Chapter 11: Sembreak

380 14 5
                                    


A/N:

Hellooooo!! Buhay pa ako joke, sorry sa super duper tagal na update. Very very busy po talaga ako sa studies, lalo na sa thesis. HUMSS student pa naman ako kaya puro paperworks. Im sorry for the wait people. ಥ_ಥ

__________________________________

Yana's POV

Good news dahil sa pagrereview naming tatlo pumasa kami, bonus na lang na nasama kami sa top.

Tapos na lahat ng gawain namin at sembreak na. Naalala ko tuloy kung anong ginawa ko nung nakaraang sembreak. Ayun tambay lang sa bahay. Yung mga nararansan nilang mga bakasyon ata pahinga, never kong naranasan dahil sa mahirap lang ako at wala na akong magulang. Ako na lang ang nagtataguyod ng sarili ko. Sa pamamagitan ng naiwang shop na pamana ng angkan ko, binubuhay ko ang sarili at nasusuportahan ang pag-aaral. Kaya nga minsan naiinggit ako sa mga nagbabakasyon eh. Alam nyo yung feeling na pagbalik nila galing sembreak, ma-OOP ka sa kwentuhan nila about sa bakasyon nila. Tapos sa harap mo pa talaga. Manhid lang..hayyy..

Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Iniisip ang mga kagagahan ko sa buhay.Wala pa ngang mahal na araw.Nagninilay-nilay na ako eh. K payn. Wag nyo na lang akong pansinin. Nagdadrama lang, wala kasi akong magagawa na naman sa bahay eh.

*Ding dong!!!*

"May tao ata"

Pagbukas ko ng pinto nagulat ako sa nakita ko... Hayyy,,, antagal ko na rin pala siyang di nakakasalamuha no? Busy kasi kami ng friends ko sa pagrereview.. Parang... ayy ewan..

Allen's POV

Sa wakas sembreak na, antagal kong hinintay to.. Lagi na lang kasing busy si Witch sa pagrereview, di ko naman sya masisi, kahit ako nga eh.. Kahit di ako katalinuhan, nagrereview ako, dahul gusto kong gumaraduate , kahit walang top basta pasado. Ok na sa amin yun..

Gusto ko sanang yayain si Witch na magbakasyon sa Probinsya namin. Para naman maranasan niyang makapagpahinga man lang, tingin ko sa kaniya puro trabaho, inaatupag nun eh.. tsaka pa mag-isa na lang yun sa buhay..kaya parang malungkot pa yun, lalo na kapag may okasyon siguro tulad ng pasko..kaya naman, tama yung naisip kong yayain sya..

Papunta ako sa bahay niya ngayon..

*Ding dong**

Bumukas ang pinto at iniluwa ang isang babae na mukhang kinain na ng bagot at lungkot sa buhay nya..

hahaha.. si Witch pala yun..kawawa naman to..

"Anong kailangan mo Allen?" nakasimangot na sabi niya

Napangiti ako sa mukha niya.

"Ahmmm... Gusto sana kitang yayain na magbakasyon sa probinsya namin..if you dont mind..kasi napapansin ko, unti lang ang pag-uusap na naganap sa atin nung pasukan at pansin ko sobrang busy mo mo rin sa trabaho mo sa shop mo, kaya baka its time to you know, relax a bit  ""  medyo alinlangang kong paalam sa kaniya.

Bigla syang  ngumiti ng malapad at nagsabi ng ....

" Oo naman!!! antagal ko ng hindi nakakapagbakasyon sa buong buhay ko... Salamat sa pag-imbita ha..ang sweet mo naman Allen"  nakangiting sabi niya.

Medyo nagblush ako sa marinig ko... Buti na lang pumayag siya 

"walang anuman, basta para sayo, ahh este para sa kaibigan ko"

Pinalo niya ako ng mahina sa balikat ko..

"sweet mo.dun..hahaha...anyways kailan ba yan??"

"ahhh..hahahaha...bukas na, sunduin kita sa inyo bukas ha. . magdala ka ng damit.. wag ka mag-alala sagot ko pamasahe mo..lahat lahat.."

"Uyyy.thanks talaga ha...sige bukas..g ako!!!"

"Sige salamat rin sa pagpayag"










Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Witch Girl #PrimoAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon