PIXIE DUST 6

9 0 0
                                    

[MIHO's POV ]


"1 wintermelon for Miho, 1 chocolate milktea for Sehun."

Agad namang tumayo si Sehun para kunin yung order namin. Nandito kami sa milktea shop sa baba ng office.

"Ibig mong sabihin yung lalaking nakasagutan mo before eh si Chanyeol ng Down By 13?! And he had a relationship with our top trainee???"

Agad ko namang tinakpan yung bibig ni Sehun.

"Yah! Baka mamaya may makarinig satin! Napakaingay mo."

Nag sorry naman agad sya at nagpatuloy sa pang-iintriga.

"Kaya pala pag nagkakasalubong kayo sa office parang laging may something. Akala ko crush mo lang sya kaya lagi kang natutuod pag andyan siya."

Binatukan ko nga. Baliw talaga kahit kailan.

"Aray ah! Mapanakit ka talaga!"
"Ang dami mo kasing alam! Alugin natin utak mo nang malinis pag-iisip mo."


Nagpout naman ang loko at saka pinagpatuloy ang pag-inom nya ng milk tea.



"Pero grabe ah. Who would have thought. Chanyeol and Cali. Hmm. Sayang crush ko pa naman si Cali." sabi ni Sehun

Napatingin naman ako sa kanya at ngumisi...

"Aaah! Aaah! Wala kang narinig, Miho. Wala yun ah ha ha ha!" sabi ni Sehun nang marealize nya yung sinabi nya.


"Yiie, si Cali pala crush mo ah! Now I know! Bwahahaha!"
"Aish! Hindi nga! Mali ka ng rinig! Mali!"
"Crush ni Sehun si Cali~ Crush ni Sehun si hmmp"


Inalis ko naman agad yung kamay ni Sehun na nakatakip sa bibig ko. Bastos na bata to.

"Miho kasi!" pagmamaktol ni Sehun. HAHAHA ang cute cute maasar nito ni Sehun parang kinder.

"HAHAHA! Oo na, oo na. Di na kita aasarin," I assured him.

Nang makarating na kami ng office humiwalay na ko kay Sehun. Kailangan ko pa kasi daanan yung schedule ng Down By 13 sa studio nila. Aish. Tuloy na tuloy na talaga tong collab na to. Pray for my soul.

"Alright. See you later, alligator," paalam ni Sehun
"See you. 7 PM ah. Sabay tayo."

Isasama ko kasi si Sehun sa Friday night out namin nila Baekhee. Bumalik na si loka from her out of the country trip/ shoot. And bilang mabait naman na kaibigan si Sehun (kahit lagi nya kong iniinis) eh ipapakilala siya sa kambal nang lumawak naman ang network ng lolo nyo.



[CHANYEOL's POV ]


"Yah! Kyungsoo-ya! YAH! Pansinin mo ko, Kyungsoo penguin!!
" sabay alog ko sakaniya. Pero tinignan niya lang ako at naglaro na ulit ng Penguin Diner.

Ugggh! Ayaw mo ko pansinin ah?!

"Ano ba Chanyeol?! Akin na yang phone ko! Magagalit na yung mga customer ang tagal na nila nag-aantay ng order!"

Awow. Buti sa customers nya sa Penguin Diner may pake sya samantalang sakin na partner nya wala. Kanina ko pa kaya sya tinatawag. Bwisit.


"Ayan. Atleast nasakin na yung atensyon mo."
"Ano ba kasi kailangan mo?!" iritable nyang tanong.
"Bakit ka pumayag?"
"Pumayag saan?"



"Sa proposal ni Ms. Lee to collab with that girl! Knowing na alam mo yung nangyari noon sa storage room! Kyungsoo naman eh! Bawiin mo yung sinabi mo kay Ms. Lee!," reklamo ko sa kanya. Pero di nya ko sinagot. Dumire-diretso lang sya sa pantry at kumuha ng tubig. Uggh!

"Kyungsoo naman! Konsiderasyon please? Hindi talaga ako komportable sa kanya," sabi ko. Humarap naman sya at biglang ngumiti. Luh ang creepy.

"Bakit? Nagguilty ka noh? Kasi sinigaw-sigawan mo sya noon? Eh writer naman pala talaga sya dito~" sabay taas baba ng kilay nya. Ugh.

"Ako? Guilty? In your dreams! She knows one of my secrets. Paanong di ako magiging di komportable?"

Tumango-tango naman sya at uminom ng tubig.


"One reporter and two journalists know about you being an orphan. But you did manage to have an interview with them. So what's the issue now?"

Wow. Salamat sa pagbanggit, Kyungsoo ah. Ugh. Minsan di ko talaga alam bakit ako pumayag maka duo to e. Penguin talaga. Napaka cold.

"The agency helped us to shut that issue down. But this one with Cali, Soo, walang nakakaalam nun."
sagot ko sa kanya.


"And so? Having a relationship in this agency is not even prohibited. Ano kinakatakot mo? Chanyeol, I've known you since we were in high school. Alam ko kung kailan ka takot at kailan ka guilty. You're not even afraid that the issue will leak. You're just afraid to face her kasi alam mong it's your fault this time," litanya niya sabay labas ng studio.

Sakto naman pagbukas nya ng pinto eh niluwa nito ang isang chismosang writer. Ugh. Lord, bakit?


"Hi! Good afternoon," bati ni chimosa kay Kyungsoo habang nakangiti.

Agad naman syang umismid nang makita nya ko sa likod. Wow. Kala mo siya lang di natutuwa. Ako din naman di natutuwa ah!

"Good afternoon, Miho. What can I help you with?"
tanong naman ni Kyungsoo.

"Kukunin ko sana yung schedule nyo para maalign ko sa interviews na gagawin natin," sagot ni chismosa habang ngiting ngiti pa rin. May plaster ata sa gilid ng bibig to.

"Ah, schedule! Sige pasok ka dun sa room na yun. Andun si Manager, hyung. Sakanya mo makukuha yung schedule namin."

Pumasok naman siya at dumiretso sa kwarto ni Manager hyung. Sumunod naman si Kyungsoo sa kanya pero bago sya pumasok, tumingin muna sya sakin at nagsalita.


"Kung gusto mo bumawi sa kanya, just do your best to help her finish this project. And oh, you're welcome in advance."



[MIHO's POV]

"June 1 po?!"
"Yes. Why? May conflict of sched ba?"
tanong ni Manager Noh sakin.

Huhu! Death anniversary kasi ni Mama sa June 1 waaah dadating si Daddy and we are scheduled to go to the province. Aish. Paano na to huhu.

"So far kasi yun lang ang available time ni Yeol. Hmm but I can find another sched if you want. Though matatagalan kasi - "

"No, sir. It's okay. M-may I know what time will it be?"
"Oh, yes. I scheduled it at 9:00 am. Would that be okay?"
"Yes, sir. June 1, 9:00 AM, Chanyeol's solo interview. Noted."


Atleast maaga naman pala pwede pa ko makahabol. Kaso nga lang may epal na biglang sumulpot sa kwarto...


"June 1? Hyung, that's my only free time. Why would you sched the interview on that day?" reklamo ni higante sa manager nya.

"You said it already, Yeol. That's the only free day you have. Stating the obvious?", sagot sa kanya ni Kyungsoo. Huh! Barado ka tangkad!

"Aish! Kainis naman oh!", maktol ni higante sabay labas ng kwarto.


"Don't mind him. Minsan may sapak lang talaga yun. But he's nice," sabi naman ni Manager Noh. Ngumiti na lang ako kahit di ko alam kung saang banda ng pagkatao ng higante na yun ang nice.

"So ayun, Chanyeol's interview will be on June 1. For Kyungsoo, I need to finalize pa but sure na sa 2nd week yun," pagpapatuloy ni Manager.

"How about po yung sabay na interview nila, may sched na po ba?", tanong ko.


"Regarding that matter, Ms. Lee just informed me na isama ka sa album shoot ng Down By 13 which will be held on the 3rd week at Batanes."


"Ah, okay -- PO?! Wh-what do you mean na kasama po ako?"

"Is that true, hyung? Wow! That's nice. Makakasama ka namin sa 3-day shoot. Alright!"
sabi naman ni Kyungsoo

"Three days?!"


"Well yes, Miho. Sasama ka samin sa Batanes. I actually bought your ticket na. Sabi ni Ms. Lee mas okay daw yun kasi makikilala mo talaga sila plus andun ka sa mismong shoot you'll be familiar with how it works. In depth interview kumbaga.", paliwanag ni Manager.

"I hope it's okay with you.", dagdag pa niya.

"He...he...o-of course, sir. I-it's fine with me.", sagot ko sabay pilit na ngumiti.

HA HA HA. Ngayon pa talaga niya ko tinanong eh noh kung kailan may ticket na at nakapag-usap na sila ng boss ko. Wow. As if I have a choice di ba? Ugggh! Really, just pray for my soul. WAAAH!

"Then if everything's okay, I guess we're good to go. I'll just email you the final sched for Kyungsoo's solo interview as well as your flight details."

And with that lumabas na ko ng room. Aish! Ang sakit sa ulo ng pinasok ko na to huhuhu. Help!

Sakto naman nagvibrate yung phone ko...


1 message received
From: Your everyDAE


Napakunot naman ako sa pangalan ng baliw na to sa phone ko. Malamang hindi alo naglagay nyan. *facepalm*

"Bestfriend kong nakakunot na naman ang noo, see you later! Miss na kita. Asarin. HAHAHA"

Napailing na lang ako sa nabasa ko. Bakit ba ko napapaligiran ng mga baliw sa planetang to?! WHYYYY???


Once Upon A Pixie DustWhere stories live. Discover now