DQ - 12

7 0 0
                                    


"Tanginang yon naka-isa pa sakin. Gusto ko talaga tumawa nung nasapak ako, Kaso baka suntukin ako lalo"

We decided to stay here sa Estate. Bukod sa mas malapit, Dito din siya may mga gamit. Tahimik na ang buhay ko ngayon knowing na wala si Aubrey sa Mansion.

"Bakit ka naman hindi gumanti? Nakakahiya ikaw pa naman manok ko don!"

"Anong gaganti! Eh natatawa nga ako. Uupo sana sa ibabaw ko yung babae kanina, Hinila ako ng gago patayo saka ako kinwelyuhan. Muntik malaglag yung babae kaya halos matawa ako. Saka galit na galit yung ex mo baka isahan pa ko" Ganadong kwento ni Reed. Nasa lapag siya ngayon nakahiga. Kinuha niya ang manipis na kutson sa ilalim ng kama sa guest room at inilatag sa may lapag ng kwarto ko.

Ewan ko ba kung bakit hindi nalang siya sa guest room matulog. Hindi tuloy ako makatulog nang maayos dahil nanonood siya ng Action movie habang umiinom ng beer.

Hindi ko na namalayan kung anong oras ako naka-tulog. Basta ang alam ko nang nahiga ako ay busy pa din si Reed manood ng movies. Hindi ko na din nahintay na umuwi ang iba dahil nakatulog na ako.

I woke up because of Reed's loud alarm. Iritable akong bumangon at nakita ko siyang naghihilik pa sa lapag.

I pulled his hair to wake him up. I heard him moaned and slightly opened his eyes but he slept again after that.

I stood up and kicked his arms. Antok na antok pa ako nang tumayo para patayin ang alarm ni Reed. Paano kasi bakit sa sofa pa iniwan kailangan ko pa tuloy bumangon.

It's 11 in the morning at tirik na ang araw. Sa sobrang inis ko kay Reed dahil sa alarm nya ay binuksan ko ang curtain para dumerekta sa upper body nya ang sikat ng araw.

Tanghali pa man din kaya sigurado akong maya maya ay mag rereklamo na ang isang iyon.

I did my stretching in the balcony. Tahimik pa sa baba siguro ay tulog pa din sila dahil siguradong late na sila nagsi-uwi kagabi.

After finishing my morning rituals, I took a bath. Nasa kalagitnaan ako ng pagligo nang narinig ko na ang inaasahan kong sigaw mula sa kwarto.

"HOY! Ano kala mo nagpapa-tan ako?" Reklamo ni Reed habang kinakatok ang pinto ko.

I smiled as I saw him sitting in my bed. Namumula ang itaas na bahagi ng katawan niya nang dahil sa init ng araw kanina.

He threw me a pillow at nang dumaan pa sa gilid ko ay tinulak ako pagilid. Para talagang bata.

I wore my sweat pants and a cropped top. Sa pagkakatanda ko ay wala naman kaming lakad.

I checked my social media accounts while waiting for Reed to finish his morning rituals. Halos alas dose na nang natapos kami at mukhang gising na din ang iba dahil nakarinig na ako ng ingay mula sa hallway.

"Goodmorning everything!" Reed mimicked the viral girl on facebook as he sat on his usual seat in the dining. Nandoon na si Park, Charity, Aline, Frank, at Brent. Lunch na ang nakahain sa mesa kaya hula ko ay nasa kusina pa si Sab at nag aayos.

"Nandito ka pala, Hindi kita nakita sa guestroom!" Rinig kong sabi ni Brent habang kumukuha ako ng softdrinks sa ref.

"Kay Naia ako natulog" Sagot ni Reed. Saktong sagot ni Reed ay biglang dumating si Travis at hinila ang upuan sa tapat ni Reed. Dumating na din si Max kasunod ni Travis. What is he doing here? Hindi malayo ang bahay nila mula sa bar, Bakit dito pa umuwi yan.

Sab faked a cough. Napansin niya ata ang tahimik na atmosphere. Si Reed ay kinukurot ako sa kamay sa ilalim ng mesa habang si Travis naman ay masama ang tingin kay Reed.

Deviant QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon