DQ - 5

14 0 0
                                    

" Easy fight?" Tumango ako kay Park. Habang si Max naman ay nakangiti dahil ibig sabihin ay mayroon na siyang bagong kotse.

" And the Deviant Queen is still undefeated" Nakangiting sabi ni Ced. Maya maya ay may pumunta sa table namin dala dala ang isang cheque, Envelope, at dalawang remote keys.

" Oh Park, Ikaw naman ang lumaban para dalawa ang makukuha kong kotse ngayon" Sabi ni Max habang sinisiko si Park na busy-ng umiinom.

"Bakit hindi ikaw ang lumaban? Nangangalawang na ba ang skills mo?" Pang aasar ni Park. Tumawa naman si Max at siniko uli si Park.

" You wish. May date kasi ako bukas bawal ako magalusan" Sagot ni Max habang pinaglalaruan ang susi sa kamay niya.

"Sabagay, Baka mabawasan ang kagwapuhan mo. Paubos na nga tapos babawasan pa" Seryosong sagot ni Park kaya naman napatawa ako dahil kita sa mukha ni Max na sasagot pa siya pero tinalikuran na siya ni Park.

" Let's go back to school" Yaya ko na sa kanila. Sabay silang tumingin sa akin at umiling.

"Baka nalilimutan mong may tama ka sa hita" Tinignan ko ang tama ko sa hita, Hindi naman gaano masakit. May kirot lang ng kaunti at di narin naman dumudugo. Kita ang dalawang butas sa leather pants ko.

"Halika na, Gagamutin nalang kita sa kotse" Kinuha na nila ang mga gamit ko at inalalayan nila ako palabas.

We waved Ced a goodbye and we left the place. Nang nasa kotse na kami ay nilinis ni Park ang sugat ko while Max injected the Antidote.

Hindi naman kami sigurado kung ano ang meron sa bala nila but just to make sure, Kada gunshot wound na nakukuha namin ay talagang antidote na agad ang sunod.

Max called his butler at ipinakuha ang dalawang kotse na nakuha namin kanina. He drove my car habang ako naman ay kay Park muna sumabay.

We drove back to school dahil may kukunin daw saglit si Max sa locker niya. Nang nakarating kami sa school, Iniintay namin sa parking lot si Max. Habang si Park naman ay busy na naglalaro sa phone niya.

Kinuha ko ang salamin ko. Saka ko lang nakita na may mababaw na hiwa ang leeg ko kaya naman kita ang dugo sa may bandang dibdib ko. Halos hindi ko din namalayan kanina na tinamaan pala ako ng bala sa braso.

"Oh i thought mamaya pa ang uwi nila" Park said while looking at our friends.

Nilagay nila ang gamit nila sa kotse nila at dumeretso sa kotse ni Park. Binuksan niya ang window sa side ko.

"Akala ko mamaya pa ang uwi niyo?" Tanong ko kay Sab na malapit sa akin. Bago niya ako sagutin ay tinignan niya muna ang sugat ko sa leeg at dahil may konting dugo na natuyo kaya niya siguro nakita.

"Early dismissal dahil nagpatawag daw ng meeting si Tita Macey. Dumating sila kanina kasama si Tito Stephen. Hinahanap ka kaya ang sabi namin ay may lakad kayo nila park" Tumango ako. So my mom and dad is back.

"Sino nakalaban mo? Hindi man lang kayo naghintay!" Irap na sabi ni Aline. Habang sila Charity naman ay nakasandal sa kotse ni Travis. Nakita ko din sa Travis na nakatingin ng deretso sa akin sabay bumaba iyon sa leeg ko. Hindi ko nalang pinansin at iniwas ko nalang ang tingin ko.

"May klase daw kayo sabi ni Brent. Kaya hindi na namin kayo hinintay. Nakita lang namin si Shan, Kaya sinama namin. You know, It's good to have her back" Nakangiting sabi ni Max. Hindi ko napansin na nakabalik na pala siya hawak ang mga libro niya.

"Let's just continue our talk sa estate. I'll cook for us" Sab announced. Kanya kanya na silang bumalik sa mga kotse nila. When Park closed the window, Agad siyang nagsalita.

Deviant QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon