Chapter 4: The She-Devil

20.4K 472 33
                                    

Past

"You're late again, Dianne!" Singhal sa kanya ng manager niyang si Reiss. Mapagkakamalan itong modelo dahil sa ganda ng katawan at kagwapuhan, pero mas pinili nitong maging manager kaysa maging modelo. Four years ang tanda nito sa kanya.

"I am... really sorry." She said apologetically. "Hindi na mauulit."

"Talagang hindi na mauulit! Naku naman, malalagot tayo sa baklang photographer na iyon, e." Bumaba na ang tinig nito. "Hala, bilisan mo at magbihis ka na."

Dumiretso na siya sa dressing room. Hinawakan niya ang doorknob upang pihitin iyon pabukas ngunit binitawan din niya agad nang maramdamang may umiikot niyon mula sa loob ng silid.

"Oh... so you're late again, Dianne Antonio." Lissy said sarcastically then sneered. Nakagayak na ito paalis.

Lissy Dee, her co-model. Half Filipino and half American. Napaka-init ng dugo nito sa kanya sa hindi niya malamang dahilan. Unang pagkikita pa lamang ay ayaw na nito sa kaniya.

"Saan ka galing? Oh, oo nga pala, you're a first class prostitute, tinatakpan lang ng glamour and kasikatan. Kaya nga naakit mo ang Big Boss at naging supermodel ka." She taunted.

"Get out of the way, Lissy." Mahinahong wika niya ngunit ang mga mata ay kasing lamig ng yelo.

"Oh... napipikon ka na ba?" Nanunuyang tanong nito at sumeryoso. "Huwag kang abuso, Dianne. Hindi porke Antonio ang apelyido mo ganyan ka na kung umasta." Pagkuwa'y umalis na ito.

Pumasok na siya sa loob ng dressing room at tinignan ang sariling repleksyon sa salamin. No one knows about her real identity, hindi alam ng mga ito na anak siya ng Big Boss.

Why?

Don't get her wrong, she loved her family. But working in VMC, she didn't want to be tied down with them. Hindi niya gustong isipin ng iba na kaya lamang siya naging isa sa mga sikat na modelo ay dahil anak siya ni Vincent. No, she didn't want that. She wanted everyone to know that it was all because of her own effort. She wanted everyone to treat her normally. And so, she signed a contract with her father with a condition that she wouldn't be affiliated with the Antonios, at kung may magimbestiga man ay hindi ng mga ito malalaman, as long as her father was helping her.

Nagsimula muna siya bilang commercial model sa edad na disi-otso. And when she turned twenty ay naging ramp model siya. Umabot ng isang taon bago niya pirmahan ang kontrata sa VMC. She made a name on her own, relying only on her talent. Hindi lang dito sa Pilipinas ang pagiging modelo niya kundi rin sa ibang bansa.

Hindi niya naisip noon na pwede siyang mag-model. She even thought that she was not beautiful and unattractive. But she was wrong. They said, she had an arresting beauty. One that cannot easily categorized. Tinagurian pa nga siyang susunod sa yapak ng mga kilalang mukha sa fashion world.

Naputol ang daloy ng kanyang iniisip ng may kumatok sa pinto.

"Ms. Antonio, maaari na po ba kitang make-up-an?" tanong ng tao sa kabilang pinto.

"Wait, give me five minutes." Sa nagmamadaling kilos ay nagbihis siya.

★★★

She was about to get inside her car when her phone rang. Sinagot niya agad ito nang walang pag-aalinlangan nang makita kung sino ang tumatawag. "Hello?"

"Happy birthday to me! Nakalimutan mo na?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"Of course not, Shem Milcah Tyler." She chuckled softly.

Shem Milcah Tyler, her co-model and her bestfriend. Nakilala niya ito noong ipinagtanggol siya kanila Lissy at Leigh—Lissy's manager. She had an exotic beauty kaya nga hinahangaan niya ito, plus the fact na napaka-bait nito sa kaniya at kahit kanino man.

Secret Lovers (Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon