Poetry Goddess

260 1 0
                                    

It had this girl na palagi akong ginagawan ng mga tula. I must say na baliw na baliw siya sa akin noon. But instead na bigyan ko siya ng pansin, I ignored her. Pero hindi pa rin sya sumusuko. Sa bawat pagsulat ng tula na ginagawa niya, ramdam ko kung gaano niya ako kagusto. Pero gago ako, tinatawan ko lahat-lahat ng tula na binibigay niya. She always used to say that It would really be the last poem na ibibigay niya sa akin. Pero natatawa ako dahil may kasunod pa pala. Pitty her. Hindi ko siya gusto. Yun ang totoo. Hindi ko lang masabi-sabi sa kanya ng harapan dahil ayokong masaktan siya at gumawa na naman siya ng tula kung gaano siya nasaktan sa sinabi ko. So I choose to be silent. Kahit iritang-irita na ako sa kadramhan niya sa buhay. Nanahimik ako. Magaling siyang sumulat. Damang dama mo yung bawat linya. Maswerte ang lalaking gusto niya at gusto siya. Pero hindi ako ang lalaking iyon. I don't appreciate poems, nakakabakla kaya. Ulol. Hanggang sa dumating ang araw na hindi na siya nagparamdam pa. Hindi na siya nagpapansin pa. Hindi na niya ako kinukulit. Hindi na niya ako sinusulatan ng mga tula. Parang naninibago ako. Kahit chat niya, wala na akong natanggap pa. Pero, isinawalang bahala ko nalang ang hindi niya pagpaparamdam. Siguro nagsawa na siya. Siguro naisip niyang wala talaga kaming pag-asa. Dapat nga maging masaya pa ako. At least for how many months na panggugulo niya sa buhay ko, mawawalan na rin ako ng sakit sa ulo. Hindi ko siya type. Hindi siya ang ideal girl ko. Kumbaga hindi siya yung ''Every man's dream girl'' Walang kakaiba sa kanya. Walang espesyal. Hindi siya kagandahan, hindi rin sexy, hindi din maputi. So sinong magtatangkang magkagusto sa kanya?
Lumipas ang araw, linggo, buwan at taon. Hindi na talaga siya nag paramdam pa.Sinubukan kong e chat sya, pero I didn't get any reply from her. I chat her again dahil online siya that time... 8:45 seen. Holly crap! Naalala ko tuloy yung mga panahong siniseen ko siya palagi. So I stalked her. And my jaw drop when I saw a beautiful woman. No, a perfect woman, wearing a simple dress, her body, her hair, her eyes, her lips, her angelic face, everything about her is so damn beautiful. Ang babaeng maganda na nakikita ko sa screen ng laptop ko ngayon, ay iyong simpleng babae na baliw na baliw sa akin noon. She really grown up to a beautiful woman. She's still simple, but can easily caught your attention. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang maamo niyang mukha. Nakangiti siya habang may hawak-hawak na bouquet of roses. Kanino ba galing iyon? Parang biglang uminit ang ulo ko. Ilang taon na ba ang lumipas? Oh! 10 years na pala. 10 damn long years. Ang dami ng nagbago, ang dami ng nawala. Ang dami ng nangyari. Ano na kaya siya ngayon? May boyfriend na ba siya? Masaya ba siya? I think yes. I can see in her eyes how happy she was in her life now. Nagpatuloy lang ako sa kakastalk sa kanya hanggang sa may nakita akong picture niya... kasama ang isang lalaki. Magkahawak sila ng kamay. Masaya. Kapwa sila nakangiti at nangungusap ang kanilang mga mata. May nakalagay na caption: ''Hindi ako magsasawang mahalin ka. Hindi ako magsasawang gawan ka ng tula. Hindi ako magsasawang samahan ka sa lahat ng kabaliwan mo sa buhay. At hindi ako magsasawang mahalin ka habang buhay... Happy 4th year anniversary Babe <3 ''
At sunod-sunod na umagos ang mga hindi ko inaasahang mga luha. Di ko mapigilang maiyak habang binabasa ko iyon. Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait. How I wish I was that man! How I wish ako ang sinasabihan niya ng ganyan. I have full of regrets in my life. I regretted the day that I ignored you! I regretted the day that I didn't give you value. I regretted the day that I didn't give you the chance na mahalin ako. Gago ako! Tngina! Huli na ako. Dati ko pa siyang gustong e chat pero naduduwag ako. Simula noong hindi na siya nag paramdam pa, maraming beses akong sumubok na kausapin ka. I'm just afraid sa maaaring e response mo. I instantly log out after I saw them. Masakit. Sobra. Hindi ko alam na masasaktan ako ng ganito dahil lang sa sa iyo . Huli na ba ako? Sana hindi pa... Sana hindi pa talaga. Ngayon ko pa kasi nalaman na mahal pala kita.

Koleksiyon ng mga Dagli, Maikling Kwento at Mga Nakatagong Salita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon