Patty's POV.
"Tsk. Ano ba ang gagawin natin dito ha bruha?!" pabulong ngunit madiin kong tanong sa katabi kong si Julie.
Pambihira talaga, hindi ko alam kung bakit kami napunta sa lugar na 'to. Dahil lang daw sa gusto ng thrill ni Julie kaya hinila hila niya ako papunta dito. Akala ko pa naman kung saan lang kami pupunta dito pala niya naisipang pumunta..tsk. dito sa Amusement Park.
"Bruha halika dito bilis.! Ano pang tinatayo tayo mo jan!" Sabi niya sa akin. Nauna kasi siyang maglakad. Minsan hinihila niya ako para magtago at hindi ko alam kung ano o kung sino ang pinagtataguan niya.
Weird.
"Ano ba talaga ang gagawin natin dito Julie?" Tanong ko ulit sa kanya. Tiningnan naman niya ako at saka umayos ng tayo at lumilingon lingon pa ang bruha bago ako tiningnan ulit at saka ngumiti.
Isang ngiting alam kong walang magandang maidudulot.
"OH What's that smile Julie? Tsk."
"Uhm. Nothing Besty, at saka may dahilan kung bakit tayo nandito, gaya ng sabi ko sayo para naman may "Thrill" na mangyayari sa atin."
"And what's on your mind? Tsk. Kung gusto mo pala ng Thrill Julie bakit hindi mo akyatin ang mga Bundok hanggang sa tuktok." Sabi ko sa niya na napa cross arms pa at tinaasan ko siya ng kilay.
"Wag mo nga ako taasan ng kilay best, well una ayaw ko umakyat ng bundok noh at isa pa bakit ko pa yun gagawin kung pwedi namang ito yung gagawin natin." Sabay pataas baba yung mga kilay niya at saka ngumiti ng malapad.
"And ano naman yun aber?"
"Isa lang naman Besty at syempre bawal umayaw sa mga gagawin natin, at halika ka ibubulong ko sayo." Lumapit naman ako sa kanya.
Binulong niya sa akin ang gusto niyang mangyari, at hindi ko alam kung uumpisahan ko na bang tumakbo o sasapakin ko 'tong kasama ko sa mga pinagsasabi niya.
"A-are you damn serious Julie?!"
Tumango tango naman siya na parang sinasabi niyang "OO AT WALANG TATAKAS!" My gosh! Bakit ba ako ngkaroon ng ganitong bestfriend!
"Ano na best, sige na..." Sabay sign pa ng mga kamay niya na parang pinapaalis ako para gawin yung sinabi niya sa akin.
"Te-..teka bakit ako?" Turo ko pa sa sarili ko.
Bakit ako ang gagawa eh siya ang nakaisip ng trip niya! Lokong babaeng 'to.
"Kasi wala kang choice best, kungdi sige ka sasabihin ko kay 'Daryll' crush na crush mo siya at-
"Sshhh..." Sabi ko sa kanya at saka tinakpan ang madaldal na bibig niya, baka kasi may nakakilala sa amin dito at kung ano pa ang isipin nila! Napalingon lingon naman ako kung may nakarinig sa pinag usapan namin.
Clear! Wala.
"Hmmm..ahmm..arhsuhmmm,." Tiningnan ko naman siya at pilit na inaalis yung kamay ko na nakatakip sa bibig niya.
"Wag ka kasi magsalita about sa kanya best, baka may makakita sa atin na kakilala niya." Sabi ko sa kanya sa pabulong na paraan at saka ko inalis yung kamay ko mula sa pagtatakip sa bibig niya.
"Tsk. Ang dami kayang ganun na pangalan wag ka ngang paranoid best. Sige para fair nalang Jack En Poy tayo!"
"Tsk. Fine! Mga trip mo talaga best!"
Ngumisi lang siya at saka parang may tinitingnan sa likuran ko at saka binalik ang tingin niya sa akin.
"Sige na!"
