Nakadukdok ako sa table ko ng may naramdaman akong umupo sa tabi ko at ramdam ko rin na may kasama pa siyang iba. Haysst! Siguro mga fans ko na naman to. Yaww kona pagod nako."Aytss! Pwede bang mamaya or bukas nalang kayo mag pa picture at mag pa autograph? Please? Pagod na po kasi ako eh." Walang ganang sambit ko.
"Hahaha!" Tawa nila, kaya agad akong napatingin sa kanila. Tinaasan ko sila ng kilay. Anong nakakatawa sa sinabi ko aber?
"Kayo na naman?!" Gigil kong sabi sa kanila. Natatandaan ko sila, sila yung mga bwiset na na meet ko nung unang tungtong ko sa paaralan na'to. Napadako yung tingin ko sa lalaking weird ang buhok. Siya yung lalaking slow. Yung humalik sakin sa cafeteria.
"Hoy! Ikaw mr. Pineapple head / manyak, where's my phone?" Tinuro ko yung lalaking dylan or dylam ata ang pangalan. Ah basta kahit sino pa siya wala akong pake. ang mahalaga lang sakin ay makuha ko yung phone ko sa kanya.
"Pfffft! Anong sinabi mo ms. Masungit? Pineapple head? Haha!" Tanong ng mga kasama niya at sabay sabay nag sitawanan habang hawak hawak pa nila ang kanilang tiyan sa kakatawa.
Tinignan sila ng masama ni pineapple head para tumigil sa kakatawa, agad naman silang tumahimik. Tssk! Mga bahag ang bundok. Yan lang ang kinakatakutan nila?
"What did you say?" Seryosong saad niya.
"Binge lang? I said, Where's my phone?" Ulit ko sa kanya.
"Ah, Yung phone mo ba? Sinangla kona, ang pangit kasi." Nakangising sambit niya. Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya.
"WHAT THE HELL?! Bakit mo sinanla? Hindi mo ba alam na mahalaga para sakin yung phone na yun?" naiinis na sigaw ko sa kanya.
"Oops! Sorry diko kasi alam eh."
"Hmmf! Bwiset ka! Naghihirap kana ba at sinanla mo yung phone ko?" Sigaw ko ulit sa kanya.
"Hindi ko alam na masungit at laitera ang hinahangaan nilang lahat." Sarkastikong sambit niya.
"Hindi ko ikakaila na maldita ako. Eh sa ganito na ako eh paki niyo ba?!" Sa sobrang inis ko tinalikuran kona sila. Kaasar panira ng beauty ko.
Naglakad ako papunta sa cafeteria, nagugutom na kasi ako eh. Buong section pa naman ang nag pa picture at nag pa autograph sayo hindi ka magutom. Ngiti dito, ngito dun, wacky. Ngawit yung ngalangala ko. Bwiset!
Dylan's POV:
Pagkalabas ng pagkalabas ni shen yue, yung babaeng napaka laitera at ubod ng sungit. Nainis ako dahil Hanggang ngayon hindi pa rin sila tumitigil sa pag tawa dahil sa ginawang pang iinsulto sakin nung babaeng yun.
"Nakakatawa nuh? Ha. Ha. Ha!?" Sarkastikong sambit ko. "Mga bwiseeet!" Tuluyan na akong lumabas sa classroom dahil sa inis sa mga kaibigan ko.
"Hey! Didi, joke lang kaw naman kasi eh taob ka kay Ms beautiful. Hahaha!" Tawanan na naman sila.
"Hahahaha!" Pekeng tawa ko sa kanila. "BALIWWWW!" Inis na sigaw ko sa kanila.
Nag diretso ako sa pag lalakad patungo sa cafeteria. As usual sigawan at tilian na naman ang mga fans namin. Diba sila titigil kakasigaw? Hindi ba sila napapagod kakatili? Haysst! Sana mapaos na sila kakasigaw. Isa kasi kaming sikat na model sa isang magazine at dala na rin ng kagwapuhan kaya kami tinitilian.
"Kyaaaah! Andiyan na ang apat na Casanova!" Tili ng isang babae.
"Oh my gosh! Girl Palapit na sila rito." Kilig na kilig na sambit ng isang babae. Habang inaalalog ang kaibigan niya.
"Dylan wang ang gwapoooo mo!"
"I know! I know, kaya wag niyo ng ipag sigawan." Pag yayabang ko sa kanila.
"Tssk! Ang hangin sobra." Napatingin ako sa babaeng nag salita. At nainis na naman ako dahil si ms. Mataray na naman ang umeksena.
Hindi ko nalang siya pinansin at umupo na sa table namin. Malapit kay shen yue.
"Katahimikan!"sigaw ko at huminto naman sila. "Good, sakit sa tenga eh."
"Tssk!" Mahinang sambit ni shen yue. Kaya napatingin na naman ako sa kanya.
Pssh! Kahit kelan papansin tong babae na 'to- bulong ko.
Pinag masdan ko siya, habang hinhintay ko yung order namin.
Lumapit sa kanya ang mag kapatid na jin.
"Excuse me" sambit ni janelle. Kaya napatingin naman sa kanya si shen yue.
"What?" Taas kilay na tanong ni shen yue.
"Tssk! Ayaw ko ditong kumain ate, diko type yung pag kain dito." Arteng sambit ni shamelle.
"Ang pa-panget niyo naman. Makapag inarte kayo akala niyo pang beauty Queen ang mukha niyo!" Mahinang sambit ni shen yue.
Palihim akong napa ngiti sa pagiging pintasera ni shen yue. Reyna talaga 'to ng katarayan. Bilib din ako sa babaeng 'to eh, masyadong matapang hindi niya naman kilala tong magkapatid na 'to. Napapangiti ako dahil pigil na pigil sa galit ang magkapatid.
Shen yue's POV:
Nang matapos na akong kumain, nakita ko sina dave at Claire sa labas. Lalabas na sana ako ng may humarang sa dadaanan ko pssh! Tong maarte at feeling maganda na magkapatid na'to na naman.
"Excuse me! Nakaharang ka sa dinadaanan ko." Taas kilay kong sambit sa kanya.
"Ayyy! Sorry akala kk kasi kung sinong panget lang." Gusto ko 'to palaban. Bigyan ng leksiyon yan.
Ngumiti ako. " Do you know what's the real meaning of ugly? Just look at your self in the mirror and you'll see the answer."
"How dare you?! Inis na sagot ng babaeng kaharap ko.
"I'll kick you, kung ayaw mong tumabi diyan!" Mahinahong sambit ko ngunit may pag babanta.
Tumabi siya ng konti. "Masunurin naman pala eh."
"Asa ka!" Kinuha niya ang juice na nasa tray at pasimpleng tinapon sa uniform ko.
"FUCK!!!" Pag sigaw ko.
Halos lahat ng estudyanteng nasa loob ng cafeteria nakatingin samin. Buti at kokonti lang sila at halos kaklase ko yung iba. Pinagpag ko ang uniform ko nabasa kasi ang blouse ko at palda ko.
Ngumisi siya. "Ayyy, sareeehh! I didn't mean to do it"
"It's okay" mahinahong sambit ko. Mamaya ka lang sakin.
Napatingin ako sa pwesto ng apat na kalalakihan kina dylan wang. Halos lahat sila nakatingin sakin. At ani mo'y tuwang tuwa sa napapanood nila. At yung iba naman ay bakas sa mukha nila ang pag aalala.
Watch me who's the real maldita!
- bulong ko.Lumapit ako sa table na malapit kina dylan wang.
"Ayos ka lang ba ate shen yue?" Nag aalalang tanong ng isa kong kaklase. Ngumiti at tumango lang ako sa kanya.
"Sure po ba kayo ate shen?" Tanong naman ni vien.
"Wag niyo nalang po silang patulan masama po talaga ugali ng mag kapatid na Jin na yan. Sila si janelle at Shamelle."
"Wag kayong mag alala sakin. Hindi pa tapos ang palabas." Nakangiting wika ko.
"A-anong ibig mong sabihin?"
Ngumiti ako. "Watch me guys!"
-----
Don't forget to VOTE and COMMENTS...
Follow me on WATTPAD:
Maikanierdycute if you want!Mamats fo😇💕
BINABASA MO ANG
Ms. Bitter/Mataray meets the Casanova Badboy's
Hayran KurguSi Shen Yue ay isang sikat na artista at model sa ibat ibang larangan ng magazine. Siya rin ang babaeng tinaguriang CAMPUS MALDITA/ BITTER QUEEN sa Minda University, dahil sa kanyang kabittera. Hate na hate nya yung mga couple na madadaanan nya. Hin...