Act I : Quest 3

56 5 1
                                    


"Anvil"

Nagulat nalang si Cloud nang makita nyang may mga ugat ng punong kahoy sa lupang inaapakan ng batang babae. Lumusob ang mga ugat na ito papunta sa kanya at inilabas nya ang kanyang katana para hiwain ang mga ito.

"Pasensya ka na.. pero may kaibigan akong marunong din gumawa ng ganyan.."

wika ni Cloud.

Ngumiti lang ang batang babae sa kanya at naramdaman ng dalaga na may gumagalaw sa ilalim ng lupa na tila may gusto kumawala. Unti-unting bumangon ang mga nilalang mula sa ilalim ng lupa sa paligid ng batang babae.

Para itong mga tao na gawa sa katawan ng puno at ang mukha ng mga ito ay parang naagnas na mukha ng tao. Nasa anim ang bilang ng mga ito at nang makatayo ay mabilis itong lumusob kay Cloud. Inihampas lang ng isang beses ng dalaga ang kanyang katana sa hangin at agad na naputol ang katawan ng anim na nilalang na lumusob sa kanya.

"Wala akong oras makipaglaro.. mabuti pa.. sagutin mo na ang tanong ko.."

sabi ni Cloud at nagsimula itong maglakad papunta sa bata.

Nagulat nalang ang dalaga nang biglang may lumabas pa na isang taong kahoy sa lupa na kanyang tinutungtungan. Saktong sa harapan nya mismo lumabas ang nilalang at may binuga ito sa kanya na kulay berdeng usok.

Nahampas ito ni Cloud ng kanyang katana at nahati ang katawan nito ngunit nagawang malanghap ng dalaga ang ibinugang usok sa kanya. Napaluhod ang dalaga sa lupa at naitukod nya ang kanyang espada. Pumikit ang mga mata ni Cloud at hindi nya ito maidilat, kasabay nun ay ang unti-unting pamamanhid ng kanyang katawan.

"Masama ito.. nalason ata ako.."

bulong ng dalaga.

Mula sa malaking puno na nasa likod ng babae ay may mga lumabas na tila tinik na kahoy, palusob kay Cloud. Naramdaman ito ng dalaga at kahit hindi nya ito nakikita ay nagawa nyang iwasan ang mga ito. Tumayo at tumakbo papunta sa kaliwa si Cloud para iwasan ang mga tinik na patusok sa kanya.

Tuloy-tuloy namang naglabas pa ng mga tinik ang malaking punong kahoy at tuloy-tuloy din tumusok ang mga ito papunta sa dalaga. Habang iniiwasan ang mga tinik na kahoy ay tumakbo si Cloud papunta sa bata. Bigla namang may tumubong punong kahoy sa kanyang hinakbangan at itinulak sya nito palayo sa bata.

Tinulak si Cloud ng punong kahoy hanggang sa ibangga sya nito sa katawan ng isa pang puno. Hindi makagalaw ang dalaga habang nakaipit sya sa dalawang puno. Tuluyan nang namanhid ang buong katawan ni Cloud at hindi na ito gumalaw.

Nang mapansin naman ito ng batang babae naglakad ito palapit sa dalaga. Nang makalapit ang bata kay Cloud ay bahagya nitong itinaas ang kamay at naging isang matulis na kahoy ang kamay nito. Itinusok ng bata ang kamay nito sa leeg ng dalaga ngunit bago pa ito umabot sa leeg ng dalaga ay agad syang napahinto.

Nagulat nalang ang bata ng matapos nyang marinig ang isang putok ng baril ay nakita nyang may dugong tumutulo mula sa kanyang dibdib. Napansin nalang nya ang kanang kamay ni Cloud na may hawak na baril at nakatutok ito sa kanya.

"Sinabi ko naman sayo.. wala akong oras makipaglaro.."

wika ni Cloud at tuluyang natumba ang bata at nawalan ng buhay.

Lumuwag na din ang pagkakaipit sa kanya ng isang punong kahoy ay bumagsak ang dalaga sa lupa habang nakasandal pa sa isang puno. Tuluyan ng nawalan ng malay si Cloud ng mga sandaling iyon at hindi na nya alam ang mga nangyari.

Inabot na ng umaga sila Flakes, Jin at Walter sa paghahanap kay Cloud. Nakita nila ang kaibigan na nakasandal sa ugat ng isang malaking puno habang nasa tabi ni sa kaliwa ang muramasa at hawak nito ang wolf killer sa kanang kamay.

Cloudberry and the gate of hell (book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon