Act I : Quest 4

50 4 1
                                    


"Homunculus"

Pabalik na sila Cloud, Flakes, Walter at Jin kasama si Seo-yun mula sa pangagaso at kasama ang mga mangangaso ng maliit na kumunidad na napuntahan nila. Bago pa makarating sa kumunidad ay may naamoy na kakaiba ang magkakaibigan.

"Naamoy nyo ba yun?"

tanong ni Walter.

"Oo.. amoy ng dugo ng tao.."

sagot ni Cloud at mabilis silang nagtungo sa kumunidad.

Nang makalabas sila sa kagubatan ay tumambad sa kanila ang duguang bangkay ng ilang tao. Napansin nila ang isang babae sa gitna habang hawak nito ang spear na may tumutulo pang dugo. Nasa paanan ng babae ang katawan ni Adolfo na tumulong sa kanila.

Nakita nila ang batang si Marie na yakap ng ina nito na hindi kalayuan sa babae. Kasunod na dumating ang mga lalaki na mangangaso ng kumunidad.

"Nandyan na pala kayo.. kanina ko pa kayo inaantay.."

wika ng babae.

"Alanza!!"

sigaw ng isang lalaki na kasama nila mangaso.

Tumakbo ang lalaki papunta sa isang bangkay.

"Sandali!"

sigaw naman Jin upang pigilan ang lalaki.

Nang makalapit ang lalaki sa bangkay ay biglang sumulpot ang babae sa tabi nito at itinarak sa katawan nito ang hawak na sandata ng babae. Natulala sila Cloud at mga kaibigan nya sa bilis ng pangyayari. Muling tumindig ang babae at tumingin sa kanila, at umihip ang hangin.

Napansin nila Cloud at Flakes ang isang kakaibang marka sa noo ng babae. Kulay itim ito na nakabaliktad na krus at nasa loob ng isang tila baliktad na bituin.

"Napansin mo ba ang nasa noo nya Cloud?"

tanong ni Flakes.

"Oo.. yun ang tatak ng isang homunculus.."

sagot ni Cloud.

"Homunculus? Yung nilalang na parang tao na ginawa ng isang alchemist?"

tanong ni Jin.

"Oo.. isa itong pinagbabawal na alchemy..hindi sya engkanto at hindi din isang tao.. pinaniniwalaang wala silang kaluluwa.. at hindi din sila galing sa demonyo o sa langit.."

paliwanag ni Flakes.

"Kung ganun.. ano ang homunculus?"

tanong ni Walter.

"Gawa ng isang tao mula sa kanyang talino at imahinasyon.."

sagot ni Cloud.

"Kinikilabutan ako.. pero ibig sabihin ba nun? Mas mahina sya sa tao?"

wika ni Jin.

"Nakita mo ba yung bilis nya? Imposibleng mas mahina sya sa tao.."

tugon ni Walter.

Humakbang si Cloud paabante para kausapin ang babae.

"Isang kang homunculus.. sinong nag-utos sayo.. na gawin ito?"

tanong ni Cloud.

"Huh? Walang nag-utos sakin.. desisyon ko ito.. dahil mamamatay din naman sila.. oras na nabuksan na namin ang tarangkahan ng impyerno.."

sagot ng babae.

"Anong ibig mong sabihin na walang nag-utos sayo? Kung ganun sino ang gumawa sayo!?"

Cloudberry and the gate of hell (book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon