Episode 14 Part 2 (Completing the List)

47 3 2
                                    

"Woooooowwww! Nandito na ba talaga tayo potato?" Tanong ko nung nasa harap na kami ng ocean park.

"You asked me so many times already, we could just leave if you---" hinila ko na sya kaagad at tsaka pumasok kami.

"Kyaaaaah! May shark potato! May shark!" Masayang masaya kong turo sa kanya, kinuha ko naman agad ang phone ko.

"Shark, lapit ka dito! Selfie tayo!" Yaya ko pero mukhang di ako narinig. Waaaaah!

"Stupid. Do you think the shark will respond?"

"Ang sungit pala ng shark na'to." Sabi ko habang nakasimangot. "Pero okay lang! Picture-an mo nalang ako potato! Daliii!" Iniabot ko kaagad kay Darth ang cellphone ko, agad naman akong nagpose.

"Patingin nga." Sabi ko

"Di naman nakatingin yung shark Darth e." Reklamo ko.

"Fck. Stop it or---" tinakpan ko yung bibig nya kasi napatingin na yung mga tao samin. Loko tong si Darth mukhang gagawa pa ng scene, di na nahiya. >.<

"Tayo nalang magpicture potato." Sabi ko tapos iniharap ang front camera ng phone ko.

"Tumingin ka naman. Gaya gaya ka pa sa shark eh." Sabi ko pero snub ang inabot ko.

Napasimangot nalang tuloy ako, di ko alam kung bakit sya yung prince charming ko eh, kung di nya lang talaga nameet ang mga sinabi ni mommy, baka hindi pala sya ang prince ko. *pout*

Bakit kasi di in-include ni mommy ang attitude nung sinabi nya sakin ang about sa prince charming ko?

O well, baka daw kasi surprise. Hehehe.

Nagpicture nalang ako kahit di sya nakatingin, tapos bigla naman akong nakakita ng dolphin sa kabila kaya ko hinila sya ulit.

"Wow! Ang cute cute naman ng dolphin na'to! Tignan mo potato oh!" Tuwang tuwa kong sabi.

Waaaaaaah! "Potato, lumapit sya sa finger ko oh!"

"Yeyeah, I can see that." Darth

Pinicture-an ko yung dolphin. Ang cute talaga,

Hila hila ko lang si Darth kahit saan kami makapuntang part nitong ocean park, kasi gusto ko makita lahat ng underwater animals eh.

"Waaaaah! Nemo?! Nasaan ang daddy mo?" Tanong ko kay Nemo kasi mag-isa lang sya.

"Stupid, that's not Nemo." Sabi ni Darth sakin.

"Si Nemo to potato, ikaw kamo yung stupid. Di mo naman kilala si Nemo tapos sasabihin mong hindi to si Nemo? Ikaw ba ang daddy Marlin nya para sabihin kung si Nemo ito o hindi? Ha? Ha?"

"=__=" Darth

"Nemo, wag ka mag-alala kasi hinahanap ka na ng daddy mo." Comfort ko sa kanya

"Waaaah si Nemo mommy!" Napatingin ako sa isang bata na napatingin kay Nemo.

Inirapan ko si Darth. "Kita mo na, si Nemo to."

"Tss. Whatever." Hinila naman ako ni Darth.

"Ba-bye Nemo!" Paalam ko kay Nemo, napatingin naman sakin yung mga magulang nung bata. Eh? Don't tell me hindi nila pinaniniwalaan na si Nemo nga yung fish na yun? *pout*

"Waaaaaah. Ang sakit na ng paa ko potato." Reklamo ko nung palabas na kami ng ocean park.

"That's your fault. No one told you to jump and run around the park."

Huhuhu. Nakakapagod pala ang magdate.

Naalala ko bigla na wala man lang kaming picture ni Darth, yung maayos na picture. *pout*

Prince Charming Gone WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon