Chapter 25

35 1 0
                                    

Tina's POV

" So, how's your restday?" agad na bungad na tanong sakin ni Lucy pagkapasok ko sa loob ng staff room. Nakaupo sya ng mga oras na yun habang nag-aaply ng mascara sa mata nya.

" So far, so good!" nakangiti kong sagot sa kanya sabay baba sa dala kong sling bag sa bakanteng upuan malapit sakin.

" You mean, mabuti ang takbo ng naging date nyo ni Zayn kahapon?" nakangisi nyang sabi sakin. May kahalong panunukso ang mga ngiti at titig nya.

"W-what?" i frowned. How does she knows it? I mean, i wasn't dating Zayn for Christ's sake. We just randomly met at the mall yesterday and i have no idea why does Lucy knows about it. Ikinwento kaya ni Zayn sa kanya?

Lucy cracked a laugh looking at my reaction. " Oh, c'mon! nagbibiro lang ako. Chillax honey!" natatawa nyang sabi sakin. " i just conclude na kayong dalawa ang magkasama kahapon. Pareho kasi kayong wala."

Sigh. Akala ko pa naman alam nya na. Buti nalang! Ayoko ring maging tampulan ng tukso dito sa loob ng bar. Lalong lalo na't naturingang boss ko pa si Zayn. Ano na lang sasabihin ng iba, opurtunista akong tao?

" But seriously, is there something going on between you and Zayn? I mean, hindi sa panghihimasok pero sa napapansin ko kasi, besides Liam, si Zayn lang yung palagi mong kinakausap. Na kung tutuusin, ang dami naman nilang lalaki dito. Tapos si Zayn naman, napaka thoughtful nya when it comes to you. Tapos, lagi pa syang nakatitig sa'yo na para bang binabantayan ka minu minuto. Hindi ba ang sweet, nun!" kinikilig na sabi nya.

Di ko tuloy mapigilang mamula dahil sa kanyang sinabi. Ako, tinititigan ni Zayn? ba't diko yata napansin yun.

"Oh, no! we're not actually-like what you think. I-i can assume that we're friends but it's nothing more like that. Tsaka, si Liam at si Zayn lang yung nakikita ko na sa palagay ko'y mabubuting lalaki dito sa trabaho. Kaya sila lang dalawa ang kinakausap ko maliban sa iba." nauutal kong paliwanag sa kanya.

Totoo naman talagang wala akong tiwala sa ibang lalaki dito sa loob ng bar maliban kina Zayn at Liam. Lalong lalo na si Harry at ang mga kabanda nya na mga mukhang adik!

" Sabi mo, e!" she smirks while putting his make up kit back inside her purse. "Oh, by the way Tinn, pwede bang pagkatapos mong magpalit ng uniform ay sundan moko dun sa rooftop? magpapatulong sana ako sayong linisin ang mga kalat dun habang hinihintay natin yung ibang kasamahan natin. Hindi na kasi kami nakapaglinis kagabi, masyado na kasing over time."

" Oh, sure! susunod din ako sayo pagkatapos kong magbihis."

"Thanks!" sabi nya sabay kindat sakin. Tumayo narin sya matapos mailigpit ang lahat ng mga parapernalyas nya. Inilagay nya iyon sa katabing locker na lalagyan ng mga gamit ng mga empleyado sa loob.

Nang makaalis na si Lucy ay agad din akong nagbihis at maya maya pa'y sumunod narin akong nagtungo sa rooftop ng bar.

_________________

Nadatnan ko si Lucy na nagsisimula nang maglinis. Ngumiti sya sakin nang makita ako habang isa isa nyang nililigpit ang mga nagpasad na mga bote sa bawat sulok ng lugar. Sinimulan ko na ring pinunasan ang mga mesa't upuan na nakakalat pa at parang dinaanan ng bagyo.

Hindi naman laging ganito kakalat ang lugar kapag pumapasok ako sa bar. Kung meron man mga kunting kalat lang. Bago paman kami magsiuwian, minamabuti namin na nakaayos muna ang lugar bago umalis. Sinisiguro namin na kahit ang mga upuan at mesa'y naka arrange parin kahit pagka kinabukasan na ito pupunasan.

" Siguro'y nagtataka ka kung bakit ang kalat ngayon dito." diretsong sabi ni Lucy sakin na parang nabasa nya ang kung ano ang iniisip ko. " Late na kasi kaming nag close kaninang madaling araw dahil sa dami ng customers. Tapos kakaunti lang din ang pumasok na mga empleyado kahapon, kabilang ka na dun. Kaya nag suggest si Liam na ipagpabukas nalang ang paglilinis. At ito nga'ng naging resulta, parang dinaanan ng ipo ipo."

FAME (H.S//1D TAG-LISH Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon