[MIHO's POV]
"Himala hindi ka ata hinahatid ng boyfriend mo." bati sakin ni Sehun pagkapasok ko sa office. Agad ko naman syang inirapan. Mapang-asar talaga tong mokong na to. Bagay sila ni Jongdae.
"Ilang beses ko bang sasabihin--"
"Na hindi mo boyfriend yun? HAHAHA oo na, oo na. Cute mo kasi asarin eh."Tinitigan ko siya at unti unting lumapit sa kanya dahilan para mapaatras sya.
"O-oh b-bakit ka lumalapit?"
"Umamin ka nga Oh Sehun, crush mo ko noh?"*katahimikan*
"HAHAHAHAHHAHA!"
*blag*
"Aray Miho masakit ah!"
Binato ko kasi sya ng stapler. Gago eh. Nakakabastos tawanan daw ba yung tanong ko seryoso kaya ako dun.
"Bwisit ka kasi!"
"Eh kasi naman yung joke mo nakakatawa HAHAHA!"
"Nakaka offend ah! Di ba ko ka gusto gusto? Leche ka."Tumawa naman siya at agad akong inakbayan. Inalis ko naman agad yung braso nya sa balikat ko.
"Tampo ka naman agad Pancit Miho."
Sinamaan ko naman siya ng tingin. Since last week pa nya ko tinatawag sa nickname na yan napaka corny naman.
"Alam mo, Miho, ikaw yung ideal girl eh. Maganda, matalino, mabait. Kaso -"
"Kaso?!"
"Kaso ayan! Ayan! May sakit kang high blood. Lagi kang pikon. Aray! Kita mo yan mapanakit ka pa!"Hinampas ko nga ng folder. Bwisit eh.
"Oo na. Oo na. Lumayas ka na sa harap ko."
At saka ko bumalik sa cubicle ko. Siya naman bumalik na sa cubicle nya. Kaso nakalimutan ko magkaharap nga lang pala yung cubicle naman. Dumantay naman sya dun at sinilip ako.
"O ano na naman?"
"Kita mo yan high blood ka na naman."
"Di ko kasi gusto yang ngiti mo dyan. Ano na namang naiisip mo."At lalong lumapad ang ngiti ni loko. Jusko. Natahimik nga mundo ko kasi busy sa thesis si Jongdae, ito namang si Sehun ang pumalit.
"Gusto ko lang sabihin na kahit gaano ka pa kasungit o ka-highblood, may isang tao dyan na mamahalin ka nang buo."
Agad naman akong napa cringe sa sinabi niya. Pero na touch naman ako. Magpapasalamat na sana ako kaso bigla na naman siyang humirit...
"Tulad ng bestfriend mong si Jongdae. Di mo ba talaga boyfriend yun?" sabay ngiti nang nakakaloko.
Akmang babatuhin ko na sana siya ng puncher nang biglang pumasok si Ms. Wendy...
"Ms. Kim, Ms. Lee wants to talk to you."
Tumango naman ako at sumunod kay Ms. Wendy. Bago lumabas, sinamaan ko muna ng tingin si Sehun na pasipol sipol pa sa cubicle nya. May araw ka rin saking poste ka.
---
(Ms. Lee's Office)
"Good morning, Ms. Lee." bati ko sakanya
"Good morning, Miho. Take a seat.""You might be wondering bakit kita pinatawag. Well, you see, the article you wrote last week received a positive feedback from our readers. It's most visible sa online article that we published. Hindi lang yan, even our clients are calling me to praise your writing style. The article is beyond amazing, Miho."
YOU ARE READING
Once Upon A Pixie Dust
FanfictionDear pixie dust, Take me to Neverland and help me find my lost boy, Peter Pan.