DQ - 13

3 0 0
                                    

Travis and I became the talk of the school. Marami din kasi kaming schoolmates mula noong highschool ang naging schoolmate namin ngayong college.

So, most of our batchmates saw how Travis betrayed me back in highschool. Most of our batchmates are happy because they thought we're back together, we're a popular couple back then, so almost all of them saw how sweet we are and saw how we fell apart.

"What's with the face?" I almost jumped out of the bench because of his sudden appearance. Wala naman kaming usapan ng isang to pero bakit nandito na naman to?

"Wala ka bang ginagawa sa buhay kung hindi inisin ako? You always pop out of nowhere, Reed" He laughed as he gave me my favorite coffee and donut. Nasa back garden kami ngayon ng university, dito kasi malilim at wala gaanong tao kaya minsan ay dito ako nagrereview habang walang klase. May kopya si Reed ng schedule ko kaya alam niya kung saan niya ako hahanapin sa free time ko.

"I'm so bored, wala akong magawa sa bahay, you want to race later?" Excited nitong sabi. Race sounds good, wala din naman akong pasok bukas kaya ayos lang kung mag-race kami mamaya.

"With who? your friends or my friends or just us?" I asked. Sabina, Park, Max, Brent, and Aline loves racing too. So, maganda din kung isasama namin sila.

"Let's ask your friends if they can come. Kaso pala, hanap ka iba mong kotse, sumabit sa gutter yung bumper mo kahapon eh" He smiled like a dog while doing a peace sign.

"Punyeta ka talaga, nakakailang kotse ka na. Paborito ko pa man din yon!" Inis kong hinampas siya. He shrugged his shoulders and continued eating his food.

"Just buy a new one, First" He laughed. Hindi ko kasi malaman sa isang to kung ano bang driving skills ang meron siya, hindi naman siya tanga mag-drive pag kasama ako, pero lagi nalang umuuwi na may sira ang kotse ko pag siya ang may gamit.

"Umamin ka nga, we both know that you have a great driving skills, paano nangyari na laging may sira ang kotse ko tuwing ikaw may gamit? You did it on purpose, right?" I glared at him. Reed is a great racer, he drives really well. Kaya naman hindi ko maintindihan bakit laging may sira ang mga sasakyan ko.

"Fine. Lagi kasi akong may date, hindi ko alam pero lagi silang nagre-request na i-drive yung kotse mo. Of course I'll let them, masisira ang pagiging cool ko kung tatanggi ako." Agad kong hinampas nang libro ang braso niya. Sabi ko na nga ba at imposible na siya ang may gawa dahil hindi naman siya tanga sa kalsada.

"Punyeta ka talaga. Ipagawa mo yan sa kanila!" Tumango siya na walang gana. Ang bwisit talaga na to masyadong pasikat.

"Wow the bestfriends are dating again!" Maarteng dumating si Sab at inagaw ang donut na hawak ni Reed. Reed moved aside so Sab can seat beside us.

"Want to race later? If I win, give me your tesla. If you win, I'll give you the tagaytay rest house." Agad na lumingon si Sab kay Reed at nakipag-shale hands. Matagal ng hinihiritan ni Sab na ipusta ni Reed sakanya yung rest house na may Taal Lake View. Pero ayaw ni Reed dahil gusto daw niya yun. Ngayon na pumayag na si Reed ay siguradong hindi tatanggi si Sab.

"Deal. See you later at 10 pm" Sab left with a big smile on her face.

"Really? The Tagaytay rest house? Wow!" I laughed. That was his favorite rest house!

"She never won a single battle against me, Shan. That Tesla will be mine!" He confidently said. Well, he has a point. But, that was years ago. Walang idea si Reed kung gaano nag-improve si Sab sa car racing. Yan ang hobby niya these days, so I can say that Sab has a big chance in winning their battle.

"You still love him?" He asked out of nowhere. Umismid ako sa tanong niya, alam naman niya ang sagot diyan. Hindi naman ako tanga para mag-mahal ulit sa parehas na tao pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Deviant QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon