[MIHO'S POV]
"So, bro. Kamusta ka naman? Balita ko dalaga ka na ah? HAHAHA!"Agad namang binato ng popcorn ni JD si Baekhyun. Nandito kami sa mall para manood ng movie. Kung paano nalaman ng kambal yung ganap kanina sa kwarto? Syempre kinuwento ko. BWAHAHA! Kasi naman tong lalaking to ubod ng landi. Tss.
"Clean fun pala ah." pang-aasar naman ni Baekhee.
"I swear it's clean fun." sagot ni landae
"So paano mo maeexplain yung bra? Unless sayo yun." tinaasan ko naman siya ng kilay.---
[JD's POV]
Ugggh! Bakit ba ganito mga kaibigan ko? Inosente ako~ Clean fun lang talaga yun! Promise!
"So what happened ba talaga?" tanong ni Baekhee
"Magkkwento ka ba bro o ililista na namin to sa mga blackmail stories namin sayo?" ngisi naman ni Baekhyun. Ugh. Kambal nga talaga. Bwisit.
Fine. Ikkwento ko na. Ganito kasi yun.
"Okay, fine. I brought home a girl. ARAY!"
Paano ba naman piningot na agad ako nitong si Miho. Mapanakit talaga.
"Ang landi mo talaga di ka na nagbago."
"Patapusin mo muna kasi yung storya ko! Judgmental ka eh."
Agad naman syang kumalma. So okay tuloy natin ang istoryahan.
"Ayun na nga. I brought home a girl pero promise walang nangyari. Peksman."
"Weh? Eh you're so drunk kaya kagabi. How sure are you?" tanong naman ni Baekhee
"I woke up around 5 in the morning and I'm telling you pareho kaming nakadamit at payapang natutulog yung babae sa tabi ko.""And yung bra?" tanong ni Miho
"I don't know. Paggising mo sakin wala na yung babae at may naiwan ng bra. Baka nainitan tinanggal yung bra." sagot ko
"At nakalimutan nya sa bahay nyo yung bra? Umalis ng walang bra ganun?" gigil naman nyang tanong
"Oy possible yun ah." suporta naman ni Baekhyun at tumango naman si Baekhee. Kaso itong bestfriend ko ang sama pa rin ng tingin sakin.
"Pero maiba lang bro, sino ba yung babae na yun?" tanong ni Baekhyun
"Ah eh actually di ko nakuha yung name nya HAHAHA!"
"Pero yung cup alam mo?"
"C."
"Iba ka talaga JD! Bro fist!"
*blag*
Agad naman kaming napatingin sa babaeng nasa harap namin na feeling ko e pinipilipit na kami ni Baekhyun sa utak nya.
"Hehe...joke lang yun Miho..." sabi ni Baekhyun
"Ang lalandi nyo! Tara na nga Baekhee." sabay lakad papasok ng sinehan"Kailangan sa buhay ang landi, Miho! Try mo nang makamove on-- HA HA HA JOKE LANG BESTFRIEND." Ang sama na talaga ng tingin nya sakin guys hehe
Agad ko naman siyang hinabol at inakbayan.
"Lumayas ka sa tabi ko hahambalusin kita." banta niya sakin.
"Sus wag na baka mamiss mo ko eh."
"Yuck." sabay siko sakin. Masakit ah.---
[BAEKHYUN's POV ]"Malandi ba talaga ko?" tanong ni Jongdae sakin na syang dahilan bakit ko sya binato ng ballpen na hawak ko.
"Hoy masakit ah." sabi naman niya.Nandito kami ngayon sa office ko. Tapos na kami mag movie. Inaantay namin yung dalawang babae nagsshopping pa kasi sa store namin sa baba.
"Nakakaloko kasi yung tanong mo bro. Stating the obvious ba?"
"Grabe ah. Ako na nga nagmalasakit iuwi yung babae kagabi kasi sobrang lasing tapos yung grab driver na nabook nya e mukha pang manyak."
YOU ARE READING
Once Upon A Pixie Dust
FanfictionDear pixie dust, Take me to Neverland and help me find my lost boy, Peter Pan.