Episode 41 (Her Vow)

28 1 0
                                    

"Snowy?"

"Snowy?"

Daddy?

Boses ni daddy yun ah.

"Snowy? Nakikita mo ba ako?"

"Oo naman daddy, may mata ako." Sabi ko

Ba't naman kasi yun ang naisip na itanong?

"Sabi mo daw 'come back to me', pinababalik mo ba ang mommy mo?" Tanong ni daddy

"Ha? Daddy, hindi ah--- si--- si Potato, nasaan na sya? Anong nangyari sa kanya?!"

Bigla kong naalala si Potato.

Teka...

Naaalala ko na.

Lahat ng nangyari.

"Comatose pa rin sya baby." Malungkot na sabi ni daddy.

Nalungkot rin ako bigla.

"Gusto ko syang puntahan daddy. Gusto ko magsorry kasi-- kasi--- UWAAAAAAAAAAH!"

"O-okay. Wag ka umiyak baby, pupunta na tayo---"

"Ngayon daddy? UWAAAAAAA!"

"Yes baby." Sabi nya.

Pagdating naman doon sa room ni Potato,

Lumapit ako kaagad.

Kailangan ko syang gisingin. Diba sa mga palabas, kapag kinausap at hinawakan ang kamay ng mga taong walang malay na nasa ospital ay kaagad na nagigising? Lalo na kung paalis ka na tapos bigla nalang gagalaw ang kamay nila?

"P-Potato? G-gumising ka na." Sabi ko na mangiyak ngiyak.

Ang daddy nya? Hindi maipinta ang mukha.

Hinawakan ko naman ang mga kamay ni Darth,

"K-kapag hindi ka gumising--- hahanap ako ng bagong potato." Sabi ko

"Ayaw mo talagang gumising?" Tanong ko nung medyo nakakainip na.

Kasi naman eh! >.<

Dapat gising na sya kaagad.

Nandito na kasi ako.

Okay. Siguro ang eepekto talaga kay Darth ay kapag paalis na ako.

"Okay, Darth. Ayaw mong gumising kaya aalis na ako at maghahanap ng bagong Potato."

Nung sinabi ko yun ay tinalikuran ko sya.

Nakita ko nalang na may nurse na kunot-noo at napalunok ng makita ako.

"S-sir? Hindi po asylum ang ospital na ito. A-anak nyo ba sya?" Tanong nung nurse kay daddy.

"Ha? Hindi ah. Son-in-law nya si Darth, tsaka asylum? Anong asylum? Di naman nagtatanong si daddy kung asylum ba itong hospital na ito o hindi eh." Gulong-gulong tanong ko.

Bigla ko namang naalala si Darth ulit.

Sinilip ko kung gumalaw na ba ang kanyang kamay.

O.O

.___.

>.<

Di naman nagalaw eh!

Paalis na naman na ako eh, so why?

"Ah. Ichecheck ko lang po kasi si sir." Sabi nung nurse , pagkatapos nyang icheck ay agad rin naman syang umalis.

"Ang weird ng nurse na yun daddy noh?" Tanong ko kay daddy sabay upo sa sofa na nasa tabi ng bed ni Darth.

Prince Charming Gone WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon