"Sige tatanggapin ko nang tapos na tayo.. pero bakit? Bakit Hu YiTian? Bakit mo 'to ginawa sakin? Parang awa mo naman oh, bigyan mo ako ng dahilan.." naka luhod pa rin ako sa kanya, naka tingin sa sahig. "Alam mo ba kung gaano ka sakit iwan ng taong mahal mo nang walang dahilan?""Na realize ko lang na si mae talaga yung mahal ko. Sapat na sigurong dahilan yun sayo?"
Shen tama na, Tama na, wag mo ng pahirapan yung sarili mo. Tapos na eh, tapos na tapos na.
"Oo sapat na" tumayo ako, ngumiti ako sa kanya habang di parin tumitigil yung mata ko sa kakaiyak.
Lumapit ako sa kanya at tumingin ako ng diretso sa mga Mata nya.
"Mahal pa Kita ngayon pero, eh to yung tatandaan mo, dadating din yung araw na titingin ako diyan sa mga mata mo. Sa Panahon na yun, Wala na akong kahit ano pang nararamdaman sayo"
Tinalikuran ko na siya. Tatalikuran kona lahat ng kung anong meron satin Hu YiTian.
Goodbye Hu YiTian....
*
Claire's POV:
Papunta ako sa bar ngayon dahil nag text sakin yung may ari ng bar na nag papakalasing daw dun si Shen yue at ayaw paawat. Tssk!
Nag drive ako papunta sa bar na tinext sakin na kung sino man. Good thing malapit lang siya sa hotel ni Dave kaya hindi na haggard ang beauty ko.
Nag park na ako sa tapat ng bar. Pag baba ko pumasok agad ako sa loob. Isang malakas na tugtugan ang bumungad sakin, amoy alak at puno ng usok ng sigarilyo ang makikita at maaamoy dito. Ghaaaad! I hate bar!
Nakita ko agad siya malapit sa may bartender nakaupo at halos mag paka lunod sa alak at umiiyak.
Hindi ako makapaniwala na wala na talaga silang dalawa. Parang kelan lang sobrang in love sila sa isat isa. Ano na naman kayang ginawang kabalastugan Ni Mae?
Hindi ako lumapit kay Shen yue. Ayokong makita niya ako. Gusto ko munang ilabas ang sama ng loob niya. Dahan dahan akong umupo malapit sa kanya.
Bakit ganun? Ramdam kona agad yung sakit na nararamdaman niya? Ang weird, ganun ba sya nasasaktan ngayon? Malamang! Tanga lang Claire, tanga lang?
"Hu YiTian... Iniwan mo na ako pero bakit nandito ka pa rin sa puso ko?" Umiiyak siya, pati tuloy ako nabalot na ng kalungkutan. "Kailan ba Kita makakalimutan? Pwede bang bukas na? Pwede bang pag gising ko? Sana mag ka amnesia na lang ako para makalimutan ko lahat"
Naawa ako kay Shen yue. Naiiyak na rin ako. Bakit ba nangyayari sa kanya 'to? Napaka totoong tao niya, napaka bait niya pa. Dahil best friend ko siya, nakita ko kung gaano siya mag mahal at mag pahalaga ng isang kaibigan. Ang hirap makahanap ng isang katulad niya. Kaya bakit nangyayari sa kanya 'to? Kung tutuusin napaka swerte na ni Hu YiTian dahil na kay Shen yue na lahat ng magandang anyo, kinulang nga lang sa height. Charr! Peace yow! Malas niya lang kasi pinakawalan niya ang nag iisang Shen yue.
"Bakit kailangan mong iparamdam sa akin na wala ng natira simula nung nawala ka?"
Hindi ko alam kung anong dahilan Ni Hu YiTian pero napaka laki niyang TANGA!. Bakit pinag palit niya si Shen yue sa bruhang yon? He's a jerk!
"Akala ko tayo hanggang sa huli Hu YiTian. Akala ko happy ending tayo"
"Hindi lahat ng oras, happy ending" sambit ko.
"Bessyq?" Napalingon agad siya sakin.
"Itigil mo yan Shen yue. Maawa ka sa sarili mo, hindi lang siya ang lalaki sa mundo" nilapitan ko siya at niyakap. "Minsan nakakagaan ang Pagiging madrama pero masyado Kang maganda para iyakan siya."
Bumitaw siya sa pag kakayakap sakin.
"Bessyq? Anong Ginagawa mo dito? Akala ko ba uuwe ka sa bahay niyo sa Canada?" Tanong niya, Hindi pa naman siya masyadong lasing.
"I'm here for you, imbis na umuwi ako samin nandito ako para damayan ka, andito ako para tulungan ka... Heller! Best friend kaya tayo!"
"Tulungan akong kalimutan si Hu YiTian?" Kalimutan agad?
"Hindi lahat ng pag iwas nag sisimula sa pag limot, may mga bagay na dapat pag sanayan mo muna bago mo tuluyang iwanan"
"Anong ibig mong sabihin?" Pinunasan niya ang mga luha sa mata nya at uminom ulit ng alak sabay tingin sakin.
"Alam mo maganda ka, pero tanga ka eh. Real talk yan kaya wag sasama yung loob mo. Shen yue, imbis na kalimutan siya, bakit hindi mo sanayin yung sarili mo na wala siya? Ganito ba talaga pag sobrang broken hearted nagiging slow?"
"Bessyq hindi ko maintindihan" halata naman eh.
"Hindi talaga! Payong kaibigan lahat ng sinabi ko sayo. Sino paba ang mag tutulungan kundi tayong mag kakaibigan lang" napa ngiti siya sa sinabi ko.
Pinunasan ko yung mga luha sa mata niya.
"Ang magaganda hindi umiiyak lang sa isang sulok, kailangan Maging palaban ka"
"Palaban?" Napaka inosente talaga ng best friend ko.
"Ano ganun ganun nalang yun? Lolokohin ka lang nila? Hindi pwede yun. Aba! Kung ako nasa posisyon mo baka nakalbo ko na silang dalawa"
"Sorry diko kaya manakit ng iba" sambit niya sabay lagok ulit ng alak.
"Tanga mo talaga! Bakit kaya naging best friend kita? Hindi ba pwedeng may gusto kang ipakita at ipamukha sa kanila?"
"What do you mean?" Nag tatakang tanong niya. Minsan gusto ko na syang batukan para maalog yung utak niya at gumising sa katotohanan.
"Shunga lang teh? Batukan talaga kita gusto mo? Syempre gusto Kong ipamukha mo sa kanila na di sila kawalan. Ipakita mo sa kanya na kaya mo kahit wala siya. Matuto Kang lumaban! Wag masyadong mabait, kaya laging naaabuso eh"
Natahimik sya sa sinabi ko. Siguro nag iisip siya tungkol sa mga sinabi ko. Aba dapat lang! Nasira yung bakasyon ko dahil sa kanya.
*
Shen yue's POV:
"Hi mom, dad and kuya, good morning!" Masayang bati ko sa kanila.
Ngumiti sila sakin at ginulo ni kuya yung buhok ko. "Kuya!" Si kuya talaga kung itrato ako parang Bata! Hmmf!
"Sorry na, sorry na. Na miss lang kitang asarin." Natatawang sambit ni kuya.
"Isang linggo na nung mahimasmasan ako sa katotohanang wala na talaga! Masakit isipin pero kailangan kong lumaban.
"Oy! Tama na yan!" Pag awat samin Ni mom dahil nag rarambulan na kami ni kuya. " Di paba kayo mag e-enroll?"
"Mag e-enroll na po mom" sambit ko.
"Ah.. mabuti pa samahan kana ng kuya mo para may mag bantay sayo kahit papaano"
"Mom! I do not want! I can do that myself. I'm not a child anymore"
"I know but---"
"Don't worry mom... I'm okay"
"Sabi mo eh"
New school, new Classmates New teachers and new...
Shen yue! Mabangis!
![](https://img.wattpad.com/cover/162716493-288-k275303.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms. Bitter/Mataray meets the Casanova Badboy's
FanficSi Shen Yue ay isang sikat na artista at model sa ibat ibang larangan ng magazine. Siya rin ang babaeng tinaguriang CAMPUS MALDITA/ BITTER QUEEN sa Minda University, dahil sa kanyang kabittera. Hate na hate nya yung mga couple na madadaanan nya. Hin...