Act II : Quest 5

45 3 1
                                    


"Ice world"

Bumalik si Cloud sa maliit na kumunidad nang hindi na nya magawang habulin pa amg lalaking pumatay sa homunculus. Naabutan nya ang mga tao sa lugar na iniaayos ang mga bangkay ng kanilang mahal sa buhay. Nakita sya ng mga bata at agad na lumapit sa kanya.

"Ate!!"

sigaw ng mga batang tumatakbo papunta sa kanya habang umiiyak.

"Si papa.. patay na sya.."

iyak ni Marie habang nakayakap sa dalaga.

Hindi na nagsalita si Cloud at yumuko nalang sya saka niyakap ang mga bata. Nakatingin naman sila Flakes, Jin at Walter sa kaibigan habang dinudumog ito ng mga bata.

"Alam mo.. sa tagal kong nakakasama yan si Cloud.. ngayon ko lang talaga nalaman na malambot din pala ang puso nyan.."

wika ni Jin.

"Talaga? Bakit.. ano bang ugali nya dati?"

tanong ni Walter.

"Sadista kaya yan.."

inis na sagot ni Jin.

"Napansin ko lang naman ang pagbabago nya.. simula nung nabawi nya yung baril ng mama nya.."

wika ni Flakes.

"Ah siguro nga dahil yun dun.. saka ilang beses na din nagpakita sa kanya ang mama nya diba?"

tugon ni Jin.

Dumating naman ang maliit na kumiho at nagpunta sa balikat ni Flakes.

"Oh Seo-yun.. saan ka ba galing? Nawala ka bigla sa gubat.."

tanong ng dalaga sa kumiho.

"Ah.. naghanap ka pala ng makakain.."

wika ni Flakes.

Ilang sandali lang ay lumapit si Cloud sa katawan at ulo ni Minerva. Dinampot nya ang nakangiting ulo ng babae at ipinatong sa katawan nito, saka binuhat ni Cloud at tahimik na dinala sa kagubatan. Nakatingin lang ang mga bata at nagtataka sa kanyang ginawa.

"Ate!! Saan mo sya dadalhin?"

tanong ni Marie nang lumapit ito sa dalaga.

"Ililibing ko sya.."

sagot ni Cloud.

"Bakit mo pa sya ililibing!!? Sya ang pumatay sa papa ko! Pati na din sa iba!"

galit na sabi ng bata.

Tumingin si Cloud sa mga bata at binigyan ito ng magandang ngiti.

"Alam kong malaki ang kasalanan nya sa inyo.. pero nagawa nya yun dahil sa galit sa puso nya.. dahil namatay din ang isa sa mahal nya sa buhay.."

wika ni Cloud.

"Kahit na!! Hindi yun dahilan para patayin nya ang papa ko!"

galit at umiiyak na sabi ni Marie.

"Kaya nga.. dapat hindi ka magalit sa kanya.. dahil nagalit din sya nung namatayan sya.. gusto mo din bang matulad sa kanya?"

tanong ni Cloud sa bata.

"Ayaw ko!! Masama sya eh!"

sagot ng bata.

"Kung ganun.. dapat matuto kang magpatawad.. tanggalin mo ang galit mo.. at hindi ka magiging masamang tao.."

tugon ni Cloud at nagpatuloy na ito sa pagpunta sa gubat.

Hindi na nakapagsalita ang mga bata at iniisip ang mga sinabi ng dalaga.

Cloudberry and the gate of hell (book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon