EIZEL POV
Nakapangalumbaba ako habang nakatingin sa monitor ng laptop, Kanina pa ako naka-tambay sa wall ni My loves, Nag-babantay ng mga mahaharot na nag-lipana. Kahit madalang mag-online si Ivan myloves ay ang dami pa ring babae ang lumalandi sa kanya sa comment box or pag-post sa wall nito. Tsk, Bakit kase naka-public ang account ni Myloves? Malaya tuloy sila na mang-bulabog sa kanya.
Busy ako sa pag-tingin tingin baka meron ng pinupusuan o nila-like ang myloves ko na picture ng babae, abala ako sa pag-busisi ng mag-pop up ang message notif ko. Napangiwi ako ng si Kisha ang nag-chat, ang mabait kong bestfriend at kambal ni Ivan myloves. Alam nito ang kabaliwan ko sa kakambal niya. ang kaso ay lagi ako nitong sinesermunan o pinag-sasabihan, Minsan kase ay OA na daw ako.
Binasa ko ang chat ni Beshie.
Markisha Ivy Barcelon: Huy, beshie bakit gising ka pa?
ME: Wala lang hehe, Ikaw bakit gising ka pa?
Markisha Ivy Barcelon: Chineck ko lang kung nag-message sila mommy. Ikaw bakit gising kapa?
Natawa ako ng mahina paulit-ulit ang tanong?
ME: Nagpapaantok lang ako beshie.
Markisha Ivy Barcelon: Talaga lang ha?
ME: Oo nga.
Markisha Ivy Barcelon: Sus, 'wag ako beshie, Sabihin mo ini-istalk mo na naman si kuya.
Napanguso ako, kilalang kilala talaga ako ng bestfriend ko.
ME: Hehe alam na alam mo talaga beshie ah? Checking lang naman, Tinitignan ko lang naman kung may pinupusuan ba ang myloves ko. kailangan mabantayan.
Markisha Ivy Barcelon: Baliw ka talaga, so maiba tayo, anong balita? Nag-reply na ba sa'yo si kuya? Nag-kakatext na ba kayo? Hindi ko na-itatanong sa'yo kapag-nagkikita tayo 'e nawawala sa isip ko.
ME: Psh, ayon nga-nga, dalawang taon na ang lahat lahat beshie, At ang magaling mong kambal hindi man lang ako nirereplyan maski isa, Nakakainis nga e. 'yung sweet moment namin noong na-hospital kapa. tapos no'n wala na, Nakakainis nga. Akala ko talaga nung araw na 'yon mag-tutuloy tuloy na. akala ko mapapansin na din ako ni Myloves kaso Nga-nga. Umasa lang ako beshie.
ME: Araw araw ako nag-tetext kay Myloves, Walang palya beshie. Hays, Hindi ko alam kung Blinock na ba niya ako sa contacts niya eh.
Markisha Ivy Barcelon: Dalawang taon simula ng lagi mo siyang tinetext, Hindi pa rin talaga nag-rereply? Ibang klase din talaga ang kambal ko. H'wag ka mawalan ng pag-asa beshie, Hindi ka naka-block sa contacts niya, Noong isang araw hiniram ko phone niya 'e. Tapos na-isip ko icheck 'yung ginagamit mong number nandoon naman, Kaya for sure nababasa niya message mo kung araw araw ka nag-memessage sa kanya. Hindi ko lang nabanggit agad sa'yo sa sobrang busy at nakalimutan ko hehe,
ME: What?! seryoso beshie? nandoon ang number ko sa contacts niya? Hindi niya ako Blinock?? WAAAAAAAAAH bakit ngayon mo lang sinabi beshie?
Markisha Ivy Barcelon: Ngayon ko lang din naalala sorry. hehe
ME: Sus, busy kase kayo ni papa sky 'e. Pero hayaan na apology accepted! waaaaah so hindi niya ako Blinock? Anong name ko sa contacts niya? Gosh! Nabuhayan ako ng loob beshie! Haha
BINABASA MO ANG
Secretly Loving You (TextSerye)
RomanceLoving someone secretly is a very hard and tiring matter, but to a girl named Eizel Evangelista, Loving secretly is not a sin. Loving unexpectedly is a blessing although it is hard for her. Mark Ivan Barcelon Eizel Evengelista