DQ - 11

17 0 0
                                    

Busy si Ace at Travis na naguusap tungkol sa business. Hindi na ako nakisali at minabuti ko nalang na ilaan ang atensyon ko sa laptop na nasa harapan ko. Kasalukuyan akong nanonood ng K-Drama na nirecommend ni Aline. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa panonood dahil ang atensyon mismo ay kusang lumilihis ng landas papunta kay Travis.

Hindi ko na alam kung nasaan si Aubrey, Pero nang natapos ang encounter namin kanina ay bigla nalang silang lumabas ni Travis. Maya-maya ay si Travis na lamang ang bumalik at wala na si Aubrey.

Hmp, Siguro ay nauna na si Aubrey sa condo nila. Hindi ko malaman bakit ba hindi pa umalis ang Travis na to, Wala naman siyang ginagawa dito kung hindi istorbohin kami ni Ace.

Ilang irap na yata ang nagawa ko sa hangin. Kung nagrereklamo at gumaganti lang ang hangin ay baka nasampal na ako nito.

"You okay, Shan? Bakit mukhang galit na galit ka naman sa pinapanood mo?" Biglang tanong sa akin ni Ace. Agad akong tumayo at hindi na lamang sumagot. Inilapag ko ang pinagkainan ko sa lamesa at dumeretso sa refrigerator upang kumuha ng maiinom.

Naabutan kong nakatayo si Travis sa gilid ko. Hindi ko narinig ang pagdating niya kaya naman halos maitapon ko ang baso na hawak ko.

"You told me to get my girlfriend. Ready ka na ba? Kukunin na kita?" Sabi niya habang prenteng naka-sandal sa kabilang pintuan ng ref. May ngiting naglalaro sa kanyang labi na siyang naging dahilan ng inis ko.

Kung kausapin niya ako ay kala mo close kami at magkaibigan. Gusto ko sana siyang paalalahanan sa ginawa niya noon pero ayoko magtunog bitter at baka akalain niyang ako ang hindi maka-move on sa aming dalawa.

I can feel the traitors inside my chest, But I ignored them. Ilang taon ko hindi nakita si Travis, Maybe it's normal to react like this. It's normal to feel this way. Galit at marami akong tanong na gustong masagot, Pero lipas na ang panahon at hindi na iyon importante sa ngayon.

"You really like third parties no? Years have passed, But you're still the same old Travis" I shook my head and turned my back. I left him near the ref, He got stunned with my statement. Truth hurts nga naman.

Bago pa man ako makalabas nang kitchen ay hinila niya ang kamay ko. Nang tignan ko siya ay nakita kong namumula ang mukha niya sa inis. Don't tell me nagalit siya sa sinabi ko? Para namang hindi totoo kung mag-inarte.

"Oh why ka galit? Truth hurts? Or ayaw mo na pinamumukha sayo kung saan ka nagkamali?" I laughed. I look so calm on the outside, But deep inside my heart is beating so damn fast because of my grudge and annoyance against him.

"What the hell, Shanaia Denise? Sayo talaga nanggaling yan?" Hindi niya makapaniwalang sabi. I saw how he tried to calm himself.

"Bakit kanino dapat ba? Sayo? Hibang ka na, Travis. I tried my best to stay civil in front of you. But you keep on annoying me! Lagi ka nalang may sinasabi. Aren't you tired? Our relationship back then was toxic enough, Wag mo nang dagdagan" I said. Agad siyang natahimik sa sinabi ko. He looked down and shook his head. Looks like he accepted his defeat.

"Wow toxic" He whispered while slightly laughing. Bakit hindi ba siya makapaniwala na tinawag kong toxic ang relasyon namin?

Toxic naman talaga eh. Kaya nga kami naghiwalay dahil hindi kami para sa isa't isa. Ang hindi ko maintindhan bakit lumalapit pa siya? For what, right? Minsan mabait siya, Minsan naman ay bigla nalang siyang magsasalita na para bang may kasalanan ako sa kanya.

I just can't believe it. Saan siya kumuha ng lakas ng loob? After betraying me, leaving me, and ignoring me, Kakausapin niya ako na para bang walang damage ang nangyari noon sa akin?

Deviant QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon