Episode 5 (Guns)

71 3 0
                                    

Bigla nalang binilisan ni Darth ang pagdrive nya kaya nashock ako.

"May karera ba potato?"

Hinihintay ko syang sumagot pero di ako pinansin. Waaaaah! >___<

"Hoy potato, ayoko pang mamatay. Huhu." Mangiyak ngiyak kong sabi.

"You're not gonna die. I'm here to protect you."

*dugdugdugdug*

Hala! Ang bilis bilis naman ng tibok ng puso ko. Baka time ko ng mamatay.

"Gody! Get rid of the bastards!"

O.o hala! Bakit nya tinatawag si Gody eh wala naman sya dito. Huhu. Baka nabaliw na tong prince charming ko.

Gody Mirage's PoV * an hour earlier

Habang pa inom inom lang ako ng alak ay may sumira ng chilling session ko.

"Boss Mirage, may problema." Sabi ng isang tauhan na may dalang phone.

"Ano naman yun?" Tanong ko.

Binigay nya sakin yung cellphone at tsaka ko naman sinagot.

"Boss, may tauhan ni Blood na nakakita kay Boss Mandeville na may kasamang babae sa mall. Mukhang ang plano nila ay kunin ang babae."

Napatayo ako sa inuupuan ko.

"Ano pang narinig mo? Nasaan ang tauhan ni Blood?"

"Papunta na sila sa babae. Wala silang hawak na pangalan pero may nakuha silang litrato. Nandito rin ang tauhan ni Blood saamin."

"Okay. Hold him there." Sabi ko tsaka iniwan ang phone sa tauhan.

Agad naman akong sumakay sa sasakyan ko at tinawagan si Boss Darth.

"Boss. Your girlfriend is in trouble, papunta na ang mga tauhan ni Blood sa prinsesa mo."

Narinig ko naman na nagchuckle si boss. Well, akala ba nila ganun lang kadaling banggain si boss.

"Ano boss? Sunduin ko na ba yung prinsesa mo?" Tanong ko.

"No need. I'll pick her up myself. But I'll be needing you to stand by unnoticed and close to us, then surprise them." Sabi ni boss tapos binabaan na ako.

Agad naman akong nagsuot ng earbuds dahil anytime baka may kailanganin pa si boss at tawagan ako.

Nagdrive naman ako ng bigla kong maalala...

Saang university nga ulit napasok yun?

"Spencer?" Tawag ko sa kanya, baka naka earbuds naman sya ngayon.

"I think Spencer is busy." Si Ethan to.

"Griffin, anong school nga yung uniform ng girlfriend ni boss?" Tanong ko.

"Sorry, can't help you."

The hell?

"Hey, Griffin? Hey!"

Shit. Malilintikan ako nito kay boss. Buti nalang di naka earbuds yun kung walang kailangan.
Wala bang ibang nakikinig sakin? Oh iniignore ako ng mga mokong nato para di sila malintikan kung magkamali ng sinabi.

Habang nagmamaneho ako, may nakita akong estudyanteng naglalakad na kapareho ang uniform ni Snowy kaya binuksan ko ang bintana ko tsaka hininaan ang takbo.

"Excuse me, anong school mo?" Tanong ko sa babae.

"Fujioka University ---"

Agad ko namang binilisan patungo doon. Mukhang alam ko na kasi kung nasaan yon.

Prince Charming Gone WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon