Jade's POV
"RHEA VIELFALT!!!" galit sa sigaw ko sa pambihira kong best friend na tinakbuhan lang naman ako kaya dismayadong napabuntong hininga na lamang ako.Ewan ko ba dyan sa babaeng yan, tamad. Basta tinatamad sya, hindi nya gagawin ang isang bagay o gagawa sya ng paraan para mapadali ito.
Ang swerte nya nga sa mama nya eh kasi laging nandyan para sa kanya, para gabayan sya. 'Di kagaya ng akin, palagi silang wala sa bahay.
Sinundan ko na lamang ang makulit na babaita at naabutan ko syang lumapit sa mga pusang kalye na syang ikinatuwa ko naman.
"Naks naman! Ano 'yan? Bibigyan mo sila ng foods?" natutuwang tanong ko.
"Hindi ah! Kadiri kaya sila! Andumi-dumi!" nandidiring sabi nito.
"Hay! Naku ka talaga! Buti hindi ka sinsaktan nung mga pet nyo sa bahay 'no? Ugali mo palang para sa kanila eh." nadidismaya kong sagot sa kanya.
"Ba't naman nila ako sasaktan? Tsaka alaga yun ni Mama, hindi ko nga pinapakailaman yun eh. Nakakainis sila." naiinis na pagpapaliwanag nya.
Pinabayaan ko na lamang sya at lumapit sa tindahan sa may gilid upang bumili ng tinapay.
"Oh? Ba't ka bumili nyan? Baon mo? Ang takaw ha!" natatawang sabi ni Rhea.
"Anong baon? Hindi uy! Para 'to dyan sa mga pusa." pagpapaliwanag ko na syang ipinagtaka nya.
"Nag-aaksaya ka ng pera mo para lang dyan sa mga pusang kalye na yan?" nagtataka nyang wika.
"Hindi lang sila basta pusang kalye, may buhay rin sila. Katulad din natin ang mga kagaya nila na nagugutom rin at kinakailangang mabuhay." pagpapaliwanag ko sa mabait kong best friend na ikinakibit-balikat na lamang niya.
Sinimulan ko nang himayin ang tinapay na binili ko upang ipakain ito sa apat na pusang nasa kalye.
"Jade!" tawag ng magaling kong best friend kaya napalingon ako sa kanya.
"Bakit?" takang tanong ko rito.
"Una na ako, baka magtagal ka pa dyan. 7:10 na oh baka ma-late pa tayo." pamamaalam nya na tinugunan ko na lamang ng tango.
Maaga pa naman kaya hinayaan ko na sya at malapit na rin naman kami sa school. Pinagmasdan ko na lamang yung mga pusa habang sila'y masayang kumakain. Matapos nilang kumain ay iniwan ko na sila at ako'y dumiretso na sa school.
Rhea's POV
Hindi pa naman late nang makarating ako sa school kaya ibinaba ko na lamang muna ang aking bag sa upuan ko sa aming classroom at saka lumabas.Dahil medyo nagugutom ako, bumili muna ako ng pagkain sa labas at kinain muna ito sa garden. Habang nakatambay ako rito ay kumukuha ako ng mga dahon at bulaklak upang paglaruan. Aktong pipitas na ako ng pangatlong bulaklak nang biglang may nagsalita sa likod ko.
"Miss, bawal po pumitas dyan. Kailangan po natin yang pangalagaan." wika ng tagabantay siguro dito sa garden.
"Ah.. eh.. nagagandahan lang naman po ako eh." nag-aalinlangang sagot ko.
"Pero po kasi, pinaglalaruan nyo na po eh. Tingnan nyo po yung ibang pinitas nyo, nalalanta na. Tsaka halos araw-araw po kitang nakikitang pumipitas at kung minsan ay naaapakan mo na." pagsagot nito sa akin.
"Sorry po." pagpapaumanhin ko at umalis na lamang sa lugar.
"Pumipitas lang naman eh, dadami naman ulit yu-- Ouch!" pabulong kong sabi habang papalayo sa garden ngunit may nabangga ako.
"Tsk! 'Di kasi natingin sa dinadaanan." si Jade lang pala.
"Oh? Ano? Napagalitan ka 'no?" tanong nito sa akin.
BINABASA MO ANG
RHEAlity Book
AdventureExperience is the best teacher. We learn from our mistakes. You can do something. DO IT NOW! Sometimes "LATER" becomes "NEVER".