PIXIE DUST 4

4 0 0
                                    

[MIHO's POV]


"I'm asking you! Who are you?! Hindi ka sasagot? Tara sa guard!" at kinaladkad nya ko palabas ng storage room.

"W-wait lang kasi. B-bitawan mo muna ako! Masakit na ah!" pagtataas ko ng boses sa kanya. Napakarude ng tao na to. Gwapo nga pero ugali wise, pweh!

"Bakit kita bibitawan? Para makatakas ka at maipagkalat mo yung narinig at nakita mo?!" Tuloy pa rin ang paghila nya sa kamay ko.


"I'm working at this company for your information! My name is Miho Kim and I am a Junior Writer for Features Division!"


Agad naman syang huminto sa paglalakad at tinignan ako mula ulo hanggang paa at saka siya nag smirk.

"Miss, sa tingin mo ba maloloko mo ko? Una sa lahat wala ka namang ID. Pangalawa, I know most of the writers here. Kaya sumama ka na sakin sa guard nang maireport na kita!" at kinaladkad na naman niya ko. Puta naiinis na ko ah!

"Bobo ka ba?!" singhal ko sakanya at ginantihan naman nya ko ng napakasamang tingin.


"Alam kong sikat ka pero alam ba ng fans mo na ganyan yung ugali mo? I'm new here so I don't have an ID yet. If you want, you can go check with the management. We are working under the same company kaya kahit gustuhin ko isulat yung narinig ko, hindi pwede. Your downfall is mine as well. Kaya pwede kumalma ka na?"


Sakto namang dunating si Ms. Wendy.

"Oh my God, Miho! Buti na lang nakita na kita. I'm sorry. Nakalimutan ko sabihin na sa 2nd elevator ka sumakay kasi yun ang paakyat sa Bldg. B. Naku, pasensya ka --"

Agad naman siyang napatigil nang mapansin nya ang tensyon na namamagitan samin ng kutong lupang Chanyeol na to.

"Ch-chanyeol, anong ginagawa mo dito? Diba sa 2nd floor ang practice room nyo?" tanong sa kanya ni Ms. Wendy

"W-wala. Nagpapahinga lang ako. Baba na ko." paalam nya habang nakatitig pa rin sakin. Eh di tinitigan ko din siya. Bwisit.


Agad naman kaming pumunta ni Ms. Wendy sa Bldg. B at nakausap ko na rin si Ms. Lee. Pinakilala nya na rin ako sa buong team. Nakakatuwa na talaga sana kasi napakawarm ng welcome nila sakin pero pag naaalala ko yung nangyari kanina sa 5th floor naiimbyerna talaga ko! Ugh.


"Ang alam ko first day of work mo at hindi first day of mens. Ngumiti ka naman." sabi ng lalaking nasa tapat ko sabay abot sakin ng bubble tea. Pagtingin ko sa kanya di ko naiwasan na mapangiti na lang din. Eh kasi nakangiti din siya at infairness ang cute ng eye smile nya nakakahawa.


"Ayan ngumiti ka na. It looks good on you. Wag ka na ulit sisimangot ah." sabi nya
"Thank you. Saka nag abala ka pa dito sa bubble tea di na naman kailangan. Salamat..."
"Sehun."

Inabot ko naman ang kamay ko sa kanya at nakipag-shake hands. Siya pala yung naka assign sa cubicle sa harap ko. Napag-alaman ko rin na newbie rin pala siya dito. Mag 2 months pa lang siya dito. Photographer. Kahit mukha siyang model. Oo ganun siya ka gwapo. Mabait si Sehun. Madali para sakin na maging close siya. Uy walang malisya mga baliw! Para syang baby brother sarap alagaan hihi.

---


Mabilis na lumipas ang araw. Puro orientation lang ako today. Binigyan na rin ako ni Ms. Lee ng subjects para sa articles na isusulat ko. Excited na talaga ko!

5:00 na ng hapon nang makabalik ako sa office. Walang tao maliban kay Sehun.

"San sila?" tanong ko sa kanya
"Yung iba may kailangan icover na events. Yung Sports team nasa meeting. Yung iba nag break time."

Tumango naman ako.

"Wala ka na bang gagawin?" tanong niya sakin
"Uhm wala na naman. Bakit?"
"Tara uwi na tayo."
"Agad-agad?"


Eh kasi parang nakakahiya namang umuwi ang busy pa nung iba tapos kami uuwi na agad?

Mukha namang nabasa ni Sehun yung nasa isip ko at agad syang natawa.

"Don't worry, Miho. Yung ganitong araw na wala kang deadline, it's a privilege. Kaya kung ako sayo sulitin mo na dahil baka ito na ang huling maagang out mo."

---

Nasa elevator na kami ni Sehun at nakwento ko sa kanya yung mga assignments na binigay sakin ni Ms. Lee.

"Fashion Show on the third week? Nice. Ako ang photographer that day." sabi ni Sehun

Agad naman akong napangiti. Yes! At least medyo ka close ko na yung makakasama ko sa coverage di na ko ganun mahihirapan mag-adjust. Nang makarating na kami sa lobby, inalok ako ni Sehun na sumabay na sakanya pauwi since pareho kami ng way.

"Naku, wag na Sehun. Nakakahiya naman." Totoo naman e kakakilala lang namin tapos sasabay agad ako. May hiya naman ako.

"Sure ka? Paano ka uuwi niyan?" tanong naman niya.

"Sakin siya sasabay."

At napatingin ako sa taong may pamilyar na boses.

"Jongdae?" at ngumiti naman siya nang pagkalapad lapad.


---

"Grabe ka Miho wala pang 24 hrs akong nawala sa tabi mo may lalaki ka na." sabi niya sakin. Nandito kami ngayon sa Taxi. May emergency meeting kasi si Baekhyun kaya si Jongdae na lang ang sumundo sakin at nagcommute na lang kami.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Parang gago kasi to eh. Makareklamo akala mo pinagtaksilan ng girlfriend.

"Sino ba kasi yun, Miho? Di ko naman siya papa-salvage bakit ba ayaw mo sabihin ang pangalan niya?" pangungulit niya sakin.

"Ang kulit mo, JD. Pagod ako wag kang magulo." At pumikit na ko para magpahinga. Infairness nakakapagod kahit orientation pa lang naman ginawa ko. Saka yung nakakalokang ganap kaninang umaga. Ugh. Naalala ko na naman yun. Bwisit na Chanyeol na yan.

"But on the lighter note...I'm so proud of you, Miho!"

Dumilat naman ako at tinignan ko sya na may napakalawak na ngiti sa labi...minsan iniisp ko kung bipolar tong bestfriend ko eh.

"Marunong ka nang lumandi! At dahil dyan ililibre mo ko ng dinner sa weekend! Tuturuan kita - ARAY! Bakit ka ba nangungurot? Ikaw na nga tuturuan - ARAY!"


"Hindi ka pa titigil?" banta ko sakanya. Napakadaldal eh.
"Ano gagawin mo kung di ako tumigil? Hahalikan mo ba ko?" pang-iinis pa nya sabay lapit ng mukha nya sakin.
"Yuck! Dun ka sa mga babae mo magpahalik." at kumuha na ko ng earphones para matahimik na mundo ko.

Pero wala pang 5 minuto biglang tinanggal ni JD yung earphones ko.

"JD, ano ba? Pagod nga --"

Pero di ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla nyang isandal yung ulo ko sa balikat nya...

"JD, okay lang --"

Sunday morning rain is falling
Steal some covers, share some skin

Clouds are shrouding us in moments unforgettable
You twist to fit the mold that I am in


Hindi ko alam unti unti na pala akong nakakatulog. I just love hearing his voice. It's actually my lullaby since we were kids.

---

"Miho. Miho gising na nandito na tayo."

Pupungas pungas naman akong nag-unat. Ilang oras ba ang naging biyahe namin at feeling ko ang tagal ko nang nakatulog. Oh well. Inabot naman ni JD yung bayad at lumabas na ng taxi. Nagpasalamat naman ako kay manong driver.

"Ingat po manong. Salamat po."


"Salamat din po ma'am. Swerte nyo po sa boyfriend nyo."
at ngumiti sakin. Nginitian ko na lang din siya. Hays. Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko boyfriend si Kim Jongdae?!

Pagpasok ko naman sa bahay sakto nakatayo si kuya Junmyeon sa pinto.

"Hi kuya! Ang aga mo ah. Walang OT? Kumain ka na ba?"

Sa dami nang tanong ko ni isa wala man lang syang sinagot at nanatiling nakatingin sakin. Luh. Ano trip nito?

"Huy, Kuya! Okay ka lang --"

"May nanliligaw daw sa'yo sa opisina first day na first day?"

"Oo, medyo nakakapa - WHAT?!" agad namang nanlaki yung mata ko nang marealize ko yung sinasabi ni kuya. Kaso sa paglaki ng mata ko siya namang pagsingkit ng mata nya.

"Did you just say yes, Miho?" tanong ni Kuya. Medyo kinabahan naman ako hala.

"Y-ye...I mean no. That's not what I meant. San mo ba narinig -"

*blag*

Di ko pa tapos yung tanong ko nang marinig ko ang pagbagsak ng baso sa may kitchen at nanliit ang mata ko sa nakita ko....


"KIM JONGDAEEEEEE!"

At nag-peace sign pa sakin ang gago bago tumakbo palabas sa back door. Makikita mo talaga ang kapayapaan pag nahuli kitang bwisit ka!!!


xxx


Once Upon A Pixie DustWhere stories live. Discover now