sarkastikong wika ko.
"Nandito na tayo." maikling wika nito.
Nagulat ako sa aking nakita, mayroong tila ilog na punong-puno ng mga basura at mga isdang lumulutang na mukhang patay na.
"Hala? Anong nangyari dyan?" nagugulat at nagtatakang tanong ko rito.
"Yang mga nandyan sa ilog na yan ay mga kalat mula sa tao." pagpapaliwanag nito.
"Eh? Bakit naging ganyan?" muling tanong ko.
"Ganyan ang mangyayari sa mga katubigan sa mundo kung magpapatuloy ang mga imoral na gawain ng mga tao para rito." dagdag na paliwanag niya.
Sa sinabi niyang ito ay naalala ko ang pagtatapon ko ng basura sa ilog nung naglinis kami ni Jade ng aking kwarto. Nalungkot ako nang ma-realize kong nagkamali nga ako.
"Ano? Naalala mo yung ginawa mo?" nabigla ako sa tanong sa akin ni Bios.
"Pa'no mo nalaman iyon?" takang tanong ko rito.
"Kasi nga binabantayan kita simula pa man nang simulan mong sirain ang mga nasa kalikasan." simpleng pagkasabi nito habang nakalagay sa bulsa ng pantalon niya ang kamay at nakatanaw sa malayong parte ng ilog nahalos mapuno na ng mga basura at mga patay na isda.
"May mga isda pa ba dyan?" tanong kong muli.
"Mukha bang may mabubuhay pa sa ganyan kaduming lugar? Kung ikaw ba, kakayanin mo pa bang mabuhay sa madumi at mabahong lugar?" balik na tanong nito sa akin.
"Hi--hindi..." nag-aalinlangan kong sagot.
"Ganyan rin sila. Tulad rin nila tayo na kinakailangang mabuhay ng tama at naaayon. Marapat lamang na alagaan sila. Hindi lamang ang mga isda kundi maging ang iba pang hayop na nakapaligid sa atin." nabigla ako sa sinabi nito ay unti-unting pinagsisihan ang aking mga ginawa.
"Ah.. eh.. may ibang hayop pa ba rito?" pag-iiba ko ng tanong.
"Mayroon pa naman. Ngunit dahil nga sa pagiging imoral ng mga tao ay iilan na lamang sila, nalalapit na rin ang kanilang pagkaubos." sagot nito.
"Ano namang gawain ng mga tao ang nagiging dahilan ng pagkaubos nila?" dagdag na tanong ko dahil hindi ko ito agad naintindihan.
"Karaniwang dahilan ng kanilang pagkaubos ay ang iligal na pagpatay sa kanila para lamang sa kapakanan ng mga tao. Ang iba naman ay dahil sa pang-aabuso o pananakit ng mga nag-aalaga sa kanila. O di kaya'y namamatay sila dahil sa gutom at kawalan ng pagkain." mahabang paliwanag nito.
Mayroon na naman akong naalalang kamalian na aking nagawa. Naalala ko yung mga pusa na nilapitan namin ni Jade na tila gutom na. Isinawalang bahala ko lamang ito ngunit mabuti ay naisipan ni Jade na pakainin ang mga ito. Maging yung asong nasipa ko sa may garden, nasipa ko iyon dahil sa sobrang inis at pandidiri ko rito.
"Oh? Natahimik ka dyan? Naalala mo yung apat na pusa? Tsaka yung asong nasaktan mo?" sunod-sunod na tanong nito upang mabasag ang katahimikan. Natahimik na lamang ako nang banggitin niya ang mga pag-aabuso ko sa mga hayop.
"Yung paru-paro na gusto mong hulihin. Mabuti at napigilan ka ng kaibigan mo dahil marapat lamang sa mga hayop na maging malaya at itrato ayon sa kanyang uri. Yung mga ibon, hindi dapat sila pinapatay dapat ay hinahayaan lamang silang lumipad dahil sila ay ganun nilikha ng Diyos." pagliwanag nito.
"Pasensya na, hindi ko naman kasi alam eh." malungkot na sabi ko.
"Lagi mo kasing iniisip na mapapaltan din ang mga iyon o kaya'y mayroon namang tao ang tutulong sa kanila." pagsasabi nito ng katotohanan.
"Bakit ka nga ba ganon?" tanong nito sa akin.
"Siguro kasi nakasanayan ko. Nasanay ako na umaasa sa tulong ng mga taong nakapaligid sa akin." pag-amin ko ng katotohanan.
"Kung alam mo namang may magagawa ka, bakit hindi diba?" tanong nito.
Teka nga, ba't may naalala 'ko sa linya nyang "may magagawa ka". Inisip ko kung saan ko nga ba ito na-encounter. Tinitigan kong mabuti si Bios at napansin kong parang kilala ko ang kanyang kasuotan.
"Teka nga..." biglaan kong sabi na ikinagulat lamang niya.
"What?!" tila naiilang niyang sabi.
"Wag mong sabihing..."
BINABASA MO ANG
RHEAlity Book
AdventureExperience is the best teacher. We learn from our mistakes. You can do something. DO IT NOW! Sometimes "LATER" becomes "NEVER".