Jade's POV
"WAHHH!!!" nagulat ako nang biglang sumigaw si Rhea. Nandito siya ngayon sa clinic, halos isang oras na siyang tulog at sigaw agad ang ibinungad niya nang siya ay magising."Oh? Anong nangyari sayo?" nagpapanic na tanong ng mama niya.
"Nasaan ako?" nagpapanic ring tanong niya.
"Hello, friend! Earth 'to. Nasa clinic ka lang naman." sarkastikong wika ko.
"May masakit ba sa'yo?" tanong naman ni Tita.
"Okay na ako, Ma. Ano bang nangyari sa akin?" naguguluhan niyang tanong.
"Nahimatay ka lang naman. Pero ang galing, Best ha? Sa tapat ka pa talaga ng basurahan nahimatay ha?"sarkastikong wika ko rito.
Rhea's POV
Natulala ako sa sinabi ni Jade kaya may bagay akong agad na aalala."Oh? Ba't naiyak ka? Anong nangyari sayo? Pangit panaginip mo 'no?" nagpapanic na tanong ni Jade.
Bagay na isang panaginip ngunit makatotohanan kung saan marami akong natutunan at maghahatid ngayon ng napakalaking pagbabago sa akin. Kung saan nakilala ko ang isang kaibigang kayang ibuwis maging sarili niyang buhay para lamang sa akin.
"Hey, baby! Anong bang nangyayari sayo?" pagkukuha ni Mama sa atensyon ko.
"Wala po ito, Ma. Pero thank you po sa laging pag-unawa nyo sa akin kahit na makulit ako tsaka alam ko namang wala kayong choice kundi patawarin nga ako. Salamat dahil lagi kang nandyan para pagsabihan ako sa mga mali kong nagawa. Kahit tayong dalawa nalang, nagawa mo parin akong itaguyod." pagsabi ko kay mama na sya namang ikina-iyak niya.
"I love you, Baby." emosyonal na sabi nito at saka ako niyakap.
Eto talagang si Mama, OA kahit kailan. Bumaling naman ako kay Jade na nakangiti habang nakaupo at pinagmamasdan kami ni Mama.
"Ikaw, best friend. Thank you rin dahil tinutulungan mo ako lagi para matuto akong magpahalaga sa mga bagay-bagay. Kahit minsan daig mo pa si Mama kung manermon sa akin, na-realize ko na para rin yun sa ikabubuti ng lahat." pagsasabi ko rito na siya namang ikinangiti niya at lumapit sa akin saka ako niyakap.
"KYAHH!!! AYIEEE GROUP HUG!!!" sigaw ni Mama saka lumapit sa amin at nakiyakap na syang ikinatawa rin naming tatlo.
"Tara. Uwi na tayo." anyaya ko sa kanila.
"Mabuti pa nga, ipagluluto ko kayo ng paborito ninyong ulam!" sabi ni Mama na ikinabigla namin ni Jade at agad na nagkatinginan.
"ADOBO?!" sabay na sigaw namin na ikinatawa ni Mama at tumango.
Nagpaalam na kami sa nurse na nagbabantay sa clinic at lumabas na rin agad ng school. Pagkarating sa parking ay dumiretso agad kami sa dalang kotse ni Mama, mukhang nung nabalitaan nyong nahimatay ako ay dumiretso agad sya rito.
Habang kami ay nasa sasakyan, pinag-usapan namin ang movies na panonoorin namin mamayang gabi at kung anong oras kami magge-general cleaning sa aking kwarto dahil sabado naman bukas. Gusto sana ni Mama na makisabay sa amin sa pagmo-movie marathon subalit naalala niyang mayroon pa siyang pasok sa trabaho bukas ng umaga.
Nang kami ay makauwi sa bahay ay dumiretso agad si Mama sa kusina para magluto samantalang kami ni Jade ay sa kwarto ko dumiretso upang makapaligo at makapagpalit na ng uniform.
"Sino nga palang nakapansin sa akin nung nahimatay ako?" tanong ko rito.
"Si Bi---Bios?" sabi niya na siyang ikinagulat ko.
"Bi-- bio---bios?" gulat na tanong ko rito.
"Bakit kilala mo? Hindi ko siya kilala pero narinig ko yung pangalan nya sa nurse kanina, o baka nagkamali lang ako ng rinig." sabi nya sabay kibit-balikat.
BINABASA MO ANG
RHEAlity Book
AdventureExperience is the best teacher. We learn from our mistakes. You can do something. DO IT NOW! Sometimes "LATER" becomes "NEVER".