DQ - 7

15 0 0
                                    

I'm wearing my usual pambahay clothes nang bumaba ako sa Dining Hall, Nasa Mansion ako ngayon dahil ngayon daw ang uwi ni Ace at Pops.

"Anak, Bakit ang aga mo yatang nagising ngayon? Halina at kumain ka na. Ipapahanda ko na ang almusal mo" Nanay Celia said and smiled. Umupo ako sa usual place ko at inilabas muna ang cellphone ko habang nagiintay ng pagkain.

"Nay, Si Mom and Dad po ba nakaalis na?" I asked. Gabi na kasi ako umuwi kagabi kaya hindi ko na sila pinuntahan pa sa kwarto nila dahil malamang ay tulog na sila.

"Oo, Maagang umalis ang dalawa dahil may meeting yata sila ngayong umaga" I nodded. Hindi naman na bago ang wala sila tuwing umaga, My parents love to work kaya naman bata palang kami ay naiintindihan na namin bakit madalas silang wala.

Never silang nagkulang sa amin nila Kuya at Stacey kaya naman wala kaming reason to complain.

Our maids served my breakfast. Kumakain ako habang nagp-phone when I heard a noise coming from the Garden.

"May bisita ba? Saan galing ang ingay na yun?" I asked. Nag aalangan naman na lumapit sa akin yung maid na nakatayo sa may kitchen.

Hindi niya ako matignan sa mata kaya naman tinaasan ko siya ng kilay dahil masyado siyang balisa ngayon. It's like she's hiding something.

"You will answer my question or I'll check it out myself, and then I'll fire you since wala ka naman ng silbi dito?" Inis na sabi ko sa maid na nasa harap ko. I saw the fear in her eyes pero agad siyang tumungo na para bang hindi alam ang isasagot.

"Ano ba yan, Shanaia! Ang aga aga at ang init ng ulo mo. Nariyan ang kaibigan ng kuya mo noong isang araw pa, Tapos dumating ang mga kaibigan nung babaeng yun. Nandoon sila sa Garden" Sagot naman ni Nanay Celia. Hinarap ko ang maid na hindi sumasagot mula kanina.

"See! Simple as that. Walang kwenta" Inis kong sabi at dumeretso na sa kitchen para kumuha ng pa ng gatas.

"Girl ang laki talaga ng bahay niyo" I heard a voice coming from the living room. Sunod sunod ang ingay na pumasok.

Seriously Ace? Wala naman siya dito pero bakit andito ang kaibigan niya. At hindi naman nahiya ang friend niya, nagdala pa ng kaibigan. How come my parents agreed to this bullshit.

Ang iingay pa, This isn't even their house.

"Well ofcourse, Mayaman eh" I laughed. The voice is a little bit familiar but di ko matandaan kung kaninong boses iyon.

Narinig ko na ang footsteps papunta dito sa kitchen kaya naman sumandal ako sa may refrigerator at inintay na dumating sila.

"Oh!" I raised my brow when Aubrey saw me. Yes, The one and only Aubrey. The reason why Travis and I broke up.

Seriously? Is she a friend of Ace? Akala ko pa naman may taste ang kuya ko sa mga kaibigan niya, Pero wala pala. Sorry Ace, But this bitch isn't my friend so, forgive me.

"Oh, I didn't know you're staying in MY house" I emphasized the word "my" so she'll know where to place.

Ang babaeng kasama naman niya ay ngingitian ako at tinignan ko ito mulo ulo hanggang paa, Then I rolled my eyes and smirked.

"Yes. Obviously" Lakas loob na sinabi ni Aubrey. I don't want to be rude, since she's a friend of my kuya... bawasan natin ng kaonti ang kamalditahan ko for today!

"Go on, Enjoy my house. Mukha ka namang sanay maki-sampid sa pag aari ng iba" I smiled and winked. Namula ang mukha niya sa galit, but she pretended to be calm.

"Nanay Celia, Tell everyone not to serve these ladies. Anyone who will serve them will be fired. You know me, Nanay" I smiled.

Nanlaki ang mata ni Aubrey at ng kasama niya. Paakyat na sana ako ng stairs nang narinig ko ang boses niya.

Deviant QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon