Act I : Quest 1

71 2 1
                                    


"Forest"

Isang umuulan na gabi, may tumalon sa isang roof top ng gusali upang tumawid sa kabila pang gusali. Limang mabibilis na nilalang ang tumatakbo at nagpapalipat-lipat ng gusali. May mga sumusunod sa kanila at tila tatlong aninong kumikilos din ng mabilis.

Huminto ang limang nilala nang mapansin nilang masyado ng malayo ang kasunod na gusaling maaari nilang talunan. Dumating din ang tatlong sumusunod sa kanila, sa rooftop na kanilang hinintuan.

"Akala nyo ba talaga.. matatakasan nyo kami?"

wika ng isang babae at lumabas ito sa anino ng tila silid na nasa rooftop.

Natakot ang limang nilala nang makita nila ang dalagang may nakataling kulay itim na buhok at asul ang mga mata. May hawak itong japanese sword at nakasuot ng mahabang itim na leather jacket.

"Mga goblin ang mga iyan diba?"

tanong naman ng lalaking lumabas din sa anino.

Kulay brown ang buhok nito, may pulang mga mata at mapapansin ang pangil nito na nakalabas sa mga labi.

"Oo.. hindi ko alam na interisado din pala sa agimat"

tugon ng babaeng lumabas din sa anino.

May mahaba itong kulay brown na buhok na aabot na baywang, kulay brown din ang mga mata nito at mapapansin na sya ang pinakamatangkad sa tatlo.

Napaatras ang limang nilalang na may kulay berdeng balat at may matatalas na ngipin. Malalaki ang mga mata nila at ang tainga ay mahaba at patulis ang dulo.

"Mabuti pa.. isoli nyo na yang ninakaw nyo.. at hahayaan na namin kayong makaalis.."

utos ni Cloud.

"Hahayaan mo silang makaalis? Eh paano kung bumalik ulit ang mga iyan.. at nakawin ulit ang agimat?"

tanong ni Walter.

"Huwag ka ng maingay diyan.. syempre kunwari lang yun!"

inis na sabi ni Cloud.

"Wag na kayong mag-away diyan.. tignan nyo patakas na sila.."

sabi naman ni Flakes.

Nakita nilang tumalon ng gusali na nagpahulog sa gusali ang mga goblin.

"Ay kasalanan mo to.."

inis na sabi ni Cloud at tumingin sa binata.

"Teka! Bakit ako!?"

gulat na tanong ni Walter.

Habang nahuhulog ay itinarak ng mga goblin ang hawak nilang sandata sa pader ng gusali, upang mabawasan ang bilis ng kanilang pagbagsak. Sumunod naman ang tatlo at tumalon din sila sa gusali.

Naunang pabagsak ang kanilang ulo upang makita nila ang mga goblin. Inilabas ni Cloud ang muramasa at inihataw sa isang goblin. Binunot naman ng goblin ang kanyang sandata sa pader upang salagan ang atake ng dalaga.

Nagbanggaan ang sandata nila habang nasa ere. Si Flakes naman ay hinampas ng palakol ang isang goblin ngunit nakaiwas ito. Lumagpas ang dalaga sa goblin at itinukod nya ang paa sa pader ng gusali saka tumakbo paakyat.

Nagulat ang goblin sa ginawa ni Flakes at hindi na nito naiwasan ang pahampas na palakol. Bumaon pa ang goblin sa dingding ng gusali nang tamaan ito ng palakol ni Flakes. Hinampas ni Walter ang isa pang goblin habang nasa ere ngunit nakaiwas ito.

Subalit bago mauna sa pagbagsak ang binata ay nahawakan nya sa ulo ang kalaban. Ikinaladkad nya ang ulo ng goblin sa pader ng gusali habang bumabagsak sila, at nasisira ang pader na inaararo ng ulo nito. Nabitawan naman ng goblin na kaharap ni Cloud ang espada nito.

Cloudberry and the gate of hell (book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon