You and I Chapter 4

241 17 3
                                    

Patty's POV

Walang salita na lumabas sa akin, nakatingin lang ako sa mga mata niya habang papalapit siya sa kinauupuan namin. Nagtataka naman ang mg mukha ng nasa harapan ko kaya bigla ring napatingin si Julie sa likuran niya, habang si Alex ay binalik ang tingin niya sa phone niya.

Tiningnan ko siya ulit at naka smirk siya nang nakalapit na siya sa amin at huminto sa tapat ni julie- no sa mismong harapan ko.

"What?" Bigla kong tanong sa kanya.

"Clumsy girl." He said that two words and he suddenly walk away.

What?! What was that all about?

Hindi ko alam kung anong nangyayari, pero bigla nalang ako may mga naririnig sa paligid ko. Sino pa ba? Eh di ang mga echoserang Frog na mahilig sa mga chismis!.

"Diba yung guy na yun isa sa mga new student?"

"Oo, pero bakit kilala niya yung girl?"

"Baka may something sa kanila?"

"Tss. Ang swerte naman niya."

"Pero mas gwapo pa rin naman si Daryll- pero Gwapo din yun! Ohmy!"

"Yeah! Ang ggwapo nila noh? Pati yung kasama nung dalawang gurlalo ang gwapo pero mukhang girlfriend yung katabi niya?"

Napapailing nalang ako sa mga Bulungan nila, o kung bulong pa ba ang maitatawag sa mga pinag gagawa nila dahil mukhang nagpaparinig na sila, hindi na bulong eh.

Tinuloy ko nalang ang pagkain ko, medyo nagtataka ako sa inasal nung Asul na yun! Yes "Asul", yun ang tawag ko dun, asul kasi ang mga mata niya. Ang ganda pagmasdan pero ang sama naman ng ugali nun hmp.

Pero masama? Eh tinulungan ka pa nga niya kahapon diba? OH yeah I remember siya yung tumulong sa akin yesterday nung muntik na ako matuluyan sa pagkakahulog sa lupa.

Haist Ewan!

--

"Best uy!"

"Oh?" napatingin ako kay Julie

"Muntanga ka kasi jan eh! Anung nangyari sayo? Si D na naman ba yan?" tanong niya sa akin habang may pangiti ngiti pa itong nakakaasar.

"tss. Hindi noh!"

"Asus hindi daw."

"Hindi naman talaga eh.!" At saka ko siya tiningnan ng seryoso.

"Hmm eh bakit tulala ka ata? Kanina ka pa sa klase ah buti nalang hindi ka nahuli ng mga guro natin, tapos ngayon na tapos na yung klase natin tuleleng ka pa din?"

"Tss. May iniisip lang ako pero wag mo na iyon itanong. Hmp, so uwi na tayo?"

"Hindi, maiwan ka lang at uuwi na kami ni Alex."

"Alex?" Bigla kong tanong sa kanya. So sabay na pala si Alex sa uwian?

"Yup, sa bahay na din kasi muna tumitira si Pinsan ngayon, para din daw may kasama ako."

I gasped sa sinabi niya. So magkasama sila ng pinsan niya sa iisang bahay. Well at least may kasama na nga siya ngayon.

I nod at her.

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon