Nandito ako ngayon sa mansiyon. Kinukulong ang sarili sa isang madilim na kwarto. Madilim dahil ayaw makakita ng liwanag. Dahil ang liwanag ang nagpapaala ng masaklap kong katawan. Ayaw makita ang mukha't katawan dahil ito'y nagsisilbing kahihiyan ng aming angkan.
Kapagkuwan may kumatok sa aking pintuan at sinabing;
"Ma'am Tabitha! Maghahapunan na po!"
Lalabas na naman ako.
"Sige ho! Lalabas na po."
Ipapakita ko na naman ang pangit kong katawan sa mga kasama ko sa bahay na to. Huhusgahan na naman nila ako kung bakit ganito ang hitsura ko. Wala akong magawa kundi ang tumungo at itago ang mga lugang gustong tumulo.
Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo at pumunta sa harap ng pinto, nagdadalawang isip kung ito'y bubuksan ba o tuluyang magkukulong sa kwarto para hindi marinig ang kanilang masasakit na salita.
Ngunit binuksan ko na ito. Ayaw ko na magdagdagan ang mga sermon na kanilang ibinabato. Bumaba ako mula sa aking kwarto at sa hapag-kainan ako nagtungo kung saan nandoon sina mama't papa, ate't kuya at sina lola't lolo.
Pumunta ako sa tabing upuan ni lolo, umupo ako sa isang upuan habang nakatungo. Dahil ayaw makita ang ang mga matang nakatingin sa akin, tila ba nadidisgusto tuwing ako'y nasa paligid.
Kumuha ako ng kanin at ulam, agad na akong sumubo dahil kanina pa kumakalam ang aking tiyan.
Nasa kalagitnaan ako ng pagnguya, nang marinig ko ang boses ni kuya,
"Oh! Kuha ka pa ng maraming kanin at ulam, Tabatina– este Tabitha. Nangangayayat ka na oh!" Pang-aasar niya sa akin pero di ko na pinansin.
"Ano ka ba, Marky, wag mo nang ialok ang natitirang pagkain sa kanya! Alam ko kulang pa sa kanya yan, baka di tayo tirhan." Pagsali naman ni ate sa pang-aasar ni kuya. "Tsaka anong nangangayayat? Di mo ba nakikita, lumolobo na siya?" Sabay turo sa aking mala-baboy na katawan.
"Ay, oo nga noh? Lumolobo na nga siya, pati nga tigyawat niya oh! Nakakadiri. Eww."
"Hoy, tama na nga yan mga apo. Hindi ko na nagugustuhan yang mga sinasabi ninyo sa kapatid niyo." Saway ni lolo sa kanila. "Oh Tabi, kuha ka pa ng ulam." Alok pa nito sa akin.
"Pa, wag niyo nang konsintihin yang si Tabitha na magpakataba. Nakakahiya sa mga business partners ko kapag nakita nilang may anak akong panget." Pagalit na sabi ni papa.
Aray. Ang sakit. Ang sakit na malait ka ng mga kadugo mo. Pero nanatili akong tahimik.
"Anak kailan mo ba balak magpapayat? Nakakahiya ang hitsura mo, alam mo ba? Lalo na ngayong malapit na ang debut mo, nakakahiya na mapahiya ka sa mismong araw ng birthday mo." Tanong sa akin ni mama.
Kung alam niyo lang. Kung alam niyo lang kung gaano ko gustong pumayat. Gustong gusto kong lumabas ng hindi ko kinakahiya at hindi ako kinakahiya ang hitsura ko sa harap ng maraming tao.
Agad kong inubis ang aking pagkain at mabilis akong umakyat sa hagdan. Narinig ko pa ang tawag sa akin ni papa pero hindi ko yon pinansin, patuloy pa rin ako sa pag-akyat nang marinig ko ang sinabi ni papa.
"Kahit kailan talaga eh wala kang maaasahan diyan sa batang yan. Napakawalang-kwenta. Walang modo. Edna, sabihin mo nga sa akin, bakit pa natin ginawa yang batang yan?"
At tuluyan nang bumagsak ang aking mga luha. Tinakbo ko ang pagitan ng hagdan papunta sa aking kwarto. Pabagsak kong isinara ang pinto pagkatapos pumasok. Dali-dali akong pumunta sa banyo upang umiyak nang umiyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/164363893-288-k399518.jpg)
YOU ARE READING
Paano Maging Perfect?
Short StoryBasahin mo itong kwentong isinulat ko nang malaman mo kung tungkol saan ito.