You and I Chapter 1

502 23 4
                                    

Patty's POV

"Jul's naman, alam mo naman na kailangan ko talaga yun ngayon diba?"


Napapailing nalang ako sa katangahan ng katabi kong si Julie ang nag-iisang bestfriend ko.


"Eh, sorry na talaga bestyy! Hawak hawak ko naman talaga yun kanina eh bago ako pumunta dito."


Napabuga nalang ako ng hangin saka ko siya tiningnan na hindi pa rin mapakali sa kanyang kinauupuan habang hawak hawak ang tali ng backpack niya. Kanina pa siya ganyan. Sa lahat ba naman kasi na dapat maiwan yun pa.


"Aish. Ano pa ba ang magagawa natin besty? Hayaan mo na nga titingnan ko nalang sa laptop ko mamaya baka may copy pa ako dun na hindi pa na delete." Ngitinitan ko siya para mawala yung pagka kaba niya. Grabe kasi maka tense itong babaitang ito.


"S-sure ka besty hindi ba ngayon yun ipapasa?" Tiningnan niya ako na may pag-alala at pagkadismaya.


Tinanguan ko siya na siyang pagkagulat niya at hindi na naman siya mapakali sa kanyang kina uupuan.


"Sabi ko nga besty ngayon mo iyon papasa! Aish nako naman eh ang tanga tanga ko kasi.. Hawak hawak ko na iyon kanina eh, aish bakit naman kasi nakalimutan ko iyon, kasalanan ko talaga -



"Teka lang besty! Wag ka nga masyadong mataranta, Relax.." sabi ko sa kanya at saka hinawakan ulit ang mga kamay niya.


"Besty.. relax ok? Don't worry kahit ngayon pa ang deadline nun, pwedi pa naman mahabol bukas eh, saka wag mo sisihin ang sarili mo dahil nakalimutan mo, alam ko naman kasi na marami kang ginagawa kanina kaya siguro nakalimutan mo 'yun." Sabi ko sa kanya habang nakangiti.


Totoo naman kasi, pwedi ko pa maihabol ang article bukas. Kahit ngayon pa ang deadline nun, pwedi pa naman maipasa bukas ng umaga dahil hindi pa naman ipprint ang mga yun, next week pa ang printing ng article namin sa school.


"Sigurado ka bestyy? Baka naman kasi-


"Stop! That's enough besty, don't blame your self anymore ok? Ako na ang bahala magpaliwanag sa kanila bukas, saka kahit naman na late na ang pag submit ko ng article tatangapin pa rin nila, remember they want my article to be publish." I smile at her genuinely.


"*sigh* ok.. pero besty sorry talaga ha, kung hindi ko siguro hiniram yun para sa article ko din..-


"Besty,! Ano ka ba! Paikot ikot nalang tayo eh, tsk saka sabi ko naman diba ok lang? Ay nako tara na nga magsisimula na yung first class natin eh, baka ma late pa tayo."


Saka ko siya hinila sa kina uupuan niya at derideritsong naglalakad papunta sa room namin. Ngayon na kasi ang huling araw kung saan namin ipapasa ang article namin para sa bago naming ipupublish sa monthly magazine namin sa school. Sosyalin ang school namin noh? Every month talaga may dapat kaming ma publish na magazine or school news paper.

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon