Chapter 18

50 2 0
                                    

Harry's POV

I'm about to go back in my apartment matapos na naman akong maumagahan sa bahay ni Caloy. Ilang araw na akong hindi umuuwi sa sarili kong apartment magmula pa nung Battle of the Band. Buti nalang at marami akong dalang reserved na mga damit sa loob ng kotse ko. Well, nakagawian ko narin kasing magdala ng damit in case of emergencies at dahil narin sa 'always on the go' daily life routine ko.

Marami kaming pinuntahan na mga gig party nitong mga nakaraang gabi kaya tuloy nagmumukha na'kong zombie sa itsura ko ngayon.

Medyo nakahinga narin ako ng maluwang dahil magmula nung gabing nakita ako ni Kendall na may kahalikang iba ay hindi nya na rin ako kinukulit pa. Hindi na sya nag te-text o tumatawag sakin. Maging sa mga gig namin nitong nakaraang gabi'y diko narin sya muling nakita pa. Hindi narin sya nag-abalang pumunta sa bahay ni Caloy. Hayy, salamat naman at natauhan narin sya sa wakas!

Habang binabaybay ko ang daan patungong apartment ay dumaan muna ako sa isang supermarket para bumili ng ilang mga kailangan ko sa loob ng apartment medyo paubos na kasi yung mga supply ko dun especially mga groceries.

Before i forget, magsisimula narin pala kami sa bago naming trabaho ngayong susunod na araw kaya ngayon palang ay dapat na talaga akong mamili.

Matapos kong makapagpark ay may nakita akong isang hotdog stand sa di kalayuan sa labas ng supermarket. Tamang-tama, di pa ako nakakakain buhat kanina at medyo nangangasim narin yung sikmura ko dahil sa dami ng nainom kong beer kagabi.

Pagkalapit ko sa nasabing lugar ay may mga sampung tao na agad ang nakapila doon. Well, i have no choice but just to wait for my turn dahil hindi lang naman ako ang gutom sa mga panahong to. At medyo nagwawala narin tong mga alaga kong bulate sa loob ng tiyan.

Sumunod akong pumila sa isang babae na tila nahihirapan pa sa bitbit nitong groceries. Grabe! parang takot naman maubusan tong babaeng to.

Ilang minuto pa ang lumipas ay naka order narin sa wakas ang babaeng sinundan ko. Nang maibigay na ng tindera ang in-order nito ay agad din nitong kinuha at akmang aalis na sana. Ngunit nang magkasalubong ang tingin naming dalawa ay dun ko lang napagtanto kung sino ang babaeng yun. Oh, God! bakit nga ba diko napansin na ang impaktang babaeng to pala ang kanina pa nasa harapan ko.

Nanlilisik ang mga mata nya habang nakatingin sa'kin. Parang gusto nya na akong kainin ng buhay. Siguro'y galit na galit parin sya sakin dahil sa ginawa kong paghalik sa kanya nung nakaraang gabi.

Hindi ko lang sya pinansin sa halip ay umorder nalang ako.

" Dalawang bacon cheesedog nga." sabi ko sa kanina pa nakangiting tindera.

" Naku sir, tamang tama dalawa nalang yung natirang bacon cheesedog namin!" sabi ng tindera sabay kuha sa dalawang bacon cheesedog. Nang maibalot na nito ang nasabing order ay agad namang sumingit ang inggratang babae na sa buong akala ko'y nakaalis na ito.

" uhm miss, i forget! apat pala dapat yung inorder kong bacon cheese dog, kulang ng dalawa tong binigay nyo sa'kin." sabi nya sa nasabing tindera habang pinukol ako nang isang malalim nyang titig. " ito pala ang bayad ko, oh. Just keep the change nalang!" dagdag nyang sabi sa tindera sabay hablot sa dalawang bacon cheesedog na sana'y para sa'kin. Hindi na nakapag react pa ang tindera na nuoy nagguguluhan pa at palipat lipat ito ng tingin sa aming dalawa.

" What? wait..you have just finished your order right, so what the hell is wrong with you to take my order, huh?" pagprotesta ko dito. " at isa pa,ako ang unang umorder n'yan. Nakaalis kana kanina bago pa.."

" Oh, no! have you not heard me? nakalimutan ko nga diba. It's supposedly be four at tsaka kahit nauna kapang umorder ako naman ang naunang nagbayad. Well, why wouldn't you just take another order. Don't make this as a big deal, okay!" mataray nyang sabi sa'kin na nuoy nakataas pa ang isang kilay nito.

Talagang hinahamon ako ng babaeng 'to! No, i won't let her took my order ng ganun ganun lang. Sa halip na mas nauna nga akong umorder sa kanya, hindi rin tumatanggap ang tiyan ko ng iba pang klaseng pagkain na katulad nito maliban lang sa bacon cheese dog. Hindi naman talaga ako yung tipong mahilig sa ganitong pagkain ngunit dahil nga sa gutom na talaga ako at sayang naman ang pinagpilahan ko ng ilang minuto kung mauuwi lang sa wala ang lahat. Sino ba sya sa inaakala nya? Basta basta nya lang kukunin sakin ang order ko ng ganun ka simple? Who the fuck is she!?!

" Miss, hindi nyo pwedeng ibigay yan sa kanya. Ako ang naunang umorder nyan kaya dapat ay sakin nyo ibigay yan!" sumbat ko sa nasabing tindera na nuoy gulat na gulat at halatang mas lalo itong nagguguluhan sa mga pangyayari.

" Oh God, you're so stupid! talaga bang hindi mo maintindihan na mas nauna akong umorder sayo? How many times do i have to tell you na NA-KA-LI-MU-TAN ko nga diba!"

" Ako ang unang umorder n'yan at sumingit ka lang dahil galit ka sakin kaya gusto mo'kong gantihan ngayon!"

" Wow, and do you think ganun nalang talaga ako kababaw para gantihan ka at makipag away sayo over this food?!? OH-MY-GOD! that's ridiculuos!!"

" Ridiculous?!? yeah right, you've finally talk for yourself, bitch!"

" No i'm not! sino sa tingin mo sa ating dalawa ngayon ang nagmukhang kahiya hiya? look at yourself, nakikipag away ka sa isang babae para lang sa isang HOT-DOG?!? oh, c'mon you're such an asshole, though!"

" Hah, asshole ..REALLY?!? Great, how...." hindi na naipagpatuloy pa nang mapansin kong pinagtitinginan na pala kami ng mga taong nanduon na nuoy nakapila din para bumili.

" Aheemm...excuse me muna mga hijo at hija, medyo nakakaabala na kasi kayo sa'min. Baka kung maaari sana'y tumabi muna kayo dyan at sa headquarters nyo nalang ipagpatuloy yang pagbabangayan nyo." sabi ng isang may edad na lalaki na tila kanina pa napuna ang pagtatalo namin at mukhang naiinis na ito kagaya ng iba pang nandun.

" I'm so sorry sir, ako na po ang humihingi ng dispensa sa lahat. Hindi lang kasi alam ng lalaking to kung san ilalagay ang pagiging immature at war freak nya." mahinahon nitong sabi sa matanda habang sinipat ako ng tingin.

Gusto ko syang hambalusin ng dala nyang mga grocery ng panahong yun. Gusto kong ipalamon lahat ng hotdog sa kanya hanggang sa mabilaukan sya at mamatay ng di oras. Ngunit wala akong maggawa kundi ang mabilis na lisanin ang lugar na yun kaysa mas lalo pa akong magmukhang kahiya hiya sa harap ng mga taong nandun at ipagpasa Diyos nalang ang kaluluwa ng bwisit na babaeng yun. Nakakainis sya! Kasuklam suklam talaga ang pagmumukha nya. Para syang isang demonyita sa lupa na pilit akong hinahatak pababa papuntang impyerno.

FAME (H.S//1D TAG-LISH Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon