Chapter 3: A Kiss From A Stranger!

21.7K 459 32
                                    

Past

Yang was driving like a mad woman, male-late na siya sa photo shoot niya. Dianne Jeanne Antonio a.k.a Yang was one of the top models in Vince Modeling Company o kilala sa tawag na VMC. Hindi sa kadahilanang pagmamay–ari nila ang kompanya kaya siya naging isa sa mga top models, ito ay dahil sa pagsisikap niya. Simula ng mamatay ang mommy nila ay tumayo na siya sa sarili niyang paa, nagsikap at nagtyaga. This leads to her becoming one of the top models.

Sa mga oras na ito ay kakatapos lamang niyang dalawin ang puntod ng mommy nila. Their mom died when she and Geraldine May—her twin sister, also known as Germay—were barely 15 years old. She died in a car accident. Her life was taken just like that, and it made a huge toll in their hearts, specially to her twin sister. Ang pagkamatay siguro ng mommy nila ang naging dahilan upang magrebelde si Germay. Hindi pa rin siguro matanggap nito ang pagkamatay ng mommy nila at sinisisi ang sarili sa lahat.

Darn! Yang cursed inside her head.

May nangilid na luha sa kanyang mata sa mga alalaang iyon, mabilis niyang pinahid ito gamit ang isang kamay.

Lumiko siya at nagmenor upang mag shortcut. Paliko na siya sa isang intersection nang isang mabilis na kotse ang biglang patawid. Mabilis na nagpreno ang dalaga at agad kinabig pakanan ang kotse. Gahibla ang pagitan ng poste at ng kanyang kotse kung hindi lang sa mabilis na reflexes niya ay baka matumbok niya mismo ang tagiliran ng kotseng tumawid. Isa pa marahil na dahilan ay subconsciously natitiyak niyang pag nalaman ng papa niya kahit man lamang simpleng bangga ay hindi na siya nito pahahawakan ng manibela ulit.

Pagalit niyang nilingon ang kotseng tumawid. Huminto ito sa tabi at bumaba ang sakay. Humihingal pa rin siya sa nerbyos pero tiyak niyang makakatikim ang bwisit na driver ng kotse na iyon. Mabilis siyang bumaba ng kotse upang salubungin ito.

"Are you aright?" The voice was deep, low and rich.

Slowly, everything seemed to be in a slow motion as Yang turned her head and found herself looking right into the man's dark, dark brown eyes. The kind of eyes that made you melt. She felt she were, sinking down into their depths.

"Is there any damage?" Tanong ulit nito.

"Thanks to you!" Singhal niya dito ng makabawi, bumaba taas ang dibdib niya sa inis. "Kung hindi ka ba naman tatanga tanga, e 'di sana hin—"

"Whoa! What a word, Miss, 'tatanga tanga'." Putol nito sa sasabihin niya, binigyan pa ng emphasis ang huling mga salita.

"Pake mo na kung ganito ako magsalita?!" Asik niya dito.

Naningkit ang mga mata ng lalaki, "You know what, ikaw pa lang ang nakakapagsalita sa akin ng ganyan." Anito sa mapanganib na tono.

Bahagyang natigatig si Yang, pero hindi nagpahalata bagkus pinakitang buo ang kanyang loob. Nagawa pa niyang salubungin ang titig nito.

"So what? Wala akong pakielam kahit ma-ulol ka d'yan sa galit."

"Talaga bang may katalasan 'yang dila mo?" sabi ng lalaki na hindi alam kung matatawa o maiinis sa asal niya. "Sa'yo lang ako nakarinig ng disgusting word na 'maulol'."

Pinigil ng babae ang sarili na matawa, paniguradong ang katapat niya ay isang socialite kaya ganito kung makareact sa mga salita niya. "Pasensiya ka na dahil ang kausap mo ay hindi sosyal. Hindi ako myembro ng isang elite group." She said sarcastically.

Ngumisi ito, flashing a perfect and white teeth. He tilted his head to the side.

"Walang nakakatawa." Singhal niya dito, nawala ang tuwang kanina niya nararamdaman at napalitan muli ng inis.

Bumaba ang paningin ng lalaki sa blouse niya na hindi niya namalayang bahagyang nakaawang at nasisilip ang panloob. Napansin niya kung saan ito nakatitig kaya napasinghap siya at mabilis na tumalikod. Ngunit bigla siyang hinawakan sa braso nito at marahas na hinila.

"What the—" Niyapos siya nito.

Her heart thudded violently, lalo pa't naramdaman niya ang pag angat niya sa lupa. Pagkatapos ay bigla nitong inangkin ang labi niya sa nag-aapoy na halik. Angkin pa rin nito ang mga labi niya sa mariing halik habang inihahakbang siya sa pintuan ng kotse niya and pressed her back against it.

Nagpumiglas si Yang at malakas na itinulak ang dibdib ng lalaki palayo.

"Stop!" Nagawa pa niyang masabi iyon nang mag-angat ang lalaki ng ulo upang sumagap ng hangin.

"Oh, yeah?" He gazed down at her in passionate anger. "Hindi pa ako tapos." And sealed their mouths together again.

Gustuhin man niyang magpumiglas ay hindi niya magagawa, his right hand cupping the back of her head. Ang kaliwang kamay ay mahigpit na nakayakap sa baywang niya and his body was pressing against her softness. Her protests never had a chance as he pressed his body closer and tilted his hips forward, his leg nudging her thighs in wild longing.

Nalulunod na si Yang sa sensasyon, wala pang lalaki ang nagpadama sa kanya ng ganito. At wala pang lalaki ang basta basta na lang siyang hinahalikan! Isang estranghero pa! Pero nang maramdaman niya ang kamay ng lalaki sa dibdib niya ay mabilis siyang kumawala.

"A-Anong ginagawa mo sa akin?" She said stuttering while trying to grasp for air.

He smiled down at her. The smile was a bit sarcastic and something more. Then he lowered his head again and flicked his tongue against the corner of her lips. "Ang tamang tanong ay, kung ano ang ginagawa mo sa akin?" niyuko nito ang ibabang bahagi ng katawan kung saan obvious na obvious ang arousal nito.

She blushed. "Wala kang karapatang hagkan ako, Mr. who-ever-you-are!" singhal nya dito.

"Wala ka ring karapatang sabihan ako ng disgusting word, Ms. who-ever-you-are." Ngumisi ito at pagkuway binitawan siya. Tumalikod at nagtungong kotse.

Bago sumakay ang lalaki nang tuluyan ay nagsalita ito. "By the way, you have the sweetest lips I've ever tasted."

Wala na ang kotse ng lalaki ay nakatayo pa rin doon si Dianne. Dinama niya ang labi ng wala sa sarili. Nararamdaman pa rin niya hanggang sa sandaling iyon ang mga labi ng lalaki.

Why did she allow herself to be kissed by that man? A stranger for that matter and to top of all sa kalsada pa. Kahit pa nga ba gwapo ito... Umiling siya. She didn't allow him. Binigla siya at marahas na hinalikan.

The hell with that man.

Mabilis siyang sumakay ng kotse at pinaandar ito. Nasa isip pa rin ang lalaki nang makaalis.

Secret Lovers (Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon