Chapter 3: BUTTERFLY

26 21 0
                                    

Jade's POV
"WAHHH!!!" nagulat ako sa biglang sumigaw kung kaya'y nagtataka akong napatingin kay Rhea na parang natatakot.

"MISS VIELFALT! GET OUT!" nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Miss Samonte. Ugh! For the second time for this day!

Naaawa akong napatingin kay Rhea na nakasimangot. Naku ka namang babae ka! Ano ba naman kasi nangyayari sayo? Kanina lang, kung ano-anong naririnig mo eh.

Hindi rin mawala sa isip ko yung kinuwento nya sa akin kanina. Hindi na nakapagtataka na gantihan sya ng mga halamang kanyang sinisira pero kakaiba ang kinuwento niyang nagsasalita ito. Hindi ko alam kung matatawa ako o mag-aalala sa kalagayan nya.

Mabait naman si Rhea, sadyang tamad lang at walang pakialam sa pangangalaga sa paligid. Ewan ko ba dun, napapaisip rin ako kung bakit naiiba ang ugali nya sa mama nya eh. Nakakatuwa lang sya pag seryoso kausap pero minsan nakakainis kasi hindi nakikinig at paranoid pa.

Nakinig na lamang ako sa teacher namin habang nagtuturo siya at nagsulat na rin ako ng notes para ibigay sa loka-loka kong best friend. 

Rhea's POV
Kainis naman! Napalabas na naman tuloy ako ng classroom! Kasi naman yung bulaklak na yun eh! Kung ano-ano pa tuloy ang pumapasok sa isip ko.

Nandito ako ngayon sa may covered court ng school. Ayokong tumambay sa garden o kaya sa kay bench, baka kung ano pang mangyari sa akin dun eh. Pero ba't nga kaya nagsalita yung bulaklak kanina? O baka guni-guni ko lang talaga yun?

Tumingin ako sa relo ko para malaman ang oras, 11:49am. Napagdesisyunan kong magpalipas na lamang ng oras dito at hintaying matapos ang klase para sabay na kaming mag-lunch ni Jade.

*kringg* *kringgg*
Nag-ring na ang bell, hudyat na simula na ng lunch at tapos na ang klase sa umagang ito.

Naisipan kong bumalik sa classroom at puntahan si Jade para sabay naming mapagsaluhan ang pagkaing inahanda ni Mama para sa amin.

Pagkarating ko sa classroom ay naabutan ko si Jade na tila hinihintay ako para makakain na kami.

"Ba't ka naman kasi sumigaw kanina! Ano bang pumasok sa kukote mo at kung ano-anong nangyayari sayo ngayon?" naiinis na tanong niya nang makalapit ako sa kanya.

"Eh kasi naman! Hindi mawala sa isip ko yung pagsasalita ng bulaklak kanina!" pagpapaliwanag ko.

"Ano ba kasi talaga yung sinabi sayo?" nag-aalinlangan niyang tanong.

"Kagaya lang din nung palagi mong sinasabi pag kinakalbo ko yung mga dahon." sagot kom

"Eh? Ano bang lagi kong sinasabi sayo?" takang tanong nya.

"Na alam ko namang mali pero ginagawa ko pa, tsaka na babalik din sa akin yung mga ginagawa kong kalokohan?" puno ng pag-aalinlangan kong sagot.

"Bakit nga ba ginagawa mo parin kahit alam mong mali?" balik na tanong nito sa akin.

"Kasi... kasi.." hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong isagot.

"Kasi ano?" tila nauubusan ng pasensya niyang tanong.

"Kasi hindi ko rin alam! Yung mga nasa paligid lagi yung napagdidiskitahan ko pag may kalokohan akong ginagawa." malungkot kong papapaliwanag.

"Hay naku ka! Disiplinahin mo yang sarili mo. Tara sa garden! Dun tayo kumain para cute." pagbibiro ng mabait kong best friend.

Naglakad na kami papuntang garden. Nag-uusap lang kami tungkol sa mga bagay-bagay nang may mabangga akong lalaking naka-jacket at may hood.

"Sorry." rinig kong sabi niya at agad naman syang umalis. Hinatid ko na lamang ng tingin ang lalaki.

"Weird. Ang init-init tas naka-jacket." nawiwirduhang sabi ni Jade.

Napansin kong may nahulog na papel nang magkabanggaan kami nung lalaki kaya pinulot ko ito at saka binasa.

"May magagawa ka, gawin mo na ngayon habang hindi pa huli ang lahat."

"What? Ang weird nya nga." pagsang-ayon ko sa sinabi ni Jade kanina.

"Bakit? Ano ba kasi yan?" nagtatakang tanong nito at saka hinablot sa akin ang papel at binasa.

"Eh? May ginawa kana naman bang kalokohan nung pinalabas ka ng classroom kanina? O baka naman may hindi ka sinasabi sa akin?" tanong ni Jade na parang nagtatampo.

"Wala ah! Baka nga hindi talaga para sa akin yan eh." pagsasabi ko nalang sa kanya dahil hindi rin ako sigurado kung para kanino ba talaga yung papel na iyon.

"Sigurado ka?" puno ng pagdududa niyang sabi.

"Promise! Tara na nga! Gutom lang yan." anyaya ko sa kanya.

"Gutom lang talaga yan dahil kanina pa kung ano-ano yang pumapasok sa isip mi kaya napa-paranoid ka." sabi niya nang makarating kami sa garden.

Masaya naming inihanda ang aming tanghalian. Habang kami ay nagkakainan ay nagbibiruan lamang kami nang may biglang lumapit sa may paanan niya.

"May tuta!" masaya niyang sabi. Kahit kailan talaga, 'tong babaeng 'to mahilig sa mga hayop.

Itinigil niya ang kanyang pagkain at yumuko para tingnan yung tuta na lumapit sa kanya. Kinuha niya ang pagkain niya at hinati ito na syang ipinagtaka ko.

"Oh? Ano gagawin mo dyan?" takang tanong ko rito.

"Ano pa? Edi bibigyan 'tong tuta, kawawa naman eh tsaka mukha gutom na gutom na oh." sabi niya habang binibigay ang kalahati ng kanyang baon doon sa tuta.

Ipinagpatuloy namin ang aming pagkain. Nang matapos siyang kumain ay pinagmasdan niya ang tuta habang ako ay kanyang hinihintay. Nang matapos na rin kumain ang tuta ay lumapit ito sa akin.

"Nanghihingi ata sayo oh." natatawang sabi ni Jade.

Tiningnan ko na lamang ang tuta at napansin kong madumi ito kaya itinaboy ko ito agad. Nang hindi pa ito lumayo sa akin ay sinipa ko na kaya agad naman siyang umalis.

"Hala! Ba't mo namab ginanon yung tuta!" panenermon sa akin ni Jade.

"Eh kasi naman. Ang dumi-dumi nya, nakakasuka kaya kumain pag nakakita ng madudumi." nandidiri kong sabi na ikina-ngiwi na lamang niya.

"May paru-paro oh! Tara hulihin natin." wika ko nang matapos akong kumain. Akmang lalapitan ko na ito nang may pumigil sa akin.

"Wag mong lapitan, pagmasdan mo nalang." sabi ni Jade.

"Eh bakit? Ang ganda kaya." nakangusong sabi ko.

"Hayaan mo sila. Ang mga kagaya nila ay hindi dapat hinuhuli. Pabayaan mo silang malayang lumipad. Parang tayo lang din yan, malayang lumilipad para sa mabuhay, para makamit abg ating mga pangarap." makahulugang sabi nito.

Pinagmasdan ko na lamang ang paru-parong malayang lumilipad at nagpapalipat-lipat ng bulalaklak dito sa may garden.

"Ang ganda. Ang sarap pagmasdan." I said out of nowhere.

"Tara na. Magta-time na oh." anyaya ni Jade habang nakaturo sa relo niya kaya napatingin na lamang din ako.

Naglakad na kami paalis ng garden, dumiretso agad kami sa classroom at naabutan namin ang aming mga kaklase na naghahanda na para sa susunod na subject.

"Jade! Ano next subject?" tanong ko rito dahil parang naghahanda na rin sya.

"Science." maikling sagot nito.

"Ano na ba topic natin dun?" tanong ko habang kumukuha ng libro.

"Biodiversity daw." sagot ulit niya.

RHEAlity BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon