Past
Dianne woke with a start. Sa ilang sandali ay iniisip niya kung nasaan siya. Disoriented, she looked around the unfamiliar surroundings. She wasn't in her room in her condominium nor in his father's mansion. Nasa isang hindi pamilyar na lugar siya. Inikot niya ang tingin sa loob ng silid. Halata namang pangmayaman. Doble ang laki ng silid sa silid niya sa condo niya. Naka wallpapered ang mga dingding. Kulay pale blue pa. Kompleto rin ang interior nito sa loob, may couch, may personal ref, TV... at may mini bar?
Slowly, she sat up. Napaungol siya nang maramdaman ang sakit ng ulo. Staggering off the bed, she stumbled on the floor and looked down. Malakas ang kanyang pagsinghap nang makita ang suot. Nakasuot siya ng oversized t-shirt, panglalaki pa! Wala siyang alam kung ano ang nangyari kagabi dahil madali siya makalimot kapag nalalasing. Pinagsisisihan tuloy niya kung bakit siya uminom. Dahil kapag nakaka-inom pa man din siya ng marami ay kung ano ano ang ginagawa niya. Katulad na lang ng dati, she wasn't even aware na nahalikan niya noon si James. Sinabi lang sa kanya ng binata ng mahimasmasan siya.
My God! Nakuha na ba ang virginity niya?
She felt like crying and weeped back to her dad. Agad niyang naramdaman na parang hinahalukay ang kanyang sikmura. Mabilis siyang tumayo at tumungo sa nakitang pinto na panigurado niyang banyo iyon.
Hindi pa siya nakakarating sa banyo ay may lumabas na lalaki roon at bahagya ring nagulat nang makita siya. Naudlot ang balak niyang pagsuka at nanlalaki ang mga matang tinitigan ito. Mukhang nawala rin ang pagkahilo niya at ni isang salita ay walang namutawi sa kaniyang bibig.
Nakatayo si Renz sa may bungad ng pinto ng banyo. As naked as the day he was born! Water dripping all over his beautiful body, from his muscled chest down to his huge anatomy. Her lips parted in surprise as her eyes moved downward. God! He was an epitome of a male perfection.
Ngumisi ang lalaki nang makabawi sa pagkamangha. Humakbang ito patungo sa couch at kinuha ang tuwalya na nakasabit doon, taking his time to wrapped the towel around his naked body.
"Good morning, princess."
"W—What..." She tried to find the right words to say but found none.
Awe, anger, and admiration ay sama samang nararamdaman niya habang nakatitig dito. And weakness, dahil may palagay siyang nanlalambot ang kanyang mga binti. Because no man could be this so attractive?! Hindi ba at ito ang lalaki sa intersection. The loud-mouthed Neanderthal and pervert person. The guy must be her stalker at marahil ay kung ano ano ang ginawa nito habang siya ay lasing.
Lumapit ito sa kanya. Ni hindi niya magawang umatras tila nawalan ng lakas ang kanyang mga binti.
"Last night was the best night that happened." He whispered in a husky voice, sending shivers down to her spine.
Buong malisyang hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. She gasped when he caressed her face. Para siyang itinapon sa isang lugar na puro may mga live wires. Ramdam na ramdan niya ang sexual tension sa kanilang dalawa at marahil ay ito rin, at hindi niya maikakaila iyon. Bumaba ang paningin nito sa kaniyang mga labi. And she saw how his Adams apple moved. Unti unti nitong inilalapit ang mukha sa mukha niya. Napapikit siya. Ang hininga nito ay kanya ng hininga.
Ngunit napaigtad siya ng tumunog ang telepono. Mabilis itong lumayo sa kanya at tinungo ang telepono. He muttered a series of expletives before answering the call.
"Hello?" Galit nitong bungad sa kausap ngunit nakatingin ito sa kanya.
Umiwas siya ng tingin. Natuon ang pansin niya sa pinto na papalabas ng silid na iyon. Walang anu ano'y mabilis ang pagtakbo niya, but before she could open the door, Renz was already behind her, holding her hand. Ramdam niya ang init ng katawan nito mula sa kanyang likuran.
Humarap siya dito at muntik ng mabunggo ang ulo niya sa ulo nitong nakatunghay sa kanya. Isinandal nito ang isang kamay sa pinto at ang isa naman ay itinaas ang baba niya.
"L... let me go." Hindi niya alam kung lumabas iyon sa mga labi niya.
"C'mon, pagkatapos kagabi ay ayaw mo pa rin?" His voice was mocking.
Itinaas niya ang dalawang kamay sa dibdib nito upang itulak ngunit sa pagdait ng kanyang kamay ay hindi niya magawa. At bago pa niya maisip ang gustong gawin nito ay bumaba na ang mga labi ng binata sa mga labi niya. She gasped in her throat. Her lips parted in surprise. Renz took advantage of it and plundered his tongue inside the sweetness of her mouth. Her blood swirling dizzily in her brain. The sensuality of it left her helpless.
Someone knocked at the other side of the door. Sapat upang iwan ng binata ang mga labi niya. She stared at him, confused and lust were evident in her eyes, bumaba taas ang dibdib sa paghabol ng paghinga. Namamangha sa impact ng halik na iyon.
"Sir, ito na po ang damit na pina-laundry niyo." Sabi ng tao sa kabilang pinto, husto upang magbalik ang kanyang huwisyo. Mabilis niyang tinulak si Renz.
Binuksan nito ang pintuan at ibinigay ng isang babae na marahil ay katulong ang damit... niya?
"Salamat." Wika ng lalaki sa katulong at mabilis na isinarado ang pinto.
Inabot nito sa kanya ang damit niya na bagong laba. Mabilis niyang kinuha iyon at sa nauutal na boses ay nagtanong, "Seriously, m—may... nangyari ba?"
She blushed.
He softly chuckled. "Wala." Tumalikod na ito. Kumuha ng damit sa closet at isinuot. Walang pakialam kahit na humulagpos ang tuwalyang nakapulupot dito.
Tumalikod siya.
"Bakit ka nahihiyang makita ang kahubdan ko? Ni hindi nga ako nahihiyang ipakita ang katawan ko." Amuse nitong wika habang isinusuot pantalon.
"You should have a bit of decency!" Galit niyang sagot na nakatalikod pa rin.
Nagkibit lamang ito ng balikat. "Dapat nga ay matuwa ka pa dahil ikaw pa lang ang babaeng nadala ko sa kwarto ko at nakita ang hubad kong katawan nang hindi pa nakikipag-sex. Tsaka bakit ako mahihiyang ipakita ang hubad kong katawan? Nakita mo na naman, ni hindi ka nga tumalikod agad kanina."
"I... I was shocked!" depensa ni Dianne at humarap dito. "Malay ko bang may hubad na lalaki ang lalabas sa banyo!"
"Okay, so let's not argue." Itinaas ni Renz ang dalawang kamay na parang sumusuko. He chuckled a bit, and then said, "I take no offense." Isinuot na nito ang sports shirt pagkatapos "Oh, by the way. I'm Renz... Renz Delgado. Hihintayin kita sa ibaba and let's have lunch together." At lumabas na ito ng kwarto pero bumalik ulit. "What's your name?"
"Dianne." Iyon lang sinagot niya at isinarado na muli nito ang pinto.
She sighed.
A Delgado? Kung kilala ang mga Antonio at Santiago ay kilala rin ang Delgado. No wonder, the man was like a prince or a King when looking down or talking to other people, para bang may ere ito na nakakaangat.
★★★Read the next chapters at Dreame, it has the same title and same author's name. Please support me there. Thank you so much ❤️
![](https://img.wattpad.com/cover/1768330-288-k682253.jpg)
BINABASA MO ANG
Secret Lovers (Series #2)
General FictionDianne Jeanne Antonio agreed to sign a contract with Renz Delgado, a company president, a man she doesn't even know, in order to hide her secrets. And then oneday, she left without saying goodbye, hoping against hope na mawawala ang sakit ngunit pag...