Episode 1 (Wish)

205 6 1
                                    

"Tulog ka ng tulog kanina, ano bang ginagawa mo sa gabi?"

Hehe. Si Class President yan. Sa sobra ko kasing talino hindi na ako nakikinig sa klase at natutulog nalang.

"Wala po." Sagot ko naman.

"Wag mo nga ipahiya ang klase natin Snowy."

> 3< ano ba kasalanan ko? Kapag natutulog ba ako mapapahiya agad ang klase? Ang oa talaga minsan ni President. Tsaka bakit naman mapapahiya ang klase eh ang talino ko kaya, kaya naman no way na mapahiya ang klase namin.

"I'm guessing na iniisip nya na naman na matalino sya." Ang galing naman! Matalino nga ako pero hindi ako mindreader. Minsan hinihiling ko nalang na sana naging mindreader nalang din ako kagaya ni Class President eh. > 3>

"Hihi. Mauna na ako sayo." Paalam ko sa kanya.

Hayysss. Pagdating ko ng bahay, sinalubong ako agad ni Dad.

"Happy Birthday anak!"

"Kyaaaaah! Daddy, binilhan moko ng Disney Princess cake?" Tumalon talon ako nung nakita ko ang hawak nyang cake.

"Lagi naman Snow ah."

Ay hihi. Oo nga pala, nung nag 19th birthday ako, ito rin pala yun. Hehe.

"Make a wish, baby." Ha? Siraulo na ba si Daddy?
Magwish daw ako ng baby oh.

"Daddy. Ayoko ng baby eh." Sabi ko.

"?_?"

Namo tong si Daddy, sabi nya magwish daw ako ng baby tapos ganyan ang mukha. Eh sa ayoko naman ng baby. =___=
Buti nalang talaga di ako nagmana sa kanya na magulo ang isip. Hihi. Quiet lang.

Ay, kilala mo na ba ako? Ako pala si Snowy Del Valle. Bakit Snowy? Kasi maputi ako eh. Parang snow, tapos cute rin naman ako and most of all matalino ako syempre tsaka smart din.

Matalino tsaka smart? Ay oo nga pala, pareho lang yun. Hihi.

Gusto mo ba malaman ang wish ko?

*flashback noong 14 years old palang ako*

"Anak, gusto ka sana makita ni mommy na ikasal sa prince charming mo, pero di ko na magagawa yun."

Huh? Bakit kaya?

"Bakit mommy?"

"May sakit ako eh, nakalimutan mo ba?"

"Hehe. Hindi po. Pero alam ko namang gagaling kayo."

"Pagod na si ang mommy mo anak eh."

Si mommy talaga. Hindi ko naman sya pinipilit na kausapin ako eh. > 3<

Teka, sinabi nya palang gusto nya akong makita na ikasal sa aking prince charming.

"May prince charming po ako mommy?"

Ngumiti si mommy.

"Oo naman. Kapag 20 kana, makikita mo na sya. Nakasuit yun at pogi."

Talaga?

"Kapag nakita mo ang lalaking yun, Snow. Sure na sya yung prince charming mo kaya wag na wag mo syang pakawalan."

"Aye aye mommy!"

"Proprotektahan ka nun anak at dahil sa kanya bibilis rin ang tibok ng puso mo ." Sabi ni mommy.

After a few minutes, bigla syang naiyak.

Waaaah. Hindi ko naman inaway si mommy eh. T____T

Prince Charming Gone WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon