Chapter 23

50 1 0
                                    

Harry's POV

" Kulot, tingnan mo nga yang si Lucy. Grabe tol, ang tindi! Hindi mo talaga mahahalata sa kanya na may edad na sya. Para lang syang teenager kung tingnan." sabi ni Asyong sabay kalabit sakin na nuoy nakatingin sa head waitress ng bar. Nakatayo ito sa paanan ng pinto habang minamanduhan ang ibang kasama nitong waitress.

Hindi ako umimik sa sinabi ni Asyong at kunwari'y hindi ko narinig ang sinabi nya. Ilang minuto nalang at magbubukas na naman ang bar. Nasa stage kami ng mga sandaling yun habang nag re-rehearse ng mga kakantahin namin mamaya.

" Grabe ka Asyong, wala ka talagang patawad. Pati ba naman si Lucy ay hindi mo sasantuhin?" umiiling iling na sambat ni Lucas dito na nuoy nilalaro ang strings ng gitara na hawak nito.

" Pare, mali na ba talaga ang humanga sa isang babae, ha? Pero sa tingin nyo, may boyfriend na kaya sya?"

" May asawa't anak na, may apo sa tuhod na nga rin yan siguro. Kaya pwede ba Asyong, tigil tigilan mo nga yang kabalbalan mo sa mga babae." dagdag na sabi ni Caloy.

" Aba, kung makapagsalita naman tong si Caloy ay parang hindi pati bakla pinatulan mo." panunuksong sabi ni Macoy sabay tawa dito.

Isang malagim na titig agad ang ipinukol ni Caloy kay Macoy sabay bato ng drum stick na hawak nito.

" Pero maiba nga tayo mga pre, may napapansin ba kayo dyan kay Tina?" walang kagatal gatal na tanong ni Lucas sabay nguso sa nuoy nagpupunas ng mesa na impaktang babaeng si Tina. Hindi lang ako kumibo ng mga sandaling yun na animo'y hindi ako nakikinig sa pinag uusapan nila. Pero kahit ganun, tumatagingting parin ang tenga ko pag naririnig ang pangalan ng babaeng yun.

Halos mag iisang linggo na buhat ng mag umpisa kaming magtrabaho dito pero di parin nagbabago ang pag tingin ko sa bruhang babaeng yun. Sa halip, mas tumitindi pa lalo ang pagkainis ko sa kanya.

" Ay, uo naman tol! Grabe, sobrang sungit ng babaeng yan dude. Akalain mo ha, nung isang araw. Nag 'hi' lang naman ako sa kanya pero para na syang papatay ng tao kung makatitig sakin. Hanep!" pailing iling na sabi ni Asyong sa kanila.

" E, baka naman kasi nakakabastos na rin yung mga tingin mo. Ibang klase ka pa naman kung makatitig sa babae, nanunuot sa kalamnan. Para bang hinuhubaran mo na sila."

"Alam mo, tama ka dyan Macoy, e. Ang manyak kasing tingnan nitong si Asyong kaya siguro naiinis si Tina dyan sa pagmumukha mo." sambat rin Caloy.

" Uy, kulot! bat yata ang tahimik mo ngayon, ah. Ikaw, anong masasabi mo dyan kay Tina, aside sa pagiging maganda nya." tanong ni Lucas sakin nang mapansin ang pagiging tahimik ko.

Tsk, maganda daw.

" She's a BITCH! yun lang ang masasabi ko." walang habas na sagot ko kay Lucas at isang malakas na tawa ang itinugon nila sakin kapagkasabi ko ng mga salitang yun.

" Grabe ka kulotski, ano ba talagang ginawa sayo ni Tina at ganun na lang katindi ang galit mo sa kanya? Hindi ko alam, pumapatol ka na pala sa mga babae ngayon, ha." natatawang sabi ni Lucas sakin.

" Dude, kayo na mismo ang nagsabi kung gaano katindi ang pagkabruha ng babaeng yan. Isa pa, wala ako sa mood ngayon para pag usapan ang walang kakwenta kwentang bagay na tulad n'yan. Kaya kung ako sa inyo, tigil tigilan nyo na muna yang mga trip nyo. Sindi kasi kayo ng sindi nang katol. Napaparalisa tuloy yang mga utak nyo."

" Grabe, katol pa talaga ang naisip mo ha. How cheap, man!" nangingiti ngiting sabi ni Caloy.

Tina's POV

Kalagitnaan na nang gabi at mas lalong dumarami pa ang mga taong nagsisilabas masok sa loob ng bar.

Nagguguluhan na nga ako kung sino ang mas uunahin ko. Ang daming nagtataas ng kamay.

FAME (H.S//1D TAG-LISH Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon