You and I Chapter 7

237 13 2
                                    

Alex' POV.

Kakatapos lang ng klase namin at nang ayain ko nang umuwi ang makulit kong pinsan ay tumanggi siya dahil may gagawin pa daw sila dalawa ng bestfriend niya. Nagtataka naman ako sa sinagot niya at dahil curious ako, palihim akong sumunod sa kanilang dalawa.

Para lang akong stalker nito, pero di bale gwapong stalker naman ako!

Nakita ko namang silang dalawa na paalis na sa room habang nagtatawanan pa, mga babae talaga kahit kailan, ang daming alam. Tinitingnan ko lang sila habang sinusundan ko sila ng palihim, syempre ayaw ko pahuli noh, lagot ako sa pinsan ko pag nahuli ako.

Ang sabi kasi niya huwag na daw ako sumama sa kanila, oh diba na echapwera pa ako ng sarili kong kadugo, tsk.

Pero dahil ibinilin din siya sa akin ni Tita bago ako tuluyang umuwi ng pilipinas ay hindi ko basta basta pabayaan siya, may pagka clumsy pa nama si Julie kung minsan, at kahit na hayaan ko nalang siya ngayon ay hindi pwedi dahil masama ang kutob ko sa kung ano man ang binabalak nilang gawin.

"Saan kaya sila pupunta?" Mahinang tanong ko sa sarili ko.

Palihim lang akong nakasunod sa kanilang dalawa na papalabas na ng campus namin, medyo may pinag-uusapan pa sila, at dahil medyo malayo akong nakasunod sa kanilang dalawa ay hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila, basta sinusundan ko nalang sila.

May mga estudyante nga na parang nagtataka kung bakit para ko daw sinsundan sila, pero paki alam ko naman sa sasabihin nila, tsk mga chismosa lang eh, hindi ko nalang sila pinansin dahil kailangan kong bantayan yung pinsan ko.

Syanga pala, alam kong kilala nyo na ako, dahil nagpakilala na ako noong nasa classroom ako nung first day ko dito, at pinakilala na din ata ako ni Julie pero syempre gusto ko pa din magpakilala sa inyo habang nakasunod lang ako sa pinsan ko at sa kasama niyang Bestfriend niya psh.

Yung bestfriend niya na akala na may relasyon kami ng pinsan ko tsk. Well, ako si Alexander Jhay Hernandez and syempre dahil nga transferee ako dito syempre galing ako sa ibang school, at syempre sa ibang bansa.

"Psst.. Bestyy dito tayo.. dagfaigf"

Hindi ko masyadong narinig yung sinabi ni Julie dahil ang hina at isa pa ang daming mga kotse na dumadaan, pinapanood ko lang yung mga kilos nilang dalawa at kung saan sila pupunta.

Riiinggg... Riinng...

"Sht!"

Dali dali kong kinuha ang phone ko na nasa bulsa ko lang, at napakunot ang noo ko nang makita kung sino ang tumatawag...

Sammy Calling....

Tiningnan ko muna yung dalawang sinusundan ko at...Walangya nawala bigla! Tsk. Hindi ko na nasagot ang tawag ni Sammy dahil palinga linga ako para hanapin yung dalawang sinusundan ko.

Ang bilis nilang nawala.

Riiingg... Riiiinnng...

Sammy Calling...

Sinagot ko na yung tawag niya dahil hindi ko na rin naman nakikita sina Julie.

"Hello..baby..Wh-what are you saying!" Halos pasigaw ko nang sabi sa kanya mula sa kabilang linya!

"No! You can't do that to me Samm! ..."

"H-how could you! Sht! No..noo...please don't do this.."

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon