You and I Chapter 2

286 19 4
                                    

Patty's POV

Almost 6:30 na nang makarating ako sa bahay ng mga Madrigal. Ang bahay kung saan nakatira si Julie. Malaki ang bahay nila at nag-iisa lang siyang anak ng mga magulang niya, Kilala ang mga Madrigal sa larangan ng Fashion, Meron silang Branches ng "Clothing Line" kahit saang bansa. Kung naiisip nyong mayaman siya. OO mayaman ang pamilyang kinabibilangan ni Julie.

Bago pa man ako mag doorbell ay bumukas na ang Gate at nakita ko si Julie na palabas ng bahay.

"Hoy! Best saan punta mo?" Tanong ko sa kanya nang makalabas na siya ng tuluyan.

"Best! Nandito ka na pala, may bibilhin lang sana ako dun sa 7/11 eh, tara samahan mo muna ako hehe."

Tumango nalang ako at saka sumama sa kanya sa paglalakad papuntang 7/11 na medyo malapit lang sa bahay nila. Medyo malapit lang naman ang bahay namin sa bahay nina Julie kaya walang problema kung medyo gabihin ako ng uwi at saka naitext ko na rin naman si Mama na malalate ako ng pag-uwi ngayon.

"Besty, thank you talaga ha, kung hindi dahil sayo baka hindi ko magawa ngayong gabi ang dapat kung gawin para bukas eh lalo na sa article na sinusulat ko." Sabi niya sa akin habang hawak hawak niya ang binili niyang Vanilla Ice cream.

Minsan pag napapadaan kami ni Julie sa store na 'to Ice Cream kadalasan na binibili namin. Sosyal no? Pupunta lang ng 7/11 para sa isang ice cream. Anyway Rocky Road naman ang binili kong Ice cream, Pabalik na kami sa bahay nila. Wala ang mga magulang ni Julie ngayon dahil busy sila sa ibang bansa kaya ang mga katulong lang nya ang kasama niya at ang driver nila. Sad right? Pero that's life we have to accept it and just move on.

"Tara pasok ka muna best, saka pahatid kita mamaya kay Kuya Isko." Papasok na kami sa bahay nila at yung kuya isko pala na sinasabi nya ay ang driver nila.

"Kahit wag na best malapit lang naman yung bahay namin dito eh, pwedi na lakarin."

"Baliw ka ba?! Anong lalakarin? Hoy tumigil ka Pat! Alam mo namang Delikado dahil gabi na tsk."

"Oh Relax ka nga best! Eh kasi naman nakaka istorbo pa tayo kay kuya Isko."

"Psh. Basta papahatid kita."

Wala naman ako magawa kahit magpumilit pa ako dahil yun na ang decision ni Julie.

"Syanga pala best, bukas ko na pala ipakilala sayo yung dumating kanina na kasama ko."

Speaking of dumating, sino nga kaya yun? Talagang pa suspense pa ang babaeng ito noh?

"Sno ba yun best?"

"Basta!" Sabi niya na nakangiti. Ugh. Saya niya eh.

"Pala best salamat pala dito sa article mo ha, tama ka nga naiwan ko siya kanina dito sa bahay aish."

Napangiti naman ako habang binibigay niya sa akin ang Article na dapat pinasa ko na kanina.

"Best, ok lang saka bukas ko nalang ito ipapasa tnext ko na rin naman si Leo eh hihintayin nalang daw nila."

Tumango naman siya.

Magsasalita pa sana siya nang naramdaman kong tumunog na naman yung phone ko, kaya kinuha ko ito sa bag at nakita ko sa screen ng phone ko ang pangalang "Mommy"

"Hello?"

"Anak asan ka na? Mag aalas otso na hindi ka pa rin uuwi?"

"Nandito ako kina Julie ma, may hinatid at kinuha lang ako dito pero pa uwi na rin naman ako."

"Ok Sige mag-iingat ka ha."

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon